Chapter 7: Respect

1505 Words
Chapter 7: Respect AYAW KO SANANG pagbuksan ulit si Ethan pero panay na naman ang katok nito. Kulang na lang sirain ang pinto. Masakit pa rin ang braso ko dahil sa ginawa nito kanina. Pero wala akong pagpipilian kundi ang pagbuksan ito. "Ano bang proble,..." hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla 'tong pumasok sa kuwarto. "Sabihin mo, ginagago mo ba ako ha?" Gusto kong matawa sa tanong nito? Anong karapatan niyang pagbintangan ako? Subalit wala akong planong magpaliwanag kay Ethan, tulad nang sabi ni Uncle Reid hayaan ko lang raw muna si Ethan na magwala sa galit. Pero hindi ko rin maiwasang kabahan habang nakatitig ako sa madilim nitong mata. "Totoo, kaya hindi ka makapagsalita?"asar na tanong nito. "Kung pinaniwalaan mo na ang gustong mong paniwalaan, bakit ka pa nagtatanong, Ethan? Isa pa maghihiwalay na rin naman tayo. Kaya bakit hindi mo na lang hayaan na pare-pareho tayong maging masaya," nagawa kong sabihin, dahilan para lalong tumiin ang titig ni Ethan. Hindi ko maunwaan kung anong ikinakagalit niya sa akin. Kung siya mismo may ibang babaeng kasama. And I must admit, maganda ang babae. Halatang nagmula sa isang mayamang pamilya. Ang sabi ni Ethan mas gusto niya ang babaeng simple, iyong hindi laging nakamake-up at hindi nagsusuot nang mga sexy na damit. Ginawa ko lahat 'yon. Pero kalukuhan lang pala. Dahil ang babaeng kasama nito ay kabaliktaran nang lahat nang sinabi ni Ethan. Ngayon, higit ko nang nauunawaan na hindi nga ako minahal ni Ethan. Sinabi niya ang lahat nang kabaliktaran nang gusto niya para hindi niya ako magustuhan, kahit kailan. Kinabahan ako nang humakbang ito palapit sa akin. Halata ko namang nakainum ito ng alak. "Lumabas ka na," taboy ko dito. Pero muli na namang humakbang si Ethan kaya't bumilis ang pintig nang puso ko. At sa kakatras ko dito napaupo ako sa kama. "Sabihin mo... magaling ba siya sa kama?" tiim-bagang tanong nito na dumukwang upang magpantay ang mga mukha namin. I could smell the mint and alcohol from his mouth. "E...Ethan ano bang.... lumayo ka nga. Hindi mo na ako puweding hawakan dahil... dahil maghihiwalay na tayo," protesta ko nang halos magdikit na ang mga mukha namin. Nagulat ako nang tumawa ito na tila nakakaluko. "At sa tingin mo hahawakan pa kita, matapos mong magpalaway sa ibang lalaki." tuya nitong nagpainit sa dibdib ko. "Hindi ako kumakain nang tira-tira," asik nitong bakas ang pandidiri sa madilim nitong mga matang nakatitig sa mukha. Dama ko ang tila hinihiwang laman sa loob ko. Masakit palang mapagbintangan nang ganun, pero mas mabuti na 'yon. Hindi makakabuti para sa akin kung nakikipagtagisan ako nang lakas kay Ethan, dahil alam kong matatalo lang ako. Kailangan kong ingatan ang sarili ko. "Kung ganun lumabas ka na," taboy ko, subalit hindi ko napigilan ang pagsungaw nang luha sa mga mata ko. Hindi ko akalaing tulad ni Ethan ang lalaking minahal ko. Ilang sandali pa kami sa ganung ayus at tila wala itong planong lumayo sa akin. Magsasalita sana ako nang biglang tumunog ang phone nito. Pero hindi pa rin kumikilos si Ethan. "Ethan!" untag ko dito na tila noon lang natauhan. At mabilis na tumuwid nang tayo upang sagutin ang phone nito. At kitang-kita ko sa screen ang My Honey na caller nito. Natigilan naman si Ethan at napatitig sa akin. Mukhang nawala ang kalasingan sa pagtawag ng babaeng mahal nito. "Sino sa atin ang walang respeto? Kaya hindi tamang magalit ka pa sa akin," nag-uuyam kong sambit. Pero masamang tingin ang ibinigay ito sa akin. "She's my girlfriend before you ruin our lives. Kaya huwag kang umasta na parang ikaw ang biktima," asik nito sabay talikod. Palabas na ito nang kuwarto nang huminto si Ethan, he gave me a sideway glance. "Pagkalipas nang dalawang buwan, malaya kang makipaglandian sa lalaki mo. Kaya matuto kang mag-antay. At irespeto ang pangalan ko," dagdag pa nito saka tuloy-tuloy nang tumalikod. Pagkaalis nito ay saka ko muling nilock ang pinto. "Ang sama mo," nangingnig ang boses na sambit ko. Saka ako bumalik sa kama. Nagpasya akong tawagan si Uncle Reid. "Ano, nakapag-isip ka na? Babalik ako nang US." "Uncle, baka puweding pagkatapos na nang birthday ni Lolo Miggy. Kasi..." "Okay, pero gusto mo bang manatili pa rin d'yan? Puwede kitang ikuha nang condo. Pasensya ka na, dapat bumalik kaagad kami, hindi ka sana nahirapan nang ilang taon kasama nang lalaking 'yan." "Alam ko naman ang kalagayan ni Lola Sarah," tukoy ko sa Mama ni Uncle Reid. Ang ama ni uncle ay higit na mas bata sa asawa nito nang halos labing pitong taon. At gustong gusto ko noon ang love story nang mga ito kapag ikinukuwento iyon sa akin ni Lolo Benji. Siguro, dahil sa kanila kaya naniwala ako sa pag-ibig at happy ending. Dahil kahit magkalayo ang agwat nang edad, at tinutulan nang mga magulang ng magkabilang panig ang relasyon ng mga ito. Ipinaglaban pa rin nila ang pag-ibig nila. Iyon nga lang, matagal silang nagkaroon nang anak. "Okay lang po uncle. Mabilis lang naman ang araw. Saka laging busy si Ethan, kaya hindi kami laging magkikita. Ayaw ko ring mag-alala si Lolo Miggy kapag nakarating sa kanya." "Ikaw ang bahala, magkita tayo sa susunod na araw para sa passport mo. Pati na ang account mo dahil kailangan mo iyon para sa Visa." Marami pa itong ipinaliwanag pero hindi ko naman halos maunawaan. SA KABILANG BANDA HINDI mapakali si Ethan habang nakahiga sa kama. Dala nang inis niya kay Ayena at sa takbo na rin nang utak niya dahil sa tawag ni Darcy. "Paalisin mo na siya, Ethan. Alam mo ba kung gaano ako nasasaktan na isiping magkasama kayo sa iisang kama, tapos tagal mo pang sagutin ang tawag ko. Kung ano-ano tuloy ang tumatakbo sa isipan ko," bakas ang tampo nang loob sa tinig nito. "Asawa ko si—" "Alam ko,Ethan. Pero masisisi mo ba ako? Diba pumirma na siya nang annulment, kaya baka puweding dalasan na natin ang pagkikita. Gusto ko na ring makasama ka at magkaroon tayo nang anak." Oo, iyon rin ang gusto niya. Iyon ang pangarap nila ni Darcy. Isang masayang pamilya. Pero dahil sa lolo niya at si Ayena, kinailangan nilang maghiwalay. Ito ang kusang umalis at nagtrabaho na sa ibang bansa. She's a fashion enthusiast and an artist. Maraming kayang gawin si Darcy. Samantalang si Ayena, kontento na sa pagiging taong bahay. Walang pangarap sa buhay. Mukhang nakaset lang ang goal nito para maging asawa nang isang mayamang lalaki. "Ibang klase," asar na sambit niya na ikinatigil ng takbo nang kanyang diwa. Kahit kailan panira sa utak niya ang imahe ni Ayena. Dahil mula kung saan kita niya ang pait sa mata nito dala nang mga nasabi niya. "Dapat ka lang tuyain dahil, manluloko ka," depensa niya habang nakatitig sa kesami na para bang naroon si Ayena. Subalit napalingon siya sa bakanting puwesto sa kanyang tabi. Kasunod nang pagragasa nang emosyong hindi niya maipaliwanag. "Damn you." Kinabukasan, maaga siyang bumangon. At sa kung anong dahilan natagpuan niya ang sarili sa silid ni Ayena. Nakabukas na ang pinto kaya pumasok siya. Wala na ito sa kama. Lalabas na sana niya nang marinig niya ang ingay nang nagsusuka sa loob ng banyo. Kaya't napalapit siya sa pinto. Aktong kakatukin niya 'yon nang bumukas ang pinto. Kapwa pa sila nagkagulatan. Si Ayena ang unang nakabawi at nangliit ang bilugan nitong mga mata. "Ano na namang ginagawa mo dito?" usig nito kahit basang-basa ang mukha. Magulo ang maalon at itim nitong buhok at kumalat din ang ilang hibla sa pisngi. "Ethan," untag nitong ikinagulat niya. Noon siya napatitig sa braso nito. May marka pa rin iyon sa ginawa niyang pananakit dito kagabi. Dahilan para usigin siya nang konsensya. "May sakit ka ba?" tanong na lang niya. "Ano naman sa'yo?" "Ayena!" "Puwede ba sa susunod, huwag kang pumasok sa kuwarto ko. Huwag kang umasta na parang may karapatan ka pang gawin 'yon," pairap nitong angil na binangga pa siya saka nilampasan. "Tumawag si Lolo, mag-lunch daw tayo sa bahay," palusot na lang niya. Alam naman niyang tinawagan na rin ito nang assistant ng matanda. "Alam ko, katatawag lang si Mr. Larry," baliwalang sagot nito. "Sabay na tayong pumunta, may importanting bisita raw si lolo," imporma niya dito. "Fine, lumabas ka na nga," taboy nitong ikinaasar niya. DAMA KO ang mabilis na kabog nang puso ko, habang kaharap ko ngayon si Ethan na tila ba inaalisa ang mukha ko. "Labas na," ulit ko. Napapailing naman itong tuluyang lumabas. Kaya't nakahinga ako nang maluwag. Nagpahinga lang ako dahil nang hihina ang katawan ko, dala nang pagsusuka ko sa umaga. Nagawa kong haplusin ang tiyan ko. "Pasensya na, anak hindi ako ang gusto ng Daddy mo," mapait kong sambit. Umasa lang kasi ako na mas magiging malapit na sa akin si Ethan kapag may anak na kami. Kaya naman hindi ko na iniinum ang pills ko ng ilang buwan na. Mabuti na ring may anak na ako at sisiguruhin kong hindi malalaman ni Ethan ang tungkol sa anak namin. Ito ang higit na ganti na ibibigay ko kay Ethan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD