Chapter 6: Replacement
"AKALA KO wala kang planong pumunta?" bakas ang tampo sa mukha ni Uncle Reid nang magkita kami sa restaurant. Ilang buwan na ang nakakaraan nang bumalik ito nang bansa. Anak ito ni Lola Sarah— ang kapatid ni Lolo Ven na papa nang ama ko.
Nasa mid thirties na ito pero batang-bata pa ring tingnan. Siguro kasi sa America na ito nakatira. Ilang taon pa lang ako noon nang magmigrate na sa US ang pamilya nito.
Pero hindi naman naputol ang komunikasyon namin sa social media. Kapag may okasyon laging nagpapadala kami nang message sa isa't isa. Maaga kasing nag-asawa ang papa ko sabi ni Lolo Benji.
"Kailan ko ba personal na makikilala ang apo ni Senior Miggy?" tanong nito sa pagitan nang pagsubo.
Hindi ko maiwasang mapayuko. "Baka hindi na lang ho, uncle."
"Bakit naman? May problema ba?" kunot-noong tanong nito. "Ayen, huwag mong kakalimutang pamilya mo rin ako. Tayo na lang ang makapamilya diba. Masabi ka lang kung may problema?" bakas ang pag-aalala sa tinig nito.
"Kasi po..." kusa akong natigilan nang makita kong pumasok rin sa restaurant sila Ethan. At sa tabi nito isang magandang babae. Makikita ang class sa kilos nito. Subalit natigilan ako nang makita ko ang suot nitong bracelet.
Hindi ako maaring magkamali. Iyon ang suot nang babaeng yumapos kay Nick sa opisina nito.
Siya ba ang babae ni Ethan?
"Babygirl, what's wrong? Teka hindi ba si... ang asawa mo," nagsalubong nang kilay nito at naningkit rin ang mga mata. "Is he?"
"Uncle, soon hindi na kami mag-asawa. Pero huwag mo na lang sanang bangitin kay Lolo Miggy. Ayaw kong mag-alala pa siya."
"His cheating on you, Ayen?" usig nitong hindi ko nagawang sumagot. Nakakahiya naman kasi iyon. "Sira ulong—"mabilis kong pinigilan si Uncle Reid ng aktong tatayo ito. Saka ako umiling.
"Babygirl, hahayaan mo lang siya nang ganyan?" litong tanong nito.
"Kahit magwala ako sa galit, hindi na rin magbabago. Pumirma na ako sa annulment. Kaya ako nakipagkita sa'yo kasi wala na akong ibang mapupuntahan," pag-amin ko.
Ikinagulat ko nang hawakan nito ang kamay ko. At bigla 'tong matamis na ngumiti. "Hindi niya ako kilala diba?" tanong nito.
"Hindi"
"Okay. Hayaan mo na babygirl. Let's eat." Nanlaki ang mata ko dahil nilakasan ni Uncle Reid ang boses nito. Sa sulok nang aking mata kita kong palapit sa direksyon namin sina Ethan.
At mukhang gets ko na ang tinatakbo nang isip ni Uncle Reid. Kaya hinayaan ko na lang na hawak nito ang kamay kong nanlalamig. "Huwag kang magpapa-api sa kahit na sino, kahit sa lalaking 'yan," mahinang dagdag nito kaya napangiti ako.
DAMA KONG nagdilim ang tingin ko nang makita ko si Ayena, pagpasok namin sa restaurant. Kasama nito ang lalaki nito.
Nagtagisan ang panga ko sa pagbangon nang galit na hindi ko maunawaan. Kaya't pinagalitan ko ang sarili ko. Maghihiwalay na kami ni Ayena kaya ano bang ikinakagalit ko.
Subalit lalo lang nag-init ang ulo ko nang makita kong hawakan nang lalaki ang kamay nang asawa ko.
"Ethan, honey sa second floor ba tayo?" dinig kong tanong ni Darcy na nakakapit sa braso ko.
"Okay. Hayaan mo na babygirl. Let's eat." kaagad na nagpagting ang pandinig ko sa tawag nang lalaki sa asawa ko. Tama nga ako, lalaki ni Ayena Mae ang katagpo nito sa hotel nang araw na 'yon.
At anung tawag niya kay Ayena? Babygirl! "Bullsh*t!"
"Ethan, bakit?" Noon ako natauhan sa tinig ni Darcy.
"Sa second floor tayo, Sir," agaw pansin ni Jason nang napahinto ako sa tapat nang mesa nila Ayena. Nakatalikod sa direksyon ko si Ayena kaya hindi ko makita ang mukha nito.
"Kumain ka nga nang madami, kita mo namamayat ka." malambing na saad nang lalaki. Sa hula ko mukhang kaedad ko lang ang lalaki. Halatang may sinasabi sa buhay dahil mamahalin ang relong suot nito. Milano Co., rin ang brand nang coat nito. Alam ko iyon dahil may ganun akong coat iba lang ang kulay. Kasama sa limited collections 'yon.
Kaya pala ang bilis nitong pinirmahan ang annulment. May kapalit na agad. Wala na akong nagawa kundi ang hayaan ang mga ito. Dahil hinila na ako ni Darcy patungo sa ikalawang palapag.
"Ethan, is that your..." kusa nitong binitin ang sasabihin. "Mukhang sweet sila nang lalaking 'yon.
"Iyon ang lalaki niya, damn her!"
"Bakit ka nagagalit," saway sa akin ni Darcy nang paupo na kami sa aming reserve table. "Hindi ba mas okay nga 'yan. Magagamit mo sa Lolo mo ang dahilang may ibang lalaki si Ayena. Ang lakas rin nang loob niya." Napatitig ako kay Darcy dahil doon.
Tama magagamit ko nga 'yon laban kay Ayena. Subalit sa kung anong dahilan lalo lang nagngingit-ngit ang kalooban ko ngayon.
Kaya pagkatapos nang dinner ay kaagad ko nang ihinatid si Darcy sa bahay nito. Halos paliparin ko ang kotse maka-uwi lang sa bahay.
"Baby girl, ano niya ang walang hiyang 'yon, sugar daddy!" walang prenong monologue ko saka napalo ko pa ang manibela nang kotse.
Pagdating sa bahay ay wala na naman si Ayena sa living room para antayin ako. Dahilan para lalong mag-init ang ulo ko.
Inilang hakbang ko lang ang grand stair case para makarating sa guestroom. Saka sunod-sunod na kinatok ang silid ni Ayena.
Hindi nagtagal ay pinagbuksan ako nito.
"Gigibain mo ba ang pinto?" walang ganang asik nito.
"Kaya pala ang bilis mong pumirma sa annulment ano? Kasi may ipapalit ka na kaagad, tama ba?" walang prenong usig ko dito. Gusto ko nang magwala sa galit na hindi ko maipaliwanag. Pero si Ayena, kalmado at tila hindi man lang apektado sa galit ko.
"Ano bang gusto mong sabihin, Ethan? Nagagalit ka ba dahil may iba akong kasama? Eh ako, hindi ba puweding magalit sa babaing kasama mo? Mahina lang siguro ang utak ko pero hindi ako bulag," malamlam ang matang usig nito.
"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo?" Pagsisinungaling ko. Pero ngumiti lang si Ayena na tila ba alam nitong nagsisinungaling ako.
"Maghihiwalay na tayo kaya wala akong paki-alam kung ilan pa ang lalaki mo, pero tandaan mo, hanggang mag-asawa tayo hindi mo puweding dungisan ang pangalan ko," kuyom ang kamong banta ko dito.
Hindi naman ako nakikipagsiping kay Darcy kaya bakit ako magiguilty. Depensa ko sa sarili ko.
"Bakit hindi ko puweding gawin ang ginagawa mo? Hindi naman makatarungan....ahggg," napadaing ito nang walang babalang haklitin ko ang braso ni Ayena.
"Hanggang asawa pa kita. Wala kang karapatang gaguhin ako, Ayena. Kaya umayos ka," asik ko dito habang dama ko ang pangininig nang laman ko.
"Ethan...aray masakit..." reklamo nitong namumula na ang mukha. "let me go..." noon ko lang nagawang bitiwan ang braso nito. Halos bumakat ang kamay ko sa balat nito.
Bago pa ako usigin nang konsensya, mabilis kong tinalikuran si Ayena. Subalit ang galit na nag-aapoy sa katawan ko gusto kong balikan si Ayena at parusahan ito.
Natagapuan ko ang sariling nasa tapat nang shower upang kalmahin ang aking sarili.
Subalit kahit natapos na ako sa paliligo. Parang sirang plaka na paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko ang tawag nang lalaking iyong kay Ayena. At kung paano nito hawakan ang kamay nang asawa ko. Para iyong mabigat na bato na nakadagan ngayon sa dibdib ko.
"What the hell!" gigil kong sambit. Sa inis ko pumunta ako sa mini bar ko para kumuha nang alak. Kailangan ko 'yon para kumalma. Pero sa halip na makatulong ang alak lalo lang gusto kong magwala sa galit.
Dahil paulit-ulit na naglalaro sa utak ko ang mukha ni Ayena.
Ang masayang ngiti nito habang hawak nang lalaki ang kamay nito. At ang isiping mabilis akong pinalitan ni Ayena ang labis na bumabagabag sa buong pagkatao ko.
Hanggang natagpuan ko ang sarili ko sa tapat nang guestroom. Hindi ko alam kung bakit doon ako dinala nang mga paa ko.
"Ayena!" sigaw na tawag ko dito, sabay malakas na katok sa pinto. "Buksan mo 'to kung ayaw mong sirain ko 'to," sigaw ko saka paulit-ulit kong inikot ang doorknob. "Putang ina bakit ba ako nandito?"