"Kumain ka muna Queen kanina kapa nakatulala dyan" Hindi ko pinansin ang sinabi ni Nina. Tumingin lang ako sa kawalan at ninamnam ang malamig na simoy ng hangin. Kanina pa ako naka upo sa garden ng hospital kung saan naka hospital si daddy. Di ko alam kung may mukha pa ba akong maihaharap sa pamilya ko. Galit lahat sila saakin paano pa ako lalapit kay daddy. Hiyang hiya ako sa pagkaka maling ginawa ko. "Queeni naman." "I know you're worried but please I need to be alone. Leave me alone" mahinahon na sambit ko. Tumango lang ito bago ako iwan mag isa dito sa labas. Halos mabaliw ako sa halo halong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Nasa panganib si daddy dahil saakin. "Dont push your friend away baby. They are just trying to comfort you" Napalingon ako kay Kuya Matt na nasa tabi ko.

