Tahimik lang kaming nakaupo ni Kelsey sa labas ng room ni Daddy. Pinagmasdan ko lang sya habang naghahanda ng pagkain namin na binili nya sa labas. Mula ng dumating ako sa manila hindi pa ako kumakain. Di ko maramdaman ang pagkagutom dahil sa pananabik ko kay daddy. Iniisip ko din si Luther kung ayos lang ba sya doon. Kung kumain na ba sya, galit ba kaya sya saakin. Naiinis ako sa sarili ko dahil si Kelsey ang nasa harapan ko pero si Luther ang laman ng utak ko. Naawa ako kay Kelsey dahil alam kong lagi nalang syang nasasaktan at naiiwan. "Mabait kang tao Kelsey. Mahalaga ka para saakin kahit minsan napaka yabang mo. Sa tuwing kailangan kita noon lagi kang nandyan para saluhin ako sa gulo. Lagi kang nandyan para sabayan ang trip ko sa buhay. Im so thankful because I met you. All my life

