Pabalik balik ako sa kusina at labas dahil kanina ko pa hinihintay si Luther pero hangga ngayon ay hindi pa sya umuuwi. Pasado ala una na ng hapon baka di pa sya nanaghalian. Bago sya umalis kanina pinagbilinan ko na sya na umuwi ng maaga. Napagpasyahan ko nalang kumain mag isa. Kainis. Gusto ko pa naman syang makasabay kumain. Ilang oras ako nag effort para ang mailuto ang sinigang na ito pumunta pa ako ng bayan. "Haha. Grabe naman yang kwento mo!" Nabitawan ko ang hawak kong plato sa mesa at patakbo akong lumabas dahil may narinig akong nag uusap sa labas. Paglabas ko parang puputok lahat ng ugat ko sa ulo dahil sa walanghiyang babae na may pahampas hampas pang nalalaman sa BOYFRIEND KO. "Ehem!" Pag pepeke ko ng ubo. Napunta sa gawi ko ang tingin nila. Tinaasan ko ng kilay ang kas

