"Luther! Sandali lang!" I shouted. Di ako pinansin nito patuloy lang sya sa paglalakad nya. Sa sobrang pagmamadali ko di ko namalayan na may bato sa harapan ko kaya ang ending Nadapa ako. "Ouch" Daing ko dahil sobrang hapdi ng tuhod ko. Kasalanan lahat ni Carlo ito. Bakit ba kasi kinausap at pumunta pa ako sakanila. Galit tuloy saakin si Luther Iika ika akong dumating sa bahay. Walang bakas ni Luther sa sala malamang ay nasa kwarto sya. Kahit nahihirapan akong maglakad dahil sa gasgas sa tuhod ko pinilit ko pa rin. Kailangan kong makausap si Luther, mali ang nakita nya. "Luther. Alam kong nandyan ka kausapin mo naman ako." I beg. Di nya ako sinagot, nanatili lang itong walang kibo. Sumilip ako ng kaunti sa naka higa ito at talikod saakin Dahan dahan akong pumasok at umupo sa papag.

