TPT - 13

3209 Words
M A R K Nakahawak ako sa aking ulo na bumangon kinaumagahan. Parang hinahati sa dalawang piraso ang ulo ko dahil sa kirot nito. Hindi ko na matandaan ang lahat ng nangyari kagabi dahil sa sobrang kalasingan. Hindi ko rin alam kung paano pa ako nakauwi ng bahay. Napatingin ako sa puti kong tee shirt na suot ko rin kagabi na may bakas ng suka. Napangiwi ako nang malaman na sumuka na pala ako kagabi sa sobrang kalasingan. 'Ano bang nangyari kagabi?' Muntikan pa akong mawalan ng balanse nang tumayo ako. Parang umiikot ang buong kwarto. Agad akong napaupo sa kama habang sapo-sapo pa rin ang ulo ko. Bwesit naman kasi yang Otep na yan eh! Kung hindi dahil sa pagyaya niya sa akin kahapon, hindi ako nagkakaganito sana ngayon. Sasapakin ko talaga ang isang yun sa oras na makita ko siya. Nang medyo makabawi ay muli akong tumayo at kumuha ng pares ng simpleng damit upang maligo. Kailangan ko lang iligo itong hangover ko para kahit papaano ay mabawasan. Hanggang ngayon ay nalalasahan ko pa rin sa lalamunan ko ang alak na aking ininom kagabi. Napapangiwi na lamang ako sa tuwing napapalunok ako ng aking laway. Naabutan kong wala sa bahay si tita. Baka lumabas at bumili ng almusal.  Tumungo ako sa kusina at uminom ng malamig na tubig bago pumasok sa loob ng cr. Walang shower dito sa amin hindi tulad doon sa condo unit na tinutuluyan ko. Ang meron dito sa amin ay balde at tabo lamang. Kailangan mo pang mag-igib sa labas para may magamit kang tubig. Ngunit sa sitwasyon ko ngayon ay hindi ko kayang mag-igib ng pangligo ko. Mabuti na lang may stock pa ang drum sa loob ng cr at yun na lamang ang ginamit ko. Paniguradong magagalit si tita Emma nito. Kapag naging maayos na ang pakiramdam ko ay mag-iigib na lang ako bilang pamalit sa ginamit ko. Hindi lang ako nagtagal sa loob. Matapos makapagbihis ay lumabas na rin ako sa cr at bumalik sa loob ng kwarto upang mag-ayos. Saktong paglabas ko ay dumating naman si tita habang may bitbit na isang plastic ng pandesal. Napatigil ako sa paghakbang na nakasunod si Otep kay tita sa pagpasok. "Musta na ang pakiramdam mo, Mark? Paniguradong may hangover ka kaya binilhan kita ng champorado sa labas." ngiting-ngiti pa ang kumag habang tinataas ang hawak niyang plastic ng champorado. Napaikot lang ako ng mata. Kung hindi naman dahil sa pagyaya niya sa akin, hindi ako magkakaroon ng hangover ngayon eh. Gusto ko siyang hambalusin ng tuwalya sa aking balikat ngunit pinili ko na lang na huwag ituloy ay baka mapagalitan pa ako ni tita. Nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang kusina  at nilampasan ang kumag na hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi. Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagtitimpla ng kape na nakalagay pa sa 3-in-1 pack. Napansin ko ang paglapit ni Otep sa akin at kumuha ng mangko. Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan habang sinasalin niya ang binili niyang champorado. Doon ko lang napansin ang pasa sa gilid ng kanyang labi. Kailan pa naging ganito si Otep? Nakokonsensya ba siya dahil nalasing ako kagabi dahil sa kanya? "Anong nangyari sa mukha mo? Bakit ka may pasa?" hindi ko napigilang magtanong. Ngunit imbes na sagutin niya ako ay iba ang naging tugon niya. "Kainin mo 'to para mawala ang hangover mo." nilapit niya ang mangko sa harap ko. Masama ko lang siyang tiningnan.  "Hindi ko kailangan ng champorado mo." mataray kong pagtanggi sa alok niya. Ewan! Parang ang init ng ulo ko na makita ngayon si Otep. Nag-iinit ang ulo ko sa kanya. "Sayang naman ang perang binili ko tapos hindi mo lang pala kakainin." ang kanina niyang ngiti ay naglaho nang sumimangot ito. Saglit akong humigop sa kape ko. Tinapunan ko ng tingin si tita na abala sa pagdutdot sa kanyang cellphone nang madinig ko ang mahinang hagikhik nito. Paniguradong kausap niya na naman yung lalaking dinala niya dito noon. May sariling mundo ngayon si tita kaya naman hindi ko na lang siya pinansin. "Sino ba kasing nagsabi na bumili ka niyan? Edi ikaw na lang ang kumain para hindi masayang. Problema ba yun?" hinila ko ang plastic ng pandesal at kumuha ng isa. Nadinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Nakayuko na siya ngayon at mukhang malalim ang iniisip. "Sorry nga pala sa nangyari kagabi. Kung hindi dahil sa akin, hindi sana mangyayari ang lahat ng yun." napakunot ako ng noo nang biglang sumeryoso ang kanyang ekspresyon. Nagtatanong ang aking isip habang inaalala ang nangyari kagabi.  "Anong ibig mong sabihin? May nangyari ba kagabi?" tutok lang ang mata ko at hinintay ang magiging tugon niya sa tanong ko. Lalo lang sumasakit ang ulo ko dahil sa pilit na alalahanin ang nangyari sa akin kagabi. Tinapunan niya ako ng tingin. Nahalata ko sa kanyang mga mata ang pagdadalawang-isip na sabihin sa akin ang bagay na ngayon ay tumatakbo sa isip niya. "Binalakan ka ng masama ni Jackal kagabi. Sinamantala niya ang kalasingan mo. Kung hindi ko pa siya nahanap baka tuluyan ka na niyang nahubaran kagabi." muli siyang napayuko at hindi nagawang makatingin sa akin ng diretso. Parang apoy na lumiyab ang matinding galit sa aking nalaman. Dahil sa galit ay wala ako sa sariling naikuyom ang aking kamay na may hawak na pandesal dahilan oara malapirot ito. "Sorry talaga, Mark. Sorry dahil niyaya pa kita. Kung alam ko lang sana na mangyayari ang lahat ng yun, hindi na lang sana kita pinilit na sumama sa akin." marahas akong napabuntong-hininga dahil sa paghingi niya ng tawad sa akin. Hindi ko naman siya sinisisi sa nangyari sa akin. Tsaka wala naman siyang kasalanan sa nangyari.  "Kaya ka ba may pasa sa mukha?" pagtatanong ko. Bahagya nang kumalma ang galit ko sa taong yun at itinuon na lang ang atensyon kay Otep. Tanging tango lang ang sinagot niya sa akin. Kahit papaano ay nakokonsensya ako sa dinanas ni Otep. Kung hindi sana ako nagpakalasing kagabi, hindi sana ako magagawang pagsamantalahan ng Jackal na yun at hindi sana napaaway itong si Otep. Mukhang napuruhan pa ata ito. "Salamat. Nalungasan pa tuloy yang mukha mo." inangat niya na ang kanyang mukha paharap sa akin. Mukhang bumalik na ang mayabang na si Otep nang napa-tsk ito at napairap sa hangin. "Sus! Maliit na bagay! Pasa lang 'to. Hindi katulad sa gagong yun na nabasag yung ilong sa lakas ng suntok ko. Hindi ko akalain na ganung tao pala yun. Nagsisisi ako na naging kaibigan ko ang gagong yun." tumango-tango na lang ako at napapatawa sa kayabangan niya. Pero sana totoo ang sinasabi niya na nabasag nito ang ilog ng manyak na yun. Deserved niya lang yun dahil sa kamanyakan niya. Kaya pala hindi na maganda ang pakiramdam ko sa lalaking yun nang ipakilala ako ni Otep sa kanya. "Pero sorry talaga." muling paghingi niya ng tawad. Pagak ko siyang tinawanan. "Ikaw na lang ang kumain nitong champorado para quits na tayo." tinulak ko palapit sa kanyang ang mangko ng champorado. Nakakamot siyang napatingin sa akin. Tinanguan ko siya habang nakataas ang isa konv kilay upang balaan siya. Napailing na lang siya at sinimulang kainin ang champorado na bili niya. Sumapit ang tanghali at naisipan ni tita na mamalengke. Nagpresenta sana ako kanina na ako na lang ay mamalengke nang mabilis niyang tinanggihan ang alok ko. May ibang sadya pa daw kasi siya kaya siya na lang ang lalabas. Sumang-ayon na lang ako at inabala ang sarili sa panunuod ng tv. Inubos lang ni Otep ang champorado na kanyang kinakain tsaka nagpaalam na ito sa amin na aalis na. Palipat-lipat lang ako ng channel sa tv dahil sa wala akong matipuhan na palabas. Puro kasi balita at noon time show ang palabas ni hindi ko naman hilig panuorin. Sa kalagitnaan ng aking paghahanap ay nadinig ko ang pagbukas ng gate at ang pagalingawngaw ng malakas na boses ni tita mula sa labas. "Mark!!!" mabilis akong tumayo sa aking kinauupuan at sinalubong si tita. Nagtataka naman ako nang malapad na ngisi ni tita ang bumungad sa akin.  "Ikaw Mark ah. Hindi mo sinabi na bibisita pala yung jowa mo. Edi sana nakapaghanda tayo." nagtatanong ang isip kong tiningnan si tita na nilampasan lang ako at dumiretso sa kusina. "Wala po akong jowa, tita." pinilit kong tumaliwas sa maling paratang ni tita sa akin. Sino namang tao ang bibisita sa akin tsaka wala naman talaga akong jowa.  "Puntahan mo na lang doon sa labas. Mainit doon at baka masunog yun doon. Pinapapasok ko, ayaw naman tumuloy." napatigil ako sa pagsunod sana kay tita nang kusang bumalik ang mga paa ko upang tanawin sa labas ang taong tinutukoy niya. Napanganga ako nang matanaw ko ang isang itim na kotse sa labas. Mas lalo akong nagtaka dahil sa kotseng nakaparada ngayon sa harap ng bahay namin. Para mabawasan ang pagtataka ko ay minabuti ko na lang na lumabas upang malaman kung sino ang tinutukoy ni tita. Gusto ko mang isipin na namamalik-mata lamang ako sa taong nakikita ko ngayon ay hindi ko magawa. Para akong natuod sa aking pwesto nang malaman ko na ang taong tinutukoy ni tita ay si Tale. Napalunok ako nang masulyapan ang nagsusumigaw niyang karangyaan. Nang mapansin ako ay tinanggal niya ang suot niyang shades at naglakad palapit sa akin. 'Anong ginagawa niya dito?' "Hi, Mark." nginitian niya ako matapos. Dama ko ang awkwardness sa boses niya. Gusto kong magtanong kung paano niya nalaman na naririto ako. Tsaka paano niya nalaman ang lugar na 'to. Ngunit nalunok ko ata ang sarili kong dila dahil hindi ko magawang makapagsalita. "A-Anong ginagawa mo dito?" sa wakas ay nagawa kong magtanong sa kanya. Para akong nananaginip na nakatayo ngayon sa harapan ko si Tale. Buong akala ko ay hindi ko na siya makikita dahil hindi gaano naging maganda ang huli naming pagkikita. Pero ito siya sa harap ko, nginingitian ako. "Naisip ko na bisitahin ka nang malaman ko kay Ryuuji na nag-leave ka. I visited you yesterday sa unit mo, pero wala ka na doon." napakurap-kurap ako ng aking mata nang malaman na pinuntahan niya pala ako sa unit ko kahapon. "Paano mo nalaman na dito ako nakatira." nagdadalawang-isip ako na makipag-usap sa kanya. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin makalimutan nang makita ko siya sa mall na may kasamang babae. Minabuti ko na lamang na huwag yun ipaalam yun sa kanya. "Honestly, It took me a hard time finding this place. I can't even believe na dito ka pala nakatira. Thanks to Vlad for giving me the coordinates, by the way." pumameywang siya sa harap ko para mas lalong humulma ang mga ugat sa kanyang braso. Tanging polo shirt lang kasi ang suot niya at fitted jeans na sadyang bumagay sa matikas niyang katawan.  Hanggang dito ba naman, masusundan pa ako ng lalaking 'to. Kaya nga ako nag-leave para makapag-isip at lumayo na rin sa kanya. Pero hindi ata yun mangyayari dahil hanggang dito sa amin ay nasundan niya ako. "Umuwi ka na." nagdikit ang kanyang kilay sa sinabi ko. Umayos siya ng tayo sa agaran kong pagtataboy sa kanya. "Wait. What? I've just arrived here." "Wala akong pakialam kung kararating mo lang. Hindi kita sinabihan na pumunta ka dito kaya makakaalis ka na." tuluyan ko na siyang tinalikuran at papasok na sana sa loob. "Look! I know hindi naging maganda ang huli nating pagkikita. I know you didn't mean what you said that night, right? Pagod ka lang kaya mo nasabi yun, right?" muli ko siyang hinarap at pagod siyang pinakatitigan. "I left you that night para makapag-isip ka. To give you some time to figure things out in your mind." Gusto ko siyang sumbatan. Gusto ko siyang sampalin para ipaalam sa kanya na siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Gusto kong sabihin sa kanya na napakamanhid niya para hindi niya malaman na baliw na baliw na ako sa kanya. Hulog na gulog na ako sa kanya pero hindi niya man lang magawang saluhin ako. "Mark, you can talk to me. I'm here. Handa akong makinig sayo." nanatili lang akong tahimik. Ayokong magsalita at baka kung ano pa ang masabi ko ngayon sa kanya. Hindi ito ang tamang oras at lugar para isumbat sa kanya ang lahat. Ayokong mag-eskandalo dito sa labas namin. "Hindi na kita kailangan, Tale. Tapos na tayo." pinilit kong huwag lagyan ng emosyon ang aking boses upang hindi niya mahalata ang unti-unti na namang pagkirot ng aking dibdib. Pagak siyang napatawa at nagtangis ang kanyang panga. "Ganun-ganun na lang? Kapag ayaw mo na, ayaw mo na? Pinagsawaan mo na ba ako? Umay ka na ba, Mark?" naikuyom ko ang aking kamay sa mga pilosopo niyang tanong. Hangga't maaari ay ayokonh sumabog ngayon sa harap niya pero base sa mga sinasabi niya, mas lalo niya lang ginagawang komplikado ang lahat. "Wow ha! Ang kapal mo din 'no? Ikaw pa talaga ang may ganang magsabi sa akin niyan. Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo? Ikaw ang unang bumali sa kung anong meron tayo, Tale kaya huwag mong isusumbat sa akin ang mga salitang yan." mas lalong nagtangis ang kanyang panga. Mas lalong nagdikit ang pareho niyang kilay sa pagtataka. "What do you mean? Na ako ang unang nagsawa sa ating dalawa? Na ako ang unang umayaw?" 'Oo!'  Gusto kong isagot sa kanya yan. Gustong-gusto pero hindi ko magawang ibuka ang aking bibig dahil pinangunahan na ako ng mga peste kong luha. Mabilis ko itong pinunas ngunit panibago lang na luha ang muling dumaloy dito. Tanging malalim lang na paghinga niya ang nadinig ko bago niya ako mahigpit na niyakap. Gusto ko siyang itulak palayo sa akin ngunit sadyang nakakapanghina lang ang ginagawa niyang marahan na paghaplos sa aking buhok. Dama ko ang kanyang paghalik sa tuktok ng aking ulo. "Oh! Bakit hindi mo pa pinapapasok ang bisita mo? Mainit diyan sa labas!" mabilis akong napakalas sa yakap niya at pinalis ang bakas ng luha sa aking pisngi nang madinig ko ang boses ni tita sa aking likuran. Nag-aalangan akong humarap kay tita. Nangunot ang noo nito nang mapansin ang hitsura ko. "Anong nangyari sayo, Mark? Umiyak ka ba? Nag-aaway ba kayong dalawa?" bumaling ang tingin niya sa katabi ko dahilan para mawala ang pagtataka sa kanyang mukha at napalitan ito ng biglaang pagkislap ng kanyang mata. "Hello hijo. Ako nga pala si Emma, tita ni Mark." galak na nilahad nito ang kanyang kamay na agad namang tinugon ni Tale. Napairap na lang ako sa hangin sa kaplastikan ng lalaking 'to. "Alfred Tale po. Nice meeting you, tita." napa-tsk ako  sa pagtawag niya ng tita sa tita ko. Ang kapal din talaga ng mukha ng kumag na 'to para maki-tita. "Pasok ka hijo. Pagpasensyahan mo na itong pamangkin ko ah. Sadyang ganyan talaga ang ugali niya. May pagka-moody." hinila ni tita ang kamay ni Tale papasok ng aming bahay samantalang ako ay naiwan lamang sa labas at napanganga na lang sa sinabi ni tita tungkol sa akin. Kung alam mo lang tita kung anong dinanas ko sa lalaking yan. Baka hindi mo na maisipang papasukin siya sa bahay. Wala na akong nagawa kundi ang pumasok na rin. Naabutan ko si Tale na nakaupo sa sofa at palinga-linga sa paligid. "Kung ayaw mo sa ganitong lugar, makakaalis ka na." napalingon siya sa gawi ko nang magsalita ako. Hindi siya nakasagot nang mabilis na sumingit si tita sa amin. "Mark! Hindi ganyan ang pagtrato sa bisita. Hindi kita ganyan pinalaki ah!" nasa kusina si tita at may kung anong niluluto doon. "Okay lang po, tita. Sanay na rin po ako sa kasungitan nitong pamangkin niyo." tumayo siya at balak pa sanang lumapit sa kinatatayuan ko. "Diyan ka lang. Huwag na huwag kang lalapit sa akin. Nagkakaintindihan ba tayo?" inangat ko pa ang aking kamay upang pigilan siya sa paglapit sa akin. Wala rin siyang nagawa kundi ang mapatigil at bumalik na lang sa pagkakaupo. Dumiretso naman ako sa kusina upang tulungan si tita sa kung ano man ang ginagawa niya. "Ikaw ah! Hindi mo sinabi sa akin na yayamanin pala ang boyfriend mo..." marahan pa akong tinulak-tulak ni tita nang makalapit ako sa kanya. Muli akong napairap sa hangin dahil maging si tita ay may gana na ring asarin ako. Kailan ba ako titigilan ng mga tao na asarin? Nakaka-badtrip lang. "Hindi ko po boyfriend si Tale. Si tita talaga." "Sinasabi mo lang yan kasi LQ kayo. Huwag ako, Mark. Ganyang mga lalaki ang tipo mo."  Kailan pa nalaman ni tita na ganyan ang mga tipo ko? Ni minsan nga hindi ako nagkukwento kay tita ng mga walang kwentang bagay. Tsaka, si Tale? Tipo ko? Mamatay nang lahat ng lalaki sa mundo, kahit kailan hindi ko matitipuhan ang isang tulad niyang hindi marunong makuntento. "LQ pinagsasabi mo diyan, tita?" hinanda ko na ang plato sa mesa nang mapansin ko ang pagsalin ni tita ng ulam na kanyang niluto sa malaking mangko. "LQ? Hindi mo alam? Lovers quarrel. Ganern!" "Kailan ka pa naging feeling millenial, tita?" Hindi na ako nagawang sagutin ni tita nang nilapag niya ang dalawang mangko sa ibabaw ng mesa at dumiretso sa sala upang tawagin ang kumag na ang alam lang ay batrip-in ako. Nauna na akong sumandok ng kanin pati ulam bago pa man makaupo si tita at ang kumag na nakatingin lang sa pagnguya ko. "Oh? Bakit dalawang plato lang ang hinanda mo?" "Hindi yan kumakain ng mga pucho-puchong pagkain kaya hindi na ako nag-abalang---" hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang sumapaw muli si tita. "Mark!" sumeryoso bigla ang boses ni tita kaya naman natahimik ako. Alam kong may pagkakalog si tita pero sa oras na sumeryoso ito ay laging tagos sa buto. Lalo na kapag nagagalit ito. Wala na akong nagawa kundi ang tumayo para kunan ng plato at kubyertos si Tale. Kung hindi lang siya dumating dito hindi ako maba-badtrip ng ganito. Sa kalagitnaan ng aming pagkain ay nadinig ko ang boses ni Otep na tinatawag ang pangalan ko mula sa labas. Lahat kami ay napatigil sa pagkain dahil doon. Nagpaalam muna ako sa kanila upang lumabas. "Bakit?" inis kong tanong dito. "Tanghaling-tanghali ang init ng ulo mo." napansin ko ang hawak niyang plastic na may laman ng kung ano. "Wala kang pakialam. Ano bang kailangan mo?" dahil wala akong gana na makipagusap sa kahit na sino ay ang gusto ko na lang ay umalis na siya sa harap ko. "Binilhan kita ng tinolang manok. Alam ko kasing paborito mo 'to tsaka para na rin mawala na ang hangover mo." inabot niya sa akin ang plastic na ulam pala ang laman. Tinititigan ko lang ito at walang balak na kunin sa kanya. "Hangover?" baritonong boses ang nadinig ko mula sa aking likod. Kalaunan ay naramdaman ko ang pagpatong ng kanyang kamay sa balikat ko. "Sino 'to Mark?" naging maangas ang naging tono ni Otep. Kung binabalak niyang makisapakan kay Tale ay maliit ang tyansa niya na manalo dito dahil doble ang laki ng katawan ni Tale kumpara sa kanya. Ibubuka ko na sana ang bibig ko upang sagutin ang tanong ni Otep nang maunahan ako ni Tale. Hindi ko inaasahan na yun ang isasagot niya. Nalunok ko ang sarili kong dila dahil sa pagkabigla. Tila bomba ang sumabog sa harap ko ng hindi ko inaasahan. "I'm his boyfriend so you better back off."  ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD