TPT - 14

3078 Words
M A R K "I'm his boyfriend so you better back off."  Rumihestro sa mukha ni Otep ang pagkagulat ngunit saglit lamang yun. Mas nangingibabaw na ngayon ang pagkaangas niya na parang kayang-kaya niyang pataubin si Tale. "Tsk! Ako ba pinagloloko mo pre? Eh ako ang boyfriend ni Mark." pero tulad kanina ay nilukob ako ng matinding gulat nang siya naman ang nagsabi na boyfriend ako. Shocks! Kailan ko pa naging boyfriend ang kumag na 'to. Dama ko ang paghigpit ng hawak ni Tale sa balikat ko. Napalingon ako sa kanya. Matatalim ang binibigay niyang tingin kay Otep pero hindi naman nagpatalo si Otep sa pakikipagtitigan dito. Kulang na lang ay magsuntukan sila sa harap ko "Magsitigil nga kayong dalawa." nang maka-recover ay minabuti ko nang pigilan sila at baka matuloy na nga sa suntukan ang dalawang kumag na 'to. Pareho ko silang tinulak palayo sa isa't-isa at pumagitna sa kanila. "Umalis ka na Otep. Salamat na lang dito." wala na akong nagawa kundi tanggapin ang binili niyang tinolang manok at marahan siyang tinulak palayo. Nag-iwan pa ito ng matatalim na tingin kay Tale bago tuluyang naglakad palayo sa amin.  Kahit kailan talaga sakit lang sa ulo ang mga lalaki.  "We need to talk." saktong pagharap ko ay seryosong mukha niya agad ang bumungad sa akin. Nakasiksik ang isa niyang kamay sa bulsa ng kanyang jeans. Dahil sa wala akong ganang makipagbangayan ngayon sa kanya ay pinili ko na lang na lampasan siya at bumalik na lang sa loob. Nakalampas na sana ako sa kanya nang marahas niya akong hinila pabalik sa harap niya para uminit lalo ang ulo ko. "Ano bang problema mo?" hindi ko na napigilang hindi mapagtaasan siya ng boses dahil sa inis. Pusang gala naman oh! Ang sakit na nga ng ulo ko dahil sa hangover, dadagdag pa siya. "I said we have to talk." mariin ang bawat salita na kanyang sinasambit. Marahas kong kinalas ang braso ko sa mahigpit na pagkakahawak niya. Pasimple ko pa itong hinilot dahil sa pagbakat ng kamay niya dito. "Wala tayong dapat na pag-usapan, Tale dahil first of all, hindi kita boyfriend. Kung nandito ka lang para sirain ang araw ko, pwede ka nang umalis. Hindi kita kailangan sa buhay ko." mabilis akong pumasok sa loob ng bahay namin. Alam kong nakasunod siya sa akin dahil sa malakas na tunog ng kanyang paghakbang. Muli akong napaharap sa kanya nang muli niya akong mahawakan sa braso ko. Seryoso? Pinipilit niya ba talaga akong sumabog ngayon sa harap niya. Grabe na ang pagpipigil na ginagawa ko dahil ayokong malaman ni tita kung anong meron nga ba talaga kami ng lalaking 'to. Ngunit siya na mismo ang umuubos sa pasensya ko dahil sa kakulitan niya.  Ang lakas din ng apog niya para angkinin akong boyfriend niya. May boyfriend bang may kinakalantaring iba? "Bawiin mo ang sinabi mo." mahina ngunit gigil ang kanyang boses.  "Na ano? Na hindi kita boyfriend? Totoo naman diba?  Wala naman talagang tayo. Na hindi naman talaga kita boyfriend." tulad kanina ay kinalas ko ang pagkakahawak niya sa akin at nilayo ang sarili ko mula sa kanya. "Can you please tell me what's wrong, Mark? Hindi ko alam kung bakit bigla ka na lang nagalit sa akin ng ganyan. Did I do something wrong? The f**k, Mark. Mababaliw ako kakaisip kung ano bang ginawa kong masama." what the? Siya pa talaga ang may ganang magtanong sa akin niyan. Bakit hindi niya tanungin ang sarili niya? Tangna lang! Anong ginawa niyang masama? Really? Really, Tale? "Hindi ko kailangang magpaliwanag sayo, Tale. Umalis ka na hangga't kaya ko pang pigilan ang sarili ko na saktan ka." nagigitgitan ang mga ngipin ko sa pagpipigil. Galit ko ring naikuyom ang kamay ko. "Hindi ako aalis hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung anong problema. Sige! Saktan mo ako kung yan ang makakapagpagaan ng loob mo. Punch me! Slap me hanggang makuntento ka." marahas akong napabuga ng hangin at gigil na sinabunutan ang sarili ko. Tangna! Ano bang gagawin ko sa lalaking 'to? Ano bang gusto niyang mangyari? Kahit kailan talaga wala nang nadulot na maganda sa akin ang kumag na 'to. "Susmaryosep! Nag-aaway na naman kayo?!" lumabas mula sa kusina si tita. Sabay kaming napalingon sa kanya. "Naku! Pwede ba mag-usap kayo ng mahinahon? Hindi yung pareho kayong nagbabangayan." pagod akong napaupo sa sofa at nasapo na lamang ang aking noo. Muling kumirot ang ulo ko dahil sa pagka-stressed sa lalaking 'to. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Pilit ko nang nilalayo ang sarili ko sa kanya pero naririto siya, ginugulo na naman ang tahimik ko na sanang pag-iisip. "Hindi niyo masosolusyunan ang problema niyo kung parehong mainit ang ulo niyo. Tale, hayaan mo munang lumamig ang ulo nitong pamangkin ko tsaka kayo mag-usap. Nakakaloka kayong mga kabataan. Nasi-stress ako sainyo." bumalik si tita sa kusina at inabala ang sarili sa pagliligpit ng aming pinagkainan. Matapos ng nangyari ay nawalan na ako ng gana na kumain kaya naman ay bumalik na lang ako sa kwarto at minabuting i-lock ang pinto. Baka pasukin pa ako ng kumag na yun. Napailing na lang ako nang mapansin na hawak-hawak ko pa pala ang bigay na ulam ni Otep. Matapos kong ilapag yun sa maliit na mesa dito sa kwarto ay tila lantang-gulay akong napahiga sa kama. Dahil sa patuloy pa rin na pananakit ng aking ulo ay mabilis akong nalatulog. Naalimpungatan ako sa malakas na dagundong ng tugtugin sa kabilang bahay. Marahas akong napakamot sa aking ulo dahil sa pagkainis. Kulang na lang kasi ay mabasag na ang eardrums ko sa lakas ng  tugtog nila. Dinig na dinig ng buong barangay ang k-pop song ng isang sikat na boyband na hindi ko maintindihan kung ano ang lyrics. Wala akong nagawa kundi ang bumangon. Alas-singko na din pala ng hapon.  Naabutan ko si tita sa sala na nanunuod ng paboritong niyang drama sa tv. Saglit itong lumingon sa akin nang mapansin ang presensya ko. Hinanap ng mata ko ang isang tao nang hindi ko na ito makit sa loob ng aming bahay. "Si Tale po?" pagtatanong ko kay tita. "Gustong-gusto mong umalis yung tao kanina tapos hahanap-hanapin mo sa'kin ngayon?" napairap ako sa hangin dahil sa pamimilosopi ni tita. Hindi niya ba alam na kagigising ko lang at wala ako sa mood na makipagbiruan ngayon. "Nagtatanong lang..." tangi ko na lang nasabi.  "Pinauwi ko na. Sinabihan ko na tsaka na kayo mag-usap kapag malamig na ang ulo mo." tuluyang humarap sa akin si tita nang patalastas na ang nasa tv. "Ano ba kasing pinagaawayan niyo?" umupo ako sa katabing sofa at nanunuod na lang din ng palabas sa telebisyon. "Wala po." walang gana kong sagot. "Wala? Eh halos magpatayan na kayo kanina. Sinasabi ko sayo, Mark. Pag-usapan niyo yan ng maayos. Sayang yung tao kapag nawala pa sayo. Bihira na lang sa panahon ngayon ay makabingwit ng mayaman."  "Tita naman!" "Eh ako ay concern lang naman sa buhay lovelife mo, Mark. Kung nakita mo lang ang hitsura nung boyfriend mo kanina, parang pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi ka na naawa." Isang malakas na sampal sa akin ang nagawa ko. Nakakainis lang. Kadugo ko ba talagang tunay itong si tita? Diba dapat ako ang kinakampihan niya? Nagmukha pa tuloy ako yung may kasalanan. Ako na nga yung nasaktan. Lumipas ang ilang araw na wala akong ibang ginawa kundi ang manatili sa loob ng bahay. Minsan ay inaabala ko na lang ang sarili ko sa pagtulong kay tita sa mga gawaing bahay. Isang araw, ay inutusan ako ni tita na mag-igib sa labas nang maabutan ko doon si Otep. Agad ko siyang kinompranta tungkol sa sinabi niya kay Tale.  "Bakit mo sinabi na boyfriend kita?" tumaas ang kilay ko sa inis at namewang sa harap niya. Napagmasdan ang pagdaloy ng pawis sa kanyang hubad na katawan. Tanging jersey shorts lang kasi ang suot niya at ang sando nito ay nakasampay sa kanyang balikat. "Ikaw pala yan Mark. Kamusta?" hilaw akong ngitian nito at nagpatuloy sa ginagawang pag-igib. Nagtatangis ang mga ugat sa kanyang braso dahil sa ginagawa niyang pagmamaneubra sa poso. "Huwag mong iniiba ang usapan, Otep. Sagutin mo yung tanong ko." "Ito naman! Masyado na namang mainit ang ulo mo." hindi niya magawang tumingin ng diretso sa akin dahil sa ginagawa kaya ako na ang nag-adjust at lumapit sa harap niya. "Bakit mo sinabi kay Tale na boyfriend kita?" pag-uulit ko sa tanong ko. "Yun? Tale ang pangalan? Kaya pala mukhang buntot." hindi niya napigilang matawa sa sarili niyang biro. "Sasagutin mo ako o hahampasin kita nitong balde." pinagtaasan ko na siya ng boses para malaman niya na seryoso ako sa tanong ko. Puro lang kasi biro ang alam ng lalaking 'to kaya hindi makausap ng maayos. "Ito naman! Hindi na mabiro." saglit akong naghintay sa magiging sagot niya. "Sinabi ko lang yun kasi wala akong tiwala sa hitsura niya. Mukhang lolokohin ka lang no'n. Nagaalala lang ako para sayo." "Hindi ko siya boyfriend kaya wala kang dapat na ipagalala." "Bakit niya sinabi na boyfriend mo siya kung hindi naman pala?" saglit akong natigilan sa tinanong niya. Napaisip ako. Wala akong maisip na pwedeng dahilan kung bakit sinabi yun ni Tale. Hindi ko alam kung ano ang tingin niya sa akin noon. Pero base sa sinabi niya sa harap ni Otep, gusto kong isipin na may 'gusto' na rin sa akin si Tale. "Kaya baka niya sinabi yun kasi hindi katiwa-tiwala ang hitsura mo. Mukha ka kasing adik sa kanto." may gana na akong asarin siya dahil bahagya nang gumaan ang pakiramdam ko. Ewan! Ang maalala na sinabing boyfriend ko si Tale ay nakakagaan ng pakiramdam. "Grabe ka naman sa'kin. Sa gwapo kong 'to? Sasabihin mo lang ng mukhang adik sa kanto? Parang imposible naman ata. Hindi ka ba nagagwapuhan sa akin?" sinadya niyang hawiin ang kanyang buhok at i-flex ang pareho niyang biceps na masasabi kong hindi na rin masama para sa kanya. Kung hindi ko lang kilala itong si Otep, baka isipin ko na nababaliw na ito. "Hindi." pambuboska ko sa tanong niya. Palihim na lang akong napatawa dahil sa pag-nguso niya. Natapos ang araw na wala akong ginawa kundi ang maglinis ng buong bahay. Kahit malinis na itong dati ay sinadya kong magkalat at kusang linisin ang mga yun. Gusto kong maging abala sa mga bagay na pwedeng gawin para lang maging okupado ang isip ko. Nababaliw na ata ako dahil parang sirang plaka na nagpapaulit-ulit sa isip ko ang sinabi ni Tale sa harap ni Otep. Did he mean those words?  Alam kong nag-away kami matapos no'n pero nangingibabaw ngayon ang tuwa sa aking katawan. Sadyang masakit lang ang ulo ko ng mga oras na yun para hindi ma-appreciate yung sinabi niya.  Wala ako sa sariling napangiti habang nakatingin sa kisame nitong maliit naming kwarto. Tulog na tulog na si tita sa kabilang kwarto pero ako ito, buhay na buhay pa ang at diwa at mukhang wala ata akong balak dalawin ng antok. Malalim akong napabuntong-hininga bago kinuha ang cellphone ko sa tabi ko nang tumunog ito. Isang message ang natanggap ko mula sa hindi kilalang tao. Number lang kasi ang nakalagay. "Hey? Still up?" tahimik kong basa sa mensahe. Napakunot ang noo ko sa pagtataka kung sino ito. Kusang nagtipa ang daliri ko at nag-reply dito. "Sorry. Wrong send ka ata." Agad din akong nakatanggap ng reply mula dito. "I'm sorry about earlier..." "I'm so mad at myself for making you furious earlier..." Napawi ang pagtataka ko kung sino ang unknown number na ito. Napatulala ako sa isang iglap. s**t! Paano niya nalaman ang number ko? Kanino nakuha ng kumag na 'to ang number ko? Dahil sa matagal lang na pagkakatitig sa screen ng aking phone ay hindi ko na nagawang makapag-reply sa kanya. Bahagya akong napaigtad nang muling tumunog ang cellphone ko matapos ang ilang minuto. "Still mad?" "Please talk to me..."  "Mark?" Sunod-sunod ang pagtunog ng aking phone dahil sa sunod-sunod niyang pag-text sa akin. s**t! Anong ire-reply ko? Bigla akong nawalan ng sasabihin nang malaman ko na si Tale pala ang kausap ko. Saglit akong natulala ngunit bago pa man ako makapagdesisyon kung ano ang ire-reply ay biglang lumabas sa screen ang numero niya. Tumatawag siya. Mabilis akong napabangon sa pagkakahiga. Nagdadalawang-isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag niya o hindi. Kapag sinagot ko naman, anong sasabihin ko? Hindi ko alam ang sasabihin ko. O kaya huwag ko na lang kaya sagutin? Para wala nang maging problema. Baka kasi kung ano pa ang masabi ko at madulas pa ang dila ko. Nakatutok lang ako sa screen ng phone ko hanggang mag-end call ito pero ilang saglit lang ay rumehistro muli ang number niya na nagsasabing tumatawag siya ulit. 'Anong gagawin ko?' Wala ako sa sariling natapon ang phone ko sa tabi ko. Marahas akong napahiga bago kinuha ang unan sa aking ulunan at tinakip ito sa aking ulo. Kanina pa tunog ng tunog ang cellphone ko na labis na kinairita ko na. "Pa'no mo nalaman ang number ko?" inis kong bungad agad sa kanya nang sagutin. Dinig ko ang mahina niyang pagtawa sa kabilang linya kaya naman mas lalo pa akong nainis sa kanya. "Hindi ako nakikipagbiruan. Walang nakakatuwa para tumawa ka." inayos ko ang unan pasandig sa pader nitong kwarto at maingat akong umupo pasandig din doon. "You're so sweet, Hope. Gustong-gusto kong palagi mo akong sinusungitan. Hearing that tone of yours, alam kong hindi ka na galit sa akin." malamyos ang kanyang boses na pagkasabi. Para akong tinutunaw ng kanyang boses lalo na nang tinawag niya ako sa pangalawang pangalan ko. Yun ang unang beses niya akong tinawag na ganun na balis na nagdala ng kakaibang pakiramdam sa akin. Pareho kaming natahimik ng ilang saglit bago siya muli nagsalita. "You still there?" "Hmm..." "Hiningi ko kay Ryuuji ang cellphone number mo. Para kahit papa'no marinig ko man lang ang boses mo..."  Lihim akong napangiti sa matatamis niya salita. Parang mahika ang mga ito na tuluyan nang bumura sa bigat ng dinadala ko. Parang tuluyan ko nang nakalimutan ang mga masasamang nangyari sa amin noon. "Ang corny mo..." nakangiti kong pang-aasar sa kanya. "Matulog ka na. Puro ka kalandian." "Good night. Dream of me, my Hope."  Hindi ko na nagawang tumugon sa sinabi niya at mabilis na binaba ang tawag niya. Mariin kong kinagat ang aking labi upang pigilin ang aking pagngiti. Binaling ko na lang ang nararamdamang kilig sa paghawak sa sapin nitong kama. Muling tumunog ang cellphone ko at nakatanggap ng message galing kay Tale. "Libre kiligin, Mark."  Nakatulog na lang ako ng may ngiti sa labi. Kinaumagahan ay maganda ang naging gising ko. Hindi na ata maalis sa labi ko ang ngiti kaya naman buong araw na magaan ang pakiramdam ko. Napansin ni tita ang pangiti-ngiti ko kaya nagtatakang nakiintriga na naman si tita habang abala sa kanyang niluluto para sa aming hapunan. "Ngiting-ngiti ka ata? Nagkaayos na ba kayo ng boyfriend mo?" kumuha ako ng plato at kubyertos sa lalagyan at inabala ang sarili sa pag-aayos nito. Malapit na rin kasi matapos ang niluluto ni tita. "Kailan ka ba babalik sa trabaho mo? Hindi ka pa ba hinahanap ng amo mo?" pagtatanong ni tita bago sumubo ng pagkain. "Sa susunod  na linggo pa po ako babalik sa trabaho. Baka sa lunes po." simpleng sagot ko na lamang sa kanya. Tumango-tango lamang si tita at hindi na nagsalita. Wala akong ibang ginawa sa pananatili ko dito sa amin ng isang buong linggo. Simula din nang unang gabi na pag-uusap namin ni Tale ay naging sunod-sunod na nang sumunod na mga araw. Kahapon ay pumunta kami ni tita sa mall upang makapag-bonding bago ako umalis kinabukasan. Binalak ko na talaga na ipasyal si tita noon pa man. Ngayon na may sapat na akong pera para matupad yun ay sinulit ko na ang pagkakataon na maipasyal siya. Sobrang saya ko na makita lang na masaya si tita na kasama ako. Simple lang naman ang hiling ko sa buhay eh. Ang maiahon si tita sa kahirapan. Ang mabigyan siya ng magandang buhay kasama ako. Gusto kong masuklian ang mga naging sakripisyo sa akin ni tita upang itaguyod ang pangaraw-araw namin. Gustong-gusto ko siyang pasalamatan sa lahat. "Nakahanda na ba lahat ng dadalhin mo?" sigaw ni tita mula sa labas. Ngayon ang araw ng pagbabalik trabaho ko. Sapat na rin ang isang linggo para mag-leave at muling kumayod. Saglit akong sumipat sa salamin upang pagmasdan ang kabuuan ko habang sukbit ang aking travel bag sa aking balikat. "Opo tita." sagot ko nang mabungaran ko siya sa sala. "Huwag mong pababayaan ang sarili mo ah. Huwag na kayong mag-aaway ni Tale. Magpapakabait ka ah!" mahigpit akong niyakap ni tita. Saglit kong dinama ang yakap niya. Simula nang mawala ang mga tunay na mga magulang ko, si tita Emma na ang tumayong mama at papa ko. Siya lang ang taong buong-puso na tinanggap ako sa kabila ng mga pinagdaanan ko noon. "Opo tita." pinilit kong huwag maiyak sa muling paghihiwalay namin ni tita. Ayokong umiyak sa harap niya hanggang maaari. Ang ayaw kasi sa lahat ni tita ay nakikita akong umiyak dahil paniguradong maiiyak na rin siya. "Bilisan mo na at naghihintay na yung sundo mo sa labas." nawala ang ngiti sa aking labi sa sinabi ni tita. Sundo? Wala akong inaasahan na magsusundo sa akin. "Sundo? S-sino po?" nagtataka kong tanong sa kanya. "Sino pa? Edi yung boyfriend mo." mahinang napahagikhik sa kilig si tita at nagawang marahan pa akong tinapik sa aking balikat. "Huh?" mabilis akong naglakad palabas upang kompirmahin ang sinasabi ni tita. Baka kasi mamata ay pinagtitrip-an lang pala ako ni tita at gusto lang akong asarin. Natigilan ako sa aking pwesto nang bumukas ang pinto ng nakaparadang kotse sa tapat ng aming bahay at iniluwa nito ang napakwapong nilalang. Parang bumagal ang galaw niya sa paningin ko nang tanggalin niya ang suot niyang sunglasses. Kitang-kita ko ang pagkislap ng abo niyang mata na natatamaan ng sinag ng araw. Naging mabagal ang kanyang paglalakad papalapit sa akin hanggang sa namalayan ko na lang na nasa harapan ko na siya. Nakangiti niyang kinuha ang bag sa akin at sinukbit ito sa kanyang malapad na balikat. "Paano mo nalaman na ngayon ako aalis?" hindi ko mapigilang maitanong dahil sa pagtataka. "Tita Emma said na ngayong araw ka raw babalik. So I hurried here to fetch you up." "Aren't you happy to see me?" nakangiti niyang tanong sa akin at bahagyang hinaplos ang aking namumula nang pisngi. ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD