NOONG araw na pumunta siya sa bahay ng kanyang matalik na kaibagan si Margaret para bisitahin ito, at siyempre ay makita na rin si Ashton upang ibigay rito ang kanyang ginawang leche flan. Pagdating niya sa bahay ni Margaret ay agad siyang kinausap nito nang masinsinan. "Hi bestie, I miss you!" masiglang bati ni Kylie sa kanyang bestfriend. Pagkalapit kay Margaret ay agad siyang yumakap. "Hello bestie, talagang ako ba ang na-miss mo o ang pinsan kong si Kuya Ashton?" nanunuksong sabi ni Margaret. Mahina naman siyang hinampas ni Kylie. "Margaret! Siyempre na-miss din kita. Ilang linggo rin ata akong di nakabisita rito sa inyo dahil naging abala ako sa negosyo namin," wika naman ni Kylie. "Kylie, alam ko naman talaga kung sino ang binabalik-balikan mo rito sa bahay namin. Ipinapaa

