ENERO ngayong buwan mula ng maikasal sina Ashton at Autumn ay nakaramdam na ng kakaibang pagbabago si Autumn sa kanyang katawan. Ngunit hindi na lang niya ito binibigyan ng pansin dahil naisip niya na baka dala lang iyon ng pananatili niya sa bahay bilang maybahay. Simula nang maikasal sila ni Ashton ay tumira na sila sa bahay na ibinagay ng lola niya. Ang condo naman na tinitirhan noon ni Ashton ay ibinagay na nito sa kanyang pinsang si Margaret dahil balak na nitong magsarili. "Honey, are you okay?" Tanong ni Ashton kay Autumn na bahagyang natigilan sa pagkain dahil sa kanyang malalim na pag-iisip. "Yes honey i'm okay! Naisip ko lang kasi parang may kakaiba ngayon sa sarili ko," sagot ni Autumn na hindi mapalagay ang isip. "Bakit honey ano bang nararamdaman mo ngayon sa katawan mo

