NANG maisugod si Autumn ni Ashton sa ospital ay agad na may sumalubong sa kanyang nurse na lalaki na may dalang hospital bed. Dahan-dahang inihiga ni Ashton si Autumn saka tinulungang itulak papasok ng hospital ang higaan. "Sir, pumunta na po muna kayo sa information para hingian kayo ng mga detalye tungkol sa kasama ninyo. Ako na pong bahalang magdala sa kanya sa emergency room para tingnan siya ng doktor." "No!" tangging sagot ni Ashton. "Please look for Dra. Celes Samaniego, she's my friend. Tell her that Mr. Ashton De Vera needs her help to look out for my wife," seryosong sabi ni Ashton sa lalaking nars. Agad na nanlaki ang mga mata ng nars nang marinig kung anong pangalan niya. "Okay po sir pagkatapos kong dalhin sa emergency room ang asawa po ninyo e ipapatawag ko po sa k

