SIYAM na buwan na ang tiyan ni Autumn pero maliit pa rin itong tingnan. Dahil sa takot na mahirapang manganak kaya hindi siya kumakain nang marami. Ilang beses na ring paulit-ulit na sinasabi sa kanya ng mga magulang nila ni Ashton at kanilang mga kapatid na huwag palakihin ang bata sa tiyan. "Honey ilang araw na lang makikita na natin si Baby Amaris," tuwang sabi ni Ashton kay Autumn. Napili nilang Amaris ang ipangalang dahil ang meaning nito sa Hebreo ay 'Given by God' at naniniwala silang mag-asawa na bigay ng Diyos ang kanilang anak sa kanilang mag-asawa. "Ako rin honey! Nakahanda na naman lahat ng mga gamit ni baby pati ang bag na dadalhin sa ospital kapag nanganak na ako," nasasabik na sabi ni Autumn. Hinimas-himas naman ni Ashton ang tiyan ni Autumn na ngayon ay nakahiga sa kama

