SA SOBRANG sayang naramdaman ni Autumn kagabi ay hindi halos siya nakatulog. Idagdag pang ngayong araw ang kanyang kaarawan kaya kahit alas-sais pa lang ng umaga ay abala na siya sa pag-aayos sa garden kung saan gaganapin ang kanyang party. Ngayon ay Oktubre 25, 2019 na. Mabuti na lang ang kaarawan niya ay tumapat na day-off niya kaya ang isang Manager na kapalitan niya ngayon ang tatao sa store. Hindi na niya ginising ang kanyang ina. Dahil alam niyang pagod ito dahil sa pagluluto kahapon ng mga putaheng pinagsaluhan nila kahapon. Mamaya pa namang ala-una ang dating ng mga pagkain mula sa De Vera's Catering Services na pagmamay-ari ng pamilya ni Ashton pati na ang cake sa Contis. Dahil may mga ibang bisita na dadalo mamaya. Inimbita kasi niya ang mga empleyado sa Jollibee at i

