ISANG oras ding nakapagpahinga si Autumn sa kanyang kuwarto. Gustuhin man niyang matulog pa ngunit kailangan na niyang mag-ayos dahil mamaya lang ay may darating ng mga bisita. Agad siyang pumunta sa banyo upang maligo. Bigla na lang siyang nakaramdam ng pagkabog ng dibdib. Hindi niya alam kung dahil ba sa pagkasabik. Ikiniling na lang niya ang kanyang ulo para mawala sa isip ang ganoong tanong. Mabuti na lang hindi na siya kailangan pang maghalungkat ng susuotin. Hindi na kasi bumili si Autumn ng kanyang damit na susuotin para sa araw na ito dahil naisip niyang marami naman na siyang damit na puwedeng pagpilian para suotin. Saktong iniregalo ni Ashlin ay isang dress na nagustuhan niya unang kita pa lang niya. Lumabas na si Autumn sa banyo pagkaligo pagkatapos ay agad na dumiretso sa k

