NANG umalis sina Ashlin at Gavin sa bahay ni Autumn dala-dala ang kanilang mga gamit ay hindi niya mapigilang malungkot dahil sa pangalawang pagkakataon ay nakaramdam na naman siya ng pagkabigo. Hindi maisip ni Autumn kung bakit aalis ang magulang niya ng wala naman siyang maisip na dahilan. Pasado alas-diyes nang matapos ang party. Unti-unti na ring nagligpit ang mga trabahador sa Catering Services. Pagkaalis ng mga bisita ay masinsinang nag-usap sina Alona, Autumn at Ashton tungkol sa pag-alis nina Ashlin, at Gavin. "Saglit lang honey pupuntahan ko lang sina mama't papa sa kuwarto nila para tawagin. Kanina pa kasi hinihintay ni Autumn na lumabas dahil kasagsagan ng party niya." Paalam ni Alona sa asawang si Zion. "Okay honey, ako ng bahala kay Blythe." Nakangiting sagot ni Zio

