HABANG nag-aayos ng mga inihandang pagkain sa mesa ang mag-ina para sa ika-40 days ng yumaong lolo ni Autumn ay dumating naman ang kanyang Ate Alona kasama ang sariling pamilya. "Hi Ate Alona! Naku nandiyan na pala kayo nina Kuya Zion pati ni Baby Blythe." Nakangiting bati ni Autumn sa kanyang nakatatandang kapatid. Bago lumapit sa kanyang pamangkin ay ipinunas muna ni Autumn ang kanyang kamay sa suot na pulang apron. Medyo mabasa kasi dahil kahuhugas lang niya ng kamay dahil nalagyan ng sauce ng spaghetti noong nagsalin siya sa stainless na lalagyan kasama ang ina. Hindi napansin ni Autumn ang pagdisgusto sa ekspresyon ng mukha ng ina ng makita ang anak na panganay kasama ang pamilya nito dahil pagkatingin sa kanya ay biglang ngumiti naman ito. "Ang cute-cute naman ng pamangkin

