KINABUKASAN ay hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ni Autumn. Dahil sa kahapon na nagkaroon sila ng oras na pamilya para mag-bonding, at mag-picture taking kasama ang kanyang pamilya. Idagdag pa na makikita niya rin ngayon ang kanyang kasintahang si Ashton. Magsigla siyang tumuyo sa kanyang kama saka inayos ito. Kailangan na niyang maghanda sa pagpasok sa kanyang trabaho. Nasasabik na siyang makita ang kanyang kasintahang si Ashton sa store. Pagkatapos niyang ihanda ang kanyang mga susuotin, at dadalhin ay kinuha muna niya ang kanyang cellphone upang tawagan ang kasintahan. Agad na pumunta si Autumn sa banyo upang patagong kausapin ang kasintahan. Pagbukas niya ng cellphone ay agad niyang hinanap ang number ng kasintahan saka agad itong tinawagan. Naalimpungatan si Ashto

