Habang nag-uusap sa baba ang lolo't lola niya kasama ang kanyang magulang, si Autumn naman ay nagpapalit ng damit sa kanyang kuwarto dahil nabasa siya gawa nang malakas na ulan. "Ano kayang pinag-uusapan nila sa baba?" Bulong niya habang tiningnan niya ang kanyang shoulder bag kung nabasa ba ang laman nito sa loob. Nilabas niya ang kanyang cellphone para tingnan kung may mensahe ba o tawag mula sa mga katrabaho niya. Mga ilang minuto rin ang inilagi ni Autumn sa kanyang kuwarto bago niya napagpasyahang bumaba na sa sala. Naabutan niyang pinagkukuwentuhan siya ng mga ito. Uupo na sana siya sa tabi ng kanyang lolo pero biglang nagsalita ang lola niya. "Autumn, apo, bakit hindi ka tumabi sa mama't papa mo. Aba'y matagal din kayong hindi nagkita ng magulang mo." Nakangiting sabi ng lola ni

