Kabanata XVII

2287 Words
"Gabi gabi ka bang nagpapahangin rito, Ginoo?" tanong ko kay Oier nang makaupo kami ng parihaba na upuan.  Napatingin siya sa akin bago binalik ang mga mata sa mga taniman, "Anong masasabi mo sa mga bulaklak na alaga ni Yael?" tanong niya at hindi sinagot ang katanungan ko. Yumuko ako't tiningnan ang bulaklak. "Maganda pero walang amoy," napangiti ako.  "Ikaw ba ang nag iwan nito sa may mesa?  "Bakit ako mag iiwan ng bulaklak? At isa pa, hindi ako mahilig sa d’yan." Nasilayan ko ang pag angat ng dulo ng kanyang mga labi. "Tanungin mo si Yael," Huminga ako nang malalim at bumaling muli sa mga bulaklak na sumasayaw dulot ng malamig na simoy ng hangin. "Hindi na ginoo at baka naiwan lang ito ng mga duwendeng naglalaro."  Nasilayan ko ang mabilis na pagbaling niya sa akin direksyon, "duwende? naniniwala ka roon?" Tumango ako, napansin ko ang pagkunot ng kanyang na parang hindi naniniwala sa mga sinasabi ko. Hindi pa ako nakakita ng naturang elemento pero ayon sa mga haka haka ng mga matatanda, kapag may sumusulpot na kagamitan o may nawawala, ibig sabihin pinaglalaruan daw iyon ng mga duwende.  Narinig ko ang kanyang pag ngisi. Tinakpan niya ang kanyang mukha ng palad at umiling. "Naniniwala kang duwende ang nang iwan ng bulaklak na iyan kesa kay Yael." Hindi iyon katanungan, isa iyong pahayag. "Si Yael at ang mga duwende ay may pagkakapareho.." ani ko sa kanya. Alam kong hindi niya ito sasabihin kay Yael, kung hindi siya marunong magtago ng sikreto marahil matagal na akong nabisto na pumapanhik dito upang makipagkita sa kanya. "Hindi ba?" napakurap kurap ako ng ilang beses. Napuna ko ang kanyang pagtigil. Huminga siya nang malalim at tumingin sa akin. "Sana hindi sa aspetong pagmumukha 'yan." ang kanyang tono ng kanyang pananalita ay wari pagalit o painis.  "Si Yael ay mapanuya at mapaglaro. Gayon din ang mga duwende." pagpapaliwanag ko sa kanya. "Pero kung sakaling naiwan man ito ni Yael at nakaligtaan niyang kunin bago siya umuwi, iiwan itong bulaklak na ito sa mesa." patuloy ko, sinusubukan kong putulin ang pag uusap namin tungkol sa mga diwende dahil pansin kong nagmumukha lang ako timang sa kanyang giliran. Pinag ekis niya ang kanyang dalawang braso sa tapat ng kanyang dibdib at napatingin sa akin. "Maraming bulaklak sa paligid, Seleng. Hindi na niya kailangan pang kunin 'yan." aniya. "At isa pa Celestine, hindi magugustuhan ni Yael ang tawagin mo siyang duwende kapag narinig niya ang pag uusap natin."  “Alam mo, Ginoo. Magkapareho kayo ni Yael, pero hindi ibig sabihin na katulad ka rin ng duwende,” naalala ko minsan noong pinapasok ko siya sa aking kwarto. Kung makapagsalita siya ay parang hawak hawak niya ang mga desisyon ni Oier, katulad ngayon kay Oier. Kung paano niyang sabihing hindi kailangan ni Yael ng bulaklak at hindi magugustuhan ni Yael ang pagtawag ko sa kanyang diwende, ay parang hawak hawak nila ang mga desisyon ng isa’t isa.  Hindi naman siya nagsalita at nakatitig lang sa akin. Naghihintay ng susunod kong sasabihin sa kanya. “Pinapangunahan niyo ang desisyon niyo sa isa’t isa,” umiling ako.  “Close kami ni Yael, parang ko siyang…” nahinto siya at napatingala sa kalangitan. Humarap ko sa kanya at nakataas ang dalawa kong kilay. “Parang ano, Ginoo?” “Para ko siyang..” seryoso siyang tumitig sa akin. “Para ko siyang anak.” walang bahid na kalokohan niyang banggit pero alam kong siya'y nagbibiro lamang. “Mukhang hindi naman nagkakalayo ang mga edad niyong dalawa,”  sandali akong humalakhak. Napansin ko ang multo ng kanyang ngiti sa kanyang labi bago ito tuluyang naglaho nang ako’y bumaling sa kanya. "Huwag mo sanang sasabihin at baka malintikan ako na kinumpara ko siya sa mga duwende," nawala ang ngiti sa aking labi at sumagi naman sa isipan ko ang mapanuyang ngiti ni Yael minsan at umaabot sa puntong nakakapangilabot na. Tumatawa mag isa habang nakahalukipkip ang dalawang braso at napapaligiran ng maitim na usok sa kanyang likuran.  Mabilis akong umiling upang iwasiwas ang mga pumapasok sa aking isipan.Narinig ko ang kanyang pag ngisi. Wala naman siyang naging tugon sa aking sinabi. Hinayaan niyang mamayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Alam mo ba kung ano pagkakapareho nila binibini?" hanggang binasag niya ito sa pamamagitan ng isang katanungan. "Ano?" "Kagaya ng duwende, kaya ka niyang  pasayahin." Aniya. Bumilis ang tahip ng aking puso. Sumagi naman sa aking isipan ang totoong ngiti ni Yael. Maliwalas ang kanyang mukha at binabalutan siya ng kumikinang na palamuti sa kanyang likuran. Winasiwas ko muli ang aking isipan ngunit hindi matigil ng kakapintig nang hindi normal ang aking puso. Napatingin ako kay Oier na kasalukuyang nagpipigil lang ng ngiti sa kanyang mga labi.  "Hindi naman ako malungkot, hindi ko kailangan ng tagapagpasaya." Pagsisinungaling ko. Kung si Yael ang aking tagapagpasaya ay marahil pagtatalo at pang aasar lamang ang nagagawa namin sa loob ng isang oras. Lalo na sa tuwing naiisip ko ang kanyang mapanuyang ngiti na para bang may binabalak o may ginawang karumaldumal na bagay. Nawala ng matamis na ngiti sa labi ni Oier at napatingin sa akin nang seryoso, “Masakit ka rin pala magsalita,” komento niya at inayos ang kanyang maskara. “Masaya na ako ngayon, Ginoong Oier, kahit maraming pagsubok akong kinakaharap.” Isa ka na roon sa mga pagsubok na iyon, Oier. Bumaling sa akin, mapanuri ang kanyang titig. “Ang gusto ko lang iyong taong kayang tuparin ang mga pangarap ko kahit imposible. Kasi kung ako ang tatanungin, hindi ko kayang tuparin ang pangarap ko nang ako lang, nang wala ang tulong ng iba.” Napayuko ako. Muling namayani ang katahimikan. Kinuha ko ang pagkakataong iyon upang alalahanin ang mga pagsali ko ng patimpalak na may kaugnay na pagsasayaw at pagpapahiya ni Mama sa akin tuwing nahuhuli niya akong sumasali roon. Lahat ng tungkol sa contemporary dancing ay kinalimutan ko na, para lang masunod ang kagustuhan niyang mag madre ako. “Hindi kita maintindihan,” utas ni Oier ilang sandali. “Ano ba ang pangarap mo at bakit hindi mo kayang tuparin nang mag isa?” Humaplos ang simoy ng hangin sa aking pisngi. Napangiti ako kasabay ng pagyakap ng aking sarili, “Maging dancer… Contemporary Dancer.” napangiti ako, “Balang araw maiintindihan mo rin ang ibig kong sabihin, Ginoo.” kapag naidala na kita kay Mother Olivia, kapag nalaman mo na ang tungkol sa tunay mong pagkatao. Kung bibigyan ako ng Diyos ng isa pang pagkakataon upang tuparin ang mga pangarap ko, marahil sa susunod na buhay ko pa makakamit iyon. Dahil alam ko, sa pagkakataong ito, nakaimposible na sundin ang sariling pangarap para sa aking sarili. Napansin ko ang matagal niyang pagtitig sa akin na wari may binabasa siya sa aking emosyon. Na para bang may bumabagabag sa kanya at ang pag angat ng kanyang ulo habang nakapikit, ay isang paraan na mawala ang gumugulo sa kanyang isipan. “Marunong kang magsayaw,” mahina niyang utas at bahagya tumango bago napatingin sa kawalan. Marunong ako pero piling estilo ng pagsasayaw lang ang kaya kong gawin, hindi ko alam sa ngayon kung maisasayaw ko pa nang mabuti kagaya ng dati ang pag co cotemporary kung limang taon na akong nahinto sa naturang pangarap. “Gusto kong makita..” mungkahi niya at tinuro ang harapan niya. “Nang matupad natin ang pangarap mo… rito.” aniya. Agad nanlaki ang aking mga mata at mabilis na umiling. Bakit niya ako pagsasayawin sa harap niya? Winasiwas ko ang aking kamay sa tapat ng aking mukha at nahihiyang umiling, “Nako! Nakakahiya, Ginoo…" Narinig ko ang pagpalatak ng kanyang labi, parang si Yael kung mainis. Itinuon ko ang aking atensyon sa malaking orasan sa dingding at naghanap ng paraan para makatakas kung sakaling magpumilit siya at bumigay ako sa kagustuhan niya. “Ah, mag a alarma na, ginoo mukhang kailangan ko nang umalis.” Tumayo ako pero bago pa ako tumakbo narinig ko ang kanyang tugon. “Isang oras pa ah bago tumunog ang alarm.” aniya. Umiling naman ako at ngumiti, “Sige, hindi kita pipilitin, makikita ko rin naman ‘yan.” aniya at makahulugang ngumiti.  Tumango na laman ako at mabilis na naglakad patungo sa pintuan papasok ng mansyon at bago pa man ako tuluyang makapasok, lumingon ako at winagayway ang aking kamay upang magpaalam sa kanya. Isang beses siyang tumango at itinaas nang bahagya ang kanyang kamay bago tuluyang tumalikod at naglakad paalis.  Pinagsalikop ko ang aking dalawang kamay sa aking likuran habang nakakapit sa bulaklak at tumungo na sa ikalawang palapag. Naging dahilan ng pagpapahayag ko ng saloobin sa kanya ang nakakapag pagaan ng aking kalooban. Tila ba nasabi ko sa tamang tao at nabasawan ang pinapasan ng aking dibdib. Nilagay ko ang rosas na bulaklak sa maliit na plorera at tuluyang pinatay ang ilaw sa tabi ng aking higaan. KINABUKASAN, isinuot ko ang damit bistida na kulay itim na hanggang tuhod ang haba ng saya at estilo ng mahabang sleeves naman ay pabilog ang balikat. Paborito ko ang ganitong estilo, para akong sinaunang binibini ng europa.  Tuluyan akong lumabas nang aking kwarto at naabutan ko naman si Carmen na kakalabas lang din. Napangiti siya akin at saka kami sabay pumanhik sa ibaba.  “Ang ganda mo ngayon ah,” puri niya sa akin. Napatingin ako sa sariling repleksyon sa mwebles na aming nadaanan. “Talaga?” tanong ko at pinagsadahan ng mga daliri ang aking namamasang buhok. Tumango naman siya at napatingin sa akin mula ulo hanggang paa. Bahagya akong nahiya. Kung ikukumpara kaming dalawa, mas maganda siya akin. Natural na kulay rosas ang kanyang pisngi at natural din ang pagpupula ng kanyang makintab na labi. Ang kanyang buhok ay itim. Katamtaman din ang hubog ng kanyang pangangatawan.  Alam kong mali pero hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng kaunting inggit sa tuwing sumasagi sa aking isipan na siya ang mananalo at yayayain ni Oier na magiging kabiyak niya. Pinagkibit balikat ko na lang iyon, ang layunin ko ay maidala si Oier sa kanyang tunay na ina at hindi upang maging kabiyak niya. Nagsimula kaming kumain sa hapag kainan. Si Maestra Prima ang nanguna sa pagdarasal.  “Nais kong pasalamatan si Penelope sa pagtulong sa mga serbidora sa kanilang pagluluto.” Nakangiting ani ni Maestra Prima pagkatapos. Matamis na ngumiti si Penelope sa kanya bago bumaling sa akin at pinagtaasan ako ng isang kilay. Mabuti naman ang natututo na siya sa mga gawaing bahay. Manalo man o matalo, maswerte pa rin siya dahil may nakuha siyang aral dito sa loob ng mansyon.  “Ano ang gagawin ninyo pagkatapos niyong kumain?” tanong ni Maestra Prima sa bawat isa sa amin. “Mauna ka, Penelope.” “Maglalaba po ako,” mabilis niyang tugon. Tumango si Maestra Prima at bumaling sa akin. “Magsasampay po ako ng mga nilabhan kong damit kahapon.” Ani ko sa kanya. “Hindi ka pa natatapos?” tanong niya. Mabilis akong umiling. Huminga nang malalim si Maestra Prima at bumaling kay Santina. Narinig ko ang pagpipigil ng tawa ni Penelope.  Hindi ko na lang iyon pinagtuunan ng pansin at kumain na lang nang tahimik. Nakakabuti ang pagpupuri pero nakakasama rin minsan, nagiging sanhi iyon ng paglaki ng ulo sa kung sinong nakakatanggap noon. Winaswas ko ang aking mga damit habang lumilikha ng awit na walang liriko. Bahagyang sinasayaw ng hangin ang aking mga sinampay. Kung magtutuloy ang ganitong klima ngayong araw ay baka hindi pa natatapos ang buong araw, natuyo na nang tuluyan ang mga ito. “Ay kabayo!” bulalas ko nang makita ang mukha ni Yael sa gitna ng mga sinampay kong damit. Agad kong kinuha bago pa niya makita ang mga underwear na nakasampay lang sa kanyang itaas. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko. “Kagabi duwende, ngayon kabayo. Ano kaya ang susunod?” nilagay niya ang kanyang likuran ng kanyang hintuturo sa ibaba ng kanyang labi at napatingin sa itaas. Pumikit ako nang mariin, ito na siguro ang umpisa na kailangan kong pigilan ang aking bibig kapag nag uusap kami ni Oier. Hindi ko akalaing sasabihin niya ang pagtawag ko ng duwende kay Yael. “Huwag kang mag-alala, hindi naman ako galit, Seleng.” aniya at mapanglokong ngumiti na para bang nabasa niya ang sinasabi ng aking isipan. “... At ano ‘yang tinatago mo sa likuran mo? Nakita ko naman ‘yan kanina…” hindi ko maiwasan ang hindi pang initan ng pisngi sa kanyang mga sinabi. Ang tinutukoy niya ang aking mga underwear na dali dali kong kinuha. “May kulay pula, puti, dilaw.. Pwede nang maging watawat.” Patuloy niya. Napasinghap ako’t tumalikod. Iniiwasan ko ang sampalin siyang muli at baka bumakat naman ang aking kamay sa kanyang pisngi.  “Bakit ka ba naparito?” tanong ko nang hindi lumilingon sa kanya.  “Hardinero ng mansyon malamang naparito ako upang magtrabaho, Seleng.” Aniya. Natigilan ako. “Hindi naman ‘yan ang gusto kong marinig na kasagutan, Yael..” itinaas niya ang dalawa niyang kamay na para ba bang sumusuko siya at baka makipagtalo na naman ako sa kanya. “Gusto ko lang magpasalamat sa binigay mong pagkain nitong nakaraang araw.” Gumuhit ang tunay na ngiti sa kanyang labi na nakapagpakabog ng aking dibdib. “Masarap, seleng.” Nababaliw ang aking dibdib dahil sa hindi normal na pag pintig nito. Tumango ako at umiwas ng tingin. Pakunwari kong inabal ang aking sarili sa pagsasampay ng damit. “Salamat at nagustuhan mo,” sana pala binigyan ko rin si Oier para kahit hindi niya natikman, masubukan niya naman at malalaman kong kakasa sa panlasa niya ang aking mga niluto. Humakbang ako papalayo sa aking mga sinampay nang matapos. Nasilayan ko sa giliran ng aking mga mata ang pagsunod niya patungo sa loob ng mansyon.  “Seleng…” utas ni Yael nang tuluyan akong makapasok.  Sandali akong lumingon sa kanya at magsasalita na sana siya nang lumipat ang kanyang paningin sa aking harapan. Sinundan ko ang kanyang mga mata at napapikit nang hindi ko sinasadyang nasagi ang balde ng tubig na dala dala ni Carmen. Nagkalat ang mga bula galing sa balde na kanyang dala dala sa sahig at sa parte ng kanyang katawan habang siya nama’y napaupo rito. “Pasensya, Carmen!” pagpapaumanhin ko tutulungan ko na sana siya nang mapahinto dahil sa mabilis na pagdalo ni Yael sa kanya upang tulungan siyang makatayo.  Nagkatinginan silang dalawa habang hawak hawak ni Yael ang kanyang dalawang siko. “Ayos ka lang?” tanong ni Yael sa kanya. Nilagay ni Carmen ang hibla ng kanyang buhok sa likuran ng kanyang tenga at bahagyang tumango.  Natigilan ako sa aking kinatatayuan. Punyal naman ang tumama sa dibdib at hindi ko maipaliwanag kung bakit kailangan kong maramdaman iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD