Kabanata XVI

2310 Words
ALAS sais ng hapon nang magkasundong magplano ang mag pinsang Goncuenco na magkita sa pribadong billiard lounge. Tanging tunog ng mga nagtatamaan billiard balls at stick ang bumabasag sa katahimikan ng buong silid. Bumukas ang pintuan at pumasok si Rafael. Nahinto ng kakalaro si Signor at si Iggy upang nang makuha ni Rafael ang atensyon ng dalawa. “Sorry I’m late. Hinatid ko pa si Carole,” aniya at pinunasan ang sariling pawis na namuo sa noo at saka nito inalis ang suot na coat at nilapag sa sofa. “Naks! Ginampanan na pagiging asawa ah,” puna ni Iggy at uminom ng champagne. Ngumisi naman si Signor habang pinupunasan ang dulo ng kanyang stick at naghahanap ng magandang posisyon ng bola na kanyang tatamaan. Wala naman naging reaksyon si Rafael, “Hindi pwedeng hindi, malalagot ako.” tugon niya. Pinalibot niya ang paningin sa kabuuan ng lugar at mapunang wala ang presensya ni Oier roon, “Nasaan si Oier?” tanong niya sa dalawa. Kibit balikat na tumugon si Signor, “Baka nagpapaka Yael para makahanap ng chicks,” ngising tugon niya. Iniwasiwas ni Iggy ang kanyang kamay sa kanyang harapan at pagkatapos ay ngumisi, “Wala iyong planong maghanap ng chicks, nagpapakatigang iyon.” Aniya at malakas na humalakhak sa sariling biro. Napansin niyang hindi tumawa ang dalawa ay agad siyang huminto at saka tumikhim. “Kumusta si Carole?” pagpapalawang bahala ni Signor sa sinabi ng kapatid.  “She’s fine, abala sa skwela.” tugon ni Rafael. Nakamot naman sa sariling ulo si Iggy nang mag usap ang dalawa na hindi siya kasama. “Ang alam ko pupunta na sila rito,” napalingon naman si Signor at si Rafael nang biglang magsalita si Iggy.  “Sila?” tanong ni Rafael. Gumuhit ang makahulugang ngiti ni Iggy kay Rafael, “Sus! Kunwari hindi alam, si Oier at si Marisol.”  Napailing na lang si Rafael at kumuha ng cue stick. Mga ilang sandali pa’y bumukas muli ang pintuan at niluwa roon ang isang babaeng may suot na hapit sa katawan ang kasuotan at si Oier na ngayo’y naka suot naman ng long sleeve polo shirt na hanggang siko ang manggas. Marisol ang naturang pangalan ng babae - ang matalik na kaibigan ni Oier at girlfriend ni Rafael. “Naka ayos ka ata?” tanong ni Rafael kay Oier habang niyayakap siya ng babae.  Umangat ang dulo ng labi ni Oier at umiling, “First elimination kanina, kailangan kong mag ayos.” aniya. “Hindi ka naman makikita e’, bakit kailangan mong mag ayos?” tanong ni Iggy at tinamaan ang puting bola gamit ang cue stick.  “Pakialam mo ba, hindi naman ikaw ang hinahanapan ng asawa eh.” tugon ni Oier sa kanya at umupo na lang sa sofa.  Humilig ito at kinuha ang maliit na tupperware sa kanyang bag. Ipinatong niya ang kanyang isang paa sa kanyang hita at nag simula kumain sa isang beef steak at adobong manok gamit ang kamay. Sarap na sarap ito at walang planong huminto. Bumaling silang lahat na nagtataka dahil sa pinag gagawa ni Oier. Ito ang unang pagkakataong nagbaon ito ng pagkain sa kanilang pribadong tagpuan. Madalas kasi silang kumain sa labas at ang makita ang ganitong eksena ay nakakapanibago sa kanilang paningin. Napansin ni Oier na nakatingin ang lahat sa kanya. Tumaas ang kanyang dalawang kilay sa pagtataka habang ngumunguya. “What?” Lumapit si Iggy at umupo sa kanyang tabi. Kunot noo naman napalingon si Oier sa kanya nang pinalibot ng pinsan ang kamay nito sa kanyang balikat, “Ginagampanan mo na talaga ang pagiging Yael pinsan. Nagpapakahirap ka na, kung may problema ka naririto lang kami. Susuportahan ka namin, pinansyal man o sa babae.” mahina ang boses nito wari naaawa. “Sasabihin ko sa iyo pinsan, huwag mo lang akong utangan. Alam mo naman, hindi ako paborito ni Mama. Babae lang ang kaya kong ipahiram sa iyo.” Malumay niyang pagpapatuloy habang tinatapik ang likuran ni Oier. “Sabihin mo lang kung ano ang tipo mo, gusto mo petite? Malaman? Matangkad? Magaling-- Aw, f**k!” daing ni Iggy nang sikuhin siya ni Oier sa tyan. “Tumigil ka nga Iggy, hindi ko kailangan ng babae ngayon.” Aniya at pinunasan ang kanyang kamay ng wet tissue. Natawa naman si Rafael, Marisol na nakaakbay sa kanya, at si Signor.  “It’s my first time hearing that you have no interest in girls these days, Oier. Mukhang may napili na among girls in the competition ah,” mapanuyang mungkahi ni Marisol sa kanya. “And hindi ka naman kumakain ng luto ng hindi galing sa restaurant o luto ng paborito niyong kasambahay niyo in your parents’ house.” Patuloy niya. Ngumisi siya at umiling. Napatingin sa adobong manok na may gata. Napatingin rin si Iggy rito, “Mukhang tama ka, Mari.” Tumatangong ani ng pinsan. “May espesyal sa adobong ‘yan, sigurado.” patuloy niya. Madilim na bumaling sa kanya si Oier kung kaya’t agad din itong bumawi. “Ano kayang brand ng karne ng manok na ginamit ano? Ginto siguro ang ginamit na feeds kaya espesyal.” Hirit ni Iggy. Wala namang pumansin sa kanyang kabalbalan na pahayag. Nakatuon ang atensyon ng lahat kay Oier,  “Well, malalaman din natin ‘yan.” ani ni Marisol. “Kapag may isang babaeng nakapag palabas ng kabaliwan spirit niya, right Oier?”  Uminom ng tubig si Oier at kumuha na rin ng  cue stick at lumapit kay Signor. Kibit balikat siyang ngumisi.  “May punto ka, Mari. Minsan lang nagsasalita at mapanuya pa si Oier sa atin at sa iba, pero kung siya si Yael, sa tingin ko mas lumalabas ang totoong ugali niya...” Pahayag naman ni Rafael at saka siya pumuposisyon sa tapat ng billiard board nang hindi lumusot sa butas ang bolang gustong tamaan ni Signor.  “...Sa piling tao nga lang.” “Tigilan niyo nga ako,” hindi bumababa ang pag angat ng dulo ng labi ni Oier na para bang gusto niyang sumang ayon sa pinagsasabi ng mga kasama sa loob pero may pumipigil sa kanyang sarili.  Natawa naman ang lahat sa kanya. “Isa ba sa mga babae sa mansyon ang nagluto kaya mo dinala ‘yan?” tanong ni Signor nang hindi tumitingin sa kanya. Nakahawak lang ang isang kamay ni Oier sa kanyang beywang habang tinitingnan ang pagtira ni Rafael ng bola. “Hindi naman marunong mga mayayamang babaeng magluto eh.” aniya at tumawa nang nakahawak ang tyan. “Baka malason ka lang.” Nakatingin sa kawalan si Oier at inaalala ang mukha ni Celestine habang sinasagot ang kaparehong pahayag noong isang gabi. Natatawang sumang ayon naman si Rafael at si Signor.” “Nakasaad sa babasahin sa bibliya na masama ang humusga, Iggy. At nagkakamali ka ng paniniwala, hindi porket mayaman hindi na marunong magluto.” Aniya at naalala ang masarap na niluto ni Celestine. Hindi niya akalaing lulutuin ni Celestine ang paborito niyang pagkain nang sinabi niya iyon bilang Yael. Hindi mahinto ang kakalipad ang mga kulisap sa kanyang mga tyan nang binigay iyon ni Celestine sa kanya. Alam naman siyang siya pa rin ang kakain ng mga pagkaing niluto ng mga binibini pero mas nagustuhan niya ang pagbibigay mismo ni Celestine sa kanya. Unti unting sumilay ang ngiti nito sa labi, totoong pag ngiti at hindi mapanuya. Muling natigilan ang lahat at napatingin na lang kay Oier, bakas sa mga mukha nito ang pagtataka. “Confirmed,” mahinang utas ni Marisol habang hindi inaalis ang tingin nito kay Oier. “Nag iba na yata ang prinsipyo mo sa buhay, Oier ah? Pati pananalita, anyare ba?” tanong niya ni Rafael sa kanya. Madalas si Oier ang nanunuya at ngumingisi. “Huwag mo kaming itakwil, Oier. Magkasangga pa rin tayo kahit sa anong laban.” Madramang pang loloko ni Iggy sa kanya. Kumuha si Oier ng magaang bagay at itinapon ito kay Iggy. Agad namang umiwas si Iggy at hindi natamaan.  “Tumigil nga kayo. Marami akong nakakasalamuhang ordinaryong tao.” Mas lalo silang natawa sa naging tugon ni Oier. Hindi ito kakumbinsi kumbinsido. Noon pa ito nagtatago sa ibang katauhan pero ba’t ngayon lang nagkaroon ng kaibahan? Siguro may taong malakas ang epekto kay Oier at ang taong iyon ay ngayon lang nito nakilala. Itinuro ni Oier si Iggy gamit ang kanyang  cue stick, “Ikaw mag focus ka sa sarili mong buhay, hinahanapan ka na ng Mama mo ng mapapangasawa.” Ngising aniya.  Nawala ang ngiti sa labi ni Iggy at kumunot ang noo, “f**k, bakit mo pinaalala?” bumagsak ito sa sofa at napatingin na lang sa kisame na wari ang laki ng kanyang problema.  Umiling na lang si Iggy at napangisi. Hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit niya nasabi iyon. Madalas siyang makipag usap kay Celestine bilang Yael, at ang tono ng kanyang pananalita ay purong pinoy na may kaunting italyanong tuldlik. Hindi rin naman maintindihan ni Oier kung bakit hindi ito mukhang Chinese kung Chinese naman ang angkan nito at walang bakas na naturang banyaga ang binibini. Noon, kuryusidad lamang ang nakakapagbigay interes sa dalaga, ngayon, nagkaka interes na siya rito sa iba nang dahilan.  Pero hindi iyong tipong aabot sa punto na mararamdaman niya ulit ang hindi mapaliwanag na tahip ng dibdib. Hindi pa, o hindi maaaring mangyari... Pumusisyon si Oier sa harap ng billiard board at inihada ang sarili. Akmang itutulak niya ang dulo ng  cue stick nang marinig si Signor. “Nandirito na raw si Natalie sa Pilipinas…” Napatingin siya sa kawalan nang marinig muli ang pangalan ng dating kasintahan, “Mukhang hahabol sa patimpalak.” Patuloy nito. Celestine Isang araw ang lumipas matapos ang unang eliminasyon, sariwa pa rin sa aking ala-ala ang pag alis ni Miko sa mansyon. Ngunit, kailangan kong masanay dahil hindi naman kami magtatagal rito, at walang makakapagsabi kung hanggang kailan kami, lalo na ako, may misyon din ako. Pagkatapos kong masuklay ang hanggang kili-kili ang haba na buhok ay tumungo ako sa labasan upang magdilig ng halaman. Naririnig ko naman sa loob ang matinis at malakas na boses ni Maestra Prima habang tinuturuan sina Penelope at Santina ng paglilinis ng mga muwebles. Sa tingin ko wala namang kaibahan sina Mama at si Maestra Prima, pareho silang strikto lalo na’t sa kalinisan ng kapaligiran, hindi ko lang alam sa pananaw sa buhay.  Si Maestra Prima, napupuna ko ang kanyang pagiging makaluma, habang si Mama nama’y may kalumaan ang pag uugali ngunit nangingibabaw ang pagiging modernong Maria Clara. Kinuha ko ang water hose at itinapat sa mga bulaklak na kakapumalaklak lang. Mga tanim ba ito ni Yael? Mahilig ba siya sa mga bulaklak o wala siyang pagpipilian kung hindi ang sundin ang pinag uutos sa kanya rito bilang hardinero? Maganda ang klima kasalukuyan, malamig ang hangin sa ilalim ng sikat ng araw sa tanghaling tapat. Hindi masakit sa balat, lalo na’t naka suot ako bulaklaking bestida na may spaghetti strap.  “Ang ganda ng klima, kuya ano?” narinig ko ang boses ni Elias sa aking likuran. Napalingon ako’t nagtama agad ang mga mata namin ni Yael wari kanina pa niya ako tinitingnan at ngayon ko lang nahuli. “Oo, wala na atang mas gaganda pa sa kanya este sa klima.” Nakangiti ang kanyang mga mata o natural na iyong nakangiti talaga. Nakita ko ang multo ng pagpigil ni Elias ng pag ngiti bago siya tumalikod.  Hindi ko naman maintindihan at bakit parang natatawa ang naturang binatilyo, hindi kaya nanunuya si Yael sa akin? Pero wala naman siyang masamang sinabi, o may ibang kahulugan? Di bale na, kailangan kong matapos ang pag didilig upang makakapaglaba ako ng aking damit nang sa gan’on ay hindi ko na kailangang makapag suot ng mga damit na binigay sa akin ni Ms. Illuna. Ang estilyo ng kanyang damit ay masyadong nagpapakita ng balat. Hindi ako sanay. “Kumusta ang araw mo, Seleng?” tanong nito sa akin. Unti unting lumapit sa akin si Yael sa akin at nagsimulang tumahip nang mabilis ang aking puso pero bago pa siya makalapit at bago ako makatugon sa kanya ay biglang may humawak ng aking braso. “Ms. Celestine!” hingal na ani ni Claire. Tumaas ang kanyang kilay sa pagtatanong kung bakit hindi mapakaling mukha ang bubungad sa akin. Pinunasan niya ang kanyang noo ng kanyang braso. “Ang kwarto mo pinasok ni Maestra Prima, nagtataka siya kung bakit sandamakmak ang labahan mo.” “Ha?!” gulat kong tanong.  Nakaramdaman ako ng kahihiyan lalo na’t malakas ang boses ni Claire at naririto si Yael malapit sa akin. “Eh, kasi ano,” Kinamot ko ang aking batok. Nitong nakaraang araw kasi madalas akong magpalit ng damit dahil kumakapit ang amoy ng niluluto sa tela. Hindi ako nakapaglaba gawa ng sobrang abala. “Magpaliwanag ka na sa kanya!” hinigit ako ni Claire mula roon at mabilis kaming tumakbo papalayo. Nagkaroon ako ng maikling pagkakataon na tingnan ang reaksyon ni Yael, bahagya akong nahiya nang makitang nakatingin lang siya sa akin habang pinipitas ang isang bulaklak. NATAPOS ko nang tuluyan ang aking labahan pagpatak ng gabi. Bukas ng umaga isasampay ko ito sa tapat mismo ng sikat ng araw. Si Penelope at Satina nama’y nahiga sa sofa sa salas dala ng pagod sa paglilinis buong araw habang si Carmen naman nakikipag-usap sa iilang serbidora sa mansyon. Mukhang sinadya ni Maestra Prima na ilaan sa amin ang responsibilidad sa paglilinis ng mansyon tuwing Lunes upang mag silbing aral iyon sa amin bilang mga binibini. Wala namang naging problema sa akin, sanay na ako sa gawain bahay sa Monasteryo noon. Muli akong tumungo sa labasan nang aking kunin ang planggana at ibalik kung saan ko kinuha kanina. Nilagay ko iyon sa likuran bahagi at napatingin sa nakapaskil na orasan sa dingding. Ganitong oras si Oier tumutungo sa hardin upang magpahangin, ngunit hindi ko batid kung naroroon siya ngayon. Nilibot ko ang aking mga mata at kabuuang lugar upang mapuna kung may makakakita ba sa akin kung sakaling pupuslit ako roon. Susulyapan ko lang naman siya kung naroroon ang kanyang presensya at kung sakaling wala ay tutungo na ako pabalik ng mansyon. Bahagyang nililipad ng hangin ang aking saya nang humakbang ako patungo upuang pari haba ang sa tapat ng taniman ng bulaklak upang sumilip. Wala siya roon, bumagsak ang balikat ko at bumalik na lang upang ayusin ang mga planggana nang makita ang isang bulaklak sa maliit na mesa.  Ito iyon bulaklak na dinidiligan ko kanina ah, kung saan ko nakita si Elias na nagbubungkal ng lupa at si Yael na pumitas ng bulaklak.  Kinuha ko ito at saka ito inamoy.  Wala naman itong amoy, pinagloloko lang ako ng mga napapanood ko sa telebisyon. “Magandang gabi, binibining Seleng.” Napatalon ako sa gulat nang marinig ang pamilyar na baritonong boses. Lumingon ako at napuna ko agad ang pagsayaw ng mga magagandang mata ni Oier sa likod ng kanyang maskara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD