Kabanata XV

2280 Words
“Pakiusap, huwag mong sabihin ang nangyari,” naiiyak na pagmamakaawa ni Miko kay Yael. Batid ni Yael na plano ito ni Penelope at ni Santina base na rin sa narinig niya noong isang araw, ngunit hindi siya makakasiguro kung hindi niya huhukayin ang puno’t dulo ng lahat. Hindi pa rin binibitawan ni Yael ang pulso ni Miko. Pakiramdam ni Miko mapuputol ang ugat nito dahil sa mahigpit niyang pagkakahawak. Buto’t balat ang katawan ni Miko kumpara kay Yael na na halos dugurin nito ang buto ng dalaga. “Kasama mo si Penelope sa mga plano mo, hindi ba?” umiling iling si Miko habang nanlalaki ang mga mata. Kunot noo namang nakipagtitigan si Yael sa kanya, hindi mawari kung bakit pinagtatakpan ng dalaga sina Penelope. “Nakita ko kayo, pinag uusapan ninyo si Celestine.” Patuloy ni Yael. “Huwag!” lumandas ang mga luha sa mga mata ni Miko. “Tatanggapin ko lahat ng anumang kahihinatnan ko rito sa loob..” Bakas sa boses nito ang takot at handang isugal ang buhay sa loob huwag lang sina Penelope. “Hindi mo kilala ang pamilya nila, Yael.  Makapangyarihan at maimpluwensya ang ina’t ama niya, hindi ko gugustuhing kalabanin sila ng pamilya ko,” sumusunod sa galaw ang buhok ni Miko sa pag iling nito. “Hindi ko gustong matalo kami, mas malakas ang pwersa ng angkan nila kumpara sa aming simpleng negosyante lang. Hindi ko ring gustong pag higantihan ng pamilya ni Penelope ang pamilya ko dahil lang dito.” Tugon ni Miko. Tiningnan siya ni Yael nang seryoso. Ngayon na naipaliwanag ang lahat ng dalaga, mas lalo niyang naiintindihan ang lahat. Binitiwan ni Yael ang kamay nito at saka minasahe naman ni Miko ang parte kung saan niya hinawakan nang maramdaman ang bahagyang pangingirot. “Kung gayon mas pipiliin mong mapaalis, ha?” tanong ni Yael. Tumango naman si Miko. Ang kanyang buhok ay bahagyang nakatabon sa kanyang mukha. “Inutos ‘to ni Penelope, hindi ba?” naaamoy niya ang hindi magandang katangian ni Penelope. Kumpara kay Miko, mas may potensyal si Penelope na gawin ang masamang bagay na ito. Halatang napilitan lang si Miko, base na gumuguhit sa mukha nito.  Pinagsalikop ni Miko ang kanyang dalawang kamay at bahagyang tumango, “Kahit pa, nawa’y maging maayos ang takbo ng patimpalak, kahit umpisang eliminasyon ay nasira ko ‘to. I wanted to hear about fair game for  the rest of the competition.” Bumagsak ang balikat ni Yael at hindi na nakipag argumento sa dalaga. Pansin niya ang nag aaway ang kagustuhan nitong manatili at ang kagustuhang mapaalis. Kung sabagay, naisip na rin na isa sa mga rason kung bakit sumasali ang mga babae sa patimpalak ay dahil sa yaman ng mga Goncuenco.   “Ikaw ang bahala,” umatras si Yael. Kung gayon ang kagustuhan ni Miko, marahil hihintayin niya ang oras ni Penelope. Hindi siya itong tipong nagsusumbong ng katotohanan, hihintayin niyang lumabas ito sa lungga at aasahan ang pagkalat sa buong lugar habang siya nakikinig lang at palihim na napapangisi. Mas gugustuhin niyang makita mula sa malayo ang reaksyon ng isang taong sangkot. Balang araw, dadating din ang araw na siya naman ang sasaya habang ang taong iyon ay hindi na mailawaran sa buhangin ang mukha sa takot man o sa kaba. Napuna niya ang pagtalon sa gulat ni Miko nang may isang pahabang anino ang pumasok sa loob, isang babae at tatlong kalalakihan na may kasuotang kulay itim na tuxedo. Narinig nila ang boses ni Maestra Prima na nakikipag usap rito at nahinto na lang nang mapuna silang dalawa. “Yael? Miko?” palipat lipat ang tingin ni Maestra Prima at hindi alam kung kanino ipipirmi. “Ano ang ginagawa niyo rito?”   Napatingin si Yael kay Miko. Bakas sa mukha nito ang kaba at pag alinlangan nitong magsalita. Namumuo ang pawis sa giliran ng mga mata ng dalaga nang mariing tumingin si Maestra Prima sa kanya. Samantala, habang binabalot ng takot si Miko, napatingin naman si Yael sa mga pagkaing inihanda ni Celestine sa mesa. Bahagyang napauwang ang kanyang labi, ngunit unti unti’y umaangat ang bawat dulo nito upang nang mamuo ang isang matamis at simpleng pag ngiti. Celestine Mula sa loob ng kwarto, narinig namin ang isang malakas na sipol sa ibaba. Agad akong nag ayos ng aking sarili at dali daling pumanhik nang sunod sunod ang pag sipol nito. Halos madapa ako sa hagdan paibaba dahil sa kakatakbo.  Kunot noo akong bumaling kay Miko na kasalukuyang umiiyak. Si Yael ay katabi lamang ni Maestra Prima at tatlong panauhin na sa tingin ko ay mga bandahali.  “Anong meron?” mahinang tanong ko kay Carmen. Pinagkibit balikat niya lang iyon. “Miko, humingi ka ng tawad kay Celestine!” bakas ang galit sa boses ni Maestra Prima. Nakataas ang bawat dulo ng kanyang kilay habang pinapaypay ang hawak na abaniko sa kanyang sarili. “Sabihin mo kung bakit mo nagawa iyon sa kanya,” Hindi ko naman maintindihan ang mga nangyayari. Sa giliran ng aking mga mata, napapansin ko ang pananahimik ni Penelope at Santina na para bang isang pusang gustong magtago ngayon.  Humarap naman si Miko sa akin. Hindi naman matigil kakalandas ng kanyang luha sa kanyang pisngi. Gusto ko siyang hagkan pero malayo siya sa akin. “I’m so sorry,” aniya at pumikit. Mahigpit niyang pinagsalikop ang kanyang dalawang palad sa tapat ng kanyang dibdib.  “Sorry para saan, Miko?” tanong ko. Hindi ko alam kung para saan ang panghihingi niya ng tawad. Nanginginig ang kanyang labi habang ang umaangat naman at pumaibaba ang kanyang balikat, pinipigilan ang pag hikbi.  “Akma niyang bubuhusan ng pampapaklang sangkap ang iyong pagkain inihanda, Celestine.” Bunyag ni Maestra Prima habang nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Miko. “Hindi ko alam kung saan mo natutunan ang ganitong pag uugali, Miko. Kabaliktaran sa iyong maamong pagmumukha ang iyong pag uugali na masahol pa sa isang aso.” Aniya, tipong pagbigkas ng mga salita ay pabagsak. Hindi naman makapagsalita si Miko, marahil dala ng hindi matigil tigil na pag hikbi. Ako nama’y nakatingin lang sa kawalan at palaisipan kung ano ang magiging reaksyon. Binuhusan niya ng sangkap na pampapangit ng lasa, para saan? Para ako ba ang mapaalis ngayong eliminasyon?  Huminga ako ng malalim at napatingin na lamang kay Miko. Naghahanap ako ng kasagutan mula sa kanya at hindi mula sa ibang tao. Mas nakakaalam siya kung bakit niya iyon nagawa, at hindi ko gugustuhing ibang tao ang magpapaliwanag para sa kanya. Ngunit, ni isang salita ay wala siyang naging pahayag. Hinayaan niya ang sarili niyang balutin ng takot at kalungkutan. Bigo akong bumaling sa kabilang direksyon at saktong nagtama ang mga mata namin ni Yael. Nakatingin lang siya sa akin, tila kanina pa at kahit ako ang nakahuli sa kanyang mapangahas na titig ay ako itong unang umiwas. Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa mga umiiyak na si Miko.  “Dahil sa kanyang ginawa, automatikong mapapaalis siya ng mansyon.” Napasinghap ang lahat sa narinig, hindi naman ako naliliban doon. “Kung sino man ang gagawa ng hindi ka aya aya sa kapwa kalahok upang ito’y mapaalis lang lamang, mag iisip isip kayo. Hindi ugali ng isang Goncuencong tanggapin nang basta basta ang isang binibini porket nanalo. Tandaan ninyo, ang mananalo sa inyo’y kilalanin pa nang husto ni Oier bago niya tuluyang yayain ng kasal.” “Walang masamang babae na may maitim na budhi ang karapat dapat kay Oier, Tandaan ninyo ‘yan.” Mariin niyang paalala ni Maestra Prima. “Naiintindihan ba Penelope?” tanong niya rito.  “Opo,” “Lakas!” “Opo, Maestra!”  Marahas na isinara ni Maestra Prima ang kanyang itim na abaniko at mabilis na pumanhik paaalis. Unti unti ring nagsisialisan ang mga binibini sa aking giliran. Unti unti naman akong humakbang papalapit kay Miko ngunit siya itong tumakbo patungo sa hagdan. Bumagsak ang balikat ko at hinayaan na lang siya. Kung may lihim siyang galit sa akin, maaari naman niyang ipahayag sa akin. Mas madaling ma reresolba ang problema kung sasabihin ito, kung mas ililihim nama’y mas nakakapagpabigat lang ng dibdib.  “ANG sabi po kasi, Ms. Celestine, si Yael po daw ang nakakita.” Nawindang ako sa ibinunyag ni Claire. Kasama ko ang mga serbidora sa kusina, pinag uusapan nila ang pagpapalayas kay Miko.  “Anong ginagawa ni Yael sa itaas?” tanong ko naman.  Humilig sa kitchen bar counter si Claire at pabulong ang pagbigkas ng salita.  Itinapat niya ang kanyang palad sa giliran ng kanyang labi habang nandidilat ang mga matang nagsasalita, “Ang sabi po niya, nakita niya si Miko na kaduda duda ang kilos kung kaya’t sinundan niya ito.” Aniya. Tumango na lang ako. Kung wala si Yael ay baka ako itong mapatalsik ngayon.  Nangingibabaw ang kagustuhan kong pasalamatan siya kaysa maasar naman sa kanya. Ito ang unang pagkakataong may ginawa siyang kabutihan para sa akin, iyon ay ikinakasaya ko sa aking damdamin. Kahit minsan nanunuya ang kanyang asal, may tinatago rin pala itong ginintuang puso.  “Bakit na nakangiti diyan, Ms. Celestine?” nanumbalik ako sa ulirat nang marinig si Lyka.  “Ha? Nakangiti ba ako?” tanong ko sa kanya. Tumango naman siya. Kinamot ko na lang ang ulo ko at nahihiyang ngumiti. Hindi ko napansin iyon, hindi ko rin alam kung ano ang nagdulot ng pag ngiting iyon. Mayamaya pa’y naalinag ko ang pagbaba ni Miko sa hagdan, dala dala ang kanyang maleta. Mabilis akong tumungo roon nang may isang mamang kumuha ng kanyang mga dala dalang kagamitan.  “Miko,” tawag ko sa kanya. Napalingon siya habang ang kanyang kamay ay nakahawak sa laylayan ng kanyang bag. “Hindi ako naparito upang itanong sa iyo ang dahilan kung bakit mo nagawa iyon,” Matipid na umangat ang kanyang labi, “Naiinggit ako sa iyo, Celestine.” aniya, pero alam kong may mas higit pa roon. Mababaw lang ang dahilan na iyon para gawin ng isang katulad ni Miko.  “Inggit nga lang ba?” tanong ko sa kanya dahil hindi ako kumbinsido sa kanyang mga naging dahilan lalo na’t masasakit ang mga salitang binitiwan ni Maestra Prima sa kanya kanina. Tumango siya at bahagyang isinayaw ang kanyang katawan habang nakasalikop naman ang kanyang mga kamay sa tapat ng kanyang tyan.  “At isa pa, hindi ko kagustuhan ang maikasal sa kanya,” sinundan ko ang direksyon kung saan nakatuon ang kanyang paningin - Sa litrato ni Oier. “Kagustuhan iyon ng mga magulang ko, Celestine.” Nakangiting aniya pero bakas sa kanyang mga mata ang lungkot at panghihinayang. “Miko,” mahinang utas ko. Alam kong may nililihim siya sa akin, pero hindi ko naman maaaring piliting siyang ibunyag iyon para sa akin. Isa iyong kabastusan at isa pa, natatakot din ako sa karma, baka sakaling bumaliktad ang sitwasyon, si Yael itong magbubunyag ng sekreto ko rito sa bahay, siguradong magagalit din ako.  “Galingan mo rito, Seleng.” Aniya at iniabot ang kanyang kamay sa akin. Unti unti akong lumapit at saka siya tumalon upang mahagkan ako nang mahigpit. “Sa lahat ng mga binibini rito sa mansyon, ikaw ang nakikitaan ko ng potential na maging isang ganap na asawa ni Oier kung kaya’t naiinggit ang iilan rito sa iyo at isa na ako roon, Seleng.” Patuloy niya.  Humiwalay siya ng pagkakayakap sa akin. Humakbang paatras at yumuko, “Tomodachi de itekurete arigatou,” (Thanks for being a friend) aniya. Hindi ko iyon na maintindihan pero mukhang nakuha ko ang ibig niyang sabihin nang tumuwid siya nang pagkakatayo at pinakita sa akin ang matamis niyang ngiti. Tinugunan ko rin siya ng isang matamis na pag ngiti, at winagayway ang aking kamay sa ere nang tuluyan siyang tumungo sa labas, partikular sa isang mahabang sasakyan sa harap ng pinto at hindi kalayuan sa water fountain.  Takipsilim nang mapagdesisyunan ni Maestra Prima na ihain sa aming harapan ang mga pagkain na aming niluto upang aming maging hapunan. Hindi na iyon makakain ni Oier dahil may automatikong napatalsik na sa eliminasyon.  Habang hinahanda ng mga serbidora ang mga pagkain, kumuha ako ng bahagi ng aking niluto at inilagay iyon sa isang malinis na plato. Nagsalin din ako ng pipino juice sa isang baso atsaka ito inilapag sa tray. Maingat ko itong dinala sa likod kung saan ko madalas makita Yael at si Elias na nag aalaga ng tanim. Nakahalukipkip si Yael habang pinagmamasdan ang bagong tubong rosas. Nang maalinag ako ni Elias sinundot niya si Yael upang makuha ang atensyon nito. Nakauwang ang labi ni Yael nang makita akong may dala dalang pagkain. Inayos niya ang kanyang sarili at lumapit sa akin. “Gusto mo?” tanong ko at binigay iyon sa kanya. Napatingin siya rito at ilang sandali’y tinanggap naman niya ito.  “Paborito ko ‘to ah,” napa angat ang kanyang mga mata sa akin. “Akala ko ba hindi mo lulutin? At teka, seleng? Nilalagnat ka ba? Bakit mo niluto ang paborito ko at bakit mo ako binigyan nito?” sunod sunod niyang katanungan. Nilabanan ko ang pang iinit ng pisngi na aking nararamdaman, “‘Wala akong maisip na lulutuin at wala akong lagnat, Yael. ‘Yan ang niluto ko sa first elimination round, pero dahil hindi na makakain ni Oier, sa’yo ko na lang ibibigay at..” kinamot ko ang aking batok, nahihiya ako tuwing may utang na loob ako sa isang taong madalas kong masungitan. “... pasasalamat na rin sa pagliligtas.” Patuloy ko. Sumilay naman ang ngiti niya sa labi at tiningnan lang ako, “Salamat din dito, binibini.” aniya. Pinagsalikop ko ang aking kamay sa aking likuran at tumango. Mabilis akong naglakad habang nakayuko ang aking mukha, pabalik ng loob ng masyon. ** Napatingin ang binatilyong si Elias kay Yael na kasalukuyang nakatanaw lamang sa pinanggalingan ni Celestine. Wala na ang presensya ni Celestine pero ang atensyon ni Yael ay naiwan pa rin sa dalaga. Alam naman ni Yael kung ano niluto ni Celestine nang makita niya ito kanina pero nagpanggap siyang na surpresa rito. Muling sinundot ni Elias si Yael at napatingin na lamang sa pagkaing dala dala ni Yael, “Mukhang masarap, kuya ah. Baka gusto mong magbigay man lang kahit kaunti?” tanong ng binatilyo. Napalingon si Yael sa kanya at binigay ang buong tray. “Ipabalot mo sa serbidora, dadalhin ko mamaya.” Aniya sa baritonong boses. Napatingin si Elias rito at agad din naman bumalik ang atensyon kay Yael na kasalukuyang isinusuot ang blusang puti. Sinundan niya ito kung saan ito tumutungo, “Hmm…kaya pala nagkaka interes ka sa babaeng iyon.” Napalingon naman ang binata kay Elias na unti unting sumisilay ang makahulugang ngiti sa labi. “Matanong kita ulit…” “...Hanggang kailan ka ba magtatago sa katauhan ni Yael?... Kuya Oier?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD