NAGKASALUBONG SINA TROY at ang mga pirata na kaagaran namang nagpaputok sa isa't isa. Mabuti't maingay masyado sa loob at paligid ng barko kaya hindi ito nakakapukaw ng atensyon. Habang nakikipagpalitan ng putok ng baril ang mga backup at mga pirata sa isa't isa, lumabas naman si Troy mula sa likuran ng mga pirata at tila na-ambush nila ang mga ito. "Para!" sigaw ni Troy sa mga ito at kakaagad naman natigil ang mga ito sa pagpapaputok at nagtaas ng mga kamay. "Suelta tus armas." pagtugon pa ni Troy sa mga ito at binitawan ng mga ito ang mga hawak na armas. Lumapit na rin sa mga ito ang backup team ni Troy, kinapkapan ang mga ito at kinuha na mga iba pang armas na dala ng mga pirata. Kakaagad rin silang mga hinuli. "Situation under control here." saad naman ni Troy sa linya niya. Sa k

