Dumiretso kami sa loob ng simbahan. Kaagad siyang binati doon ng mga sisters. Nag-bless ito sa mga ito at bumati pabalik habang ako ay nasa likuran niya at nanatiling nakatayo habang nanunuod sa kanila.
He paused for a while and they all looked at me. Pinandilatan niya ako ng mata at inudyukan na lumapit at magmano din sa mga sisters. Pilit akong ngumiti dahil sa hiya. Dahan-dahan akong lumapit at bumati sa kanila.
“Kaawaan kayo ng Diyos. Kervy, gagamit ka ba ulit ng library? Mag-aaral kayong dalawa?” magaang tanong ng isa sa mga sister.
“Opo. Major exams na po kasi namin. Okay lang po ba kung kasama ko ang kaibigan ko? Siya po si Suzetthe.” Muli ay nginitian ko sila. Naiilang ako pero mukha naman silang mababait. Tumango sila at maaliwalas din na ngumiti sa akin.
“Oo naman. Walang kaso iyon. Masaya nga kami sa tuwing may nagtutungo sa library namin. Alam mo naman na bihira lang ang tao doon at madalas ay kami lang ang gumagamit doon,” mahinahong sabi nito.
Nagsimula kaming maglakad papunta sa likod na bahagi ng simbahan. Wala akong idea na may ganito pala malapit sa campus namin. Ngayon ko lang din narinig na mayroon pa lang library ang mga simbahan or baka dito lang iyon kung saan pwedeng pumasok ang kahit sino para makapag-aral o makapagbasa.
Abala ako sa pagtingin sa paligid ng simbahan. Hindi iyon kalakihan pero pulido ang pagkakagawa ng mga disenyo ng paligid. Lalo na sa altar banda. Presko rin sa loob dahil maraming bintana ang nakabukas at kumpleto din ang mga electric fan. Although sa ngayon ay walang tao dahil wala namang misa na nagaganap. Tanging ako, si Kervy at ang mga madre pa lang ang taong nakikita ko.
Huminto kami sa isang pandalawahang pinto na kwarto. Kinuha ng isang madre ang susing nakasabit sa kanya at binuksan iyon. We were greeted by the coldness of the room. Mukhang naka-aircon pa dito. Hindi ko alam kung magandang bagay ba iyon eh hindi. Ang lamig at baka antukin ako.
Pagkapasok namin ay namangha ako sa hilera ng mga libro na naroon. Halos ilang pasilyo rin ang ganoon at lahat sila ay nasa kaliwang bahagi ng library. Ang nasa kanan naman ay puro mga upuan at lamesa na pwede pang-apat-an, dalawa o isahan.
“Ganoon pa rin ang password ng wifi namin dito, Kervy. Pakisabi na lang kay Suzette kung kailangan niyo ng internet. Kung may kailangan kayo ay nandito lang ako ha? Mag-aral kayong mabuti at nawa’y biyayaan kayo ng Diyos ng sapat na talino upang maunawaan ang mga dapat niyong aralin sa hapon na ito,” wika nito.
Halos tumayo ang balahibo ko. I am not a very religious person at mula noong napadpad ako dito sa Manila ay ni minsan, hindi pa ko ulit nakapasok ng simbahan upang magsimba. Hindi na ako nasanay na may naririnig akong mga relihiyosong salita galing sa isang relihiyosong tao. Feeling ako tuloy ay ang sama kong tao dahil hindi ako ganoon at baka hindi ako makalabas ng buhay dito.
Kervy looked at me and smiled.
“Saan ang gusto mong pwesto. Ikaw na ang mamili dahil kukuha muna ako ng libro na kakailanganin ko.” Dahan-dahan akong tumango sa kanya saka nagtungo sa pinakamalapit na bakanteng lamesa na malayo banda sa aircon.
Hindi ako ready at wala akong jacket kaya sana ay hindi ako lamigin dito kapag umabot kami ng ilang oras.
Maya-maya lang ay bumalik na si Kervy dala ang tatlong libro. Maingat niya iyong nilapag sa lamesa at naupo sa harap ko.
“Paano mo nalaman ang lugar na ito?” Napahinto siya at napangiti.
“Isang pari dito ang kapatid ng Mommy ko. Si Tito Ethan na rin ang nagsabi na kung gusto ko ng lugar na tahimik para mag-aral at magmuni-muni ay pwedeng-pwede naman daw dito.” Tumango-tango ako sa sinabi niya.
“Madalas ka dito? Talaga bang bihira lang ang tao dito?” Umikot ang tingin ko at kami lang talaga ang tao sa loob ng library habang ang isang madre naman ay nasa bungad habang nagbabasa ng Bibliya.
“Well, medyo. Nandito ako madalas kapag exam week. Kapag punuan ang library o kapag masyadong maingay doon, dito ako pumupunta. Malapit lang naman siya at may sasakyan naman ako. Minsan naman ay nagpupunta ako dito para lang tumambay at magbasa ng kung ano-ano. Marami kasi silang libro dito. Hindi lang puro tungkol sa Bible at sa pag-aaral kundi may mga good old reads novels din dito.” He said while smiling.
Lalo akong namangha. Ang sarap naman dito.
“Mas masarap din kasi dito lalo na kung mag-aaral ka para kapag wala ka ng maintindihan, diretso ka na lang sa simbahan para ipagdasal ang grades mo,” biro nito. Mahina ko siyang hinampas sa braso. Baliw talaga.
“Eh matulog, pwede kaya matulog dito? Saka kumain? May dala kang pagkain ah? Paano natin makakain ‘yan eh mukhang bawal naman magkalat dito,” tanong ko. Napakamot ito sa batok saka saglit na lumingon sa madre. Nang makita niya na abala ito sa pagbabasa ay bahagya siyang lumapit para bumulong.
“Pwedeng matulog pero sa dulo iyon banda para hindi nakakahiya. Pwede namang kumain basta snacks lang. Pwede rin ang tubig basta ay huwag magkakalat at huwag makakasira ng gamit. Secret lang iyon. Privelege ko lang iyon dahil pamangkin ako ng isa sa mga pari nila dito,” natatawang sabi ni Kervy. Loko talaga!
Nilabas ko ang mga notes ko at ang reviewer na nagawa ko kanina. Tutal ay nakapagpahinga naman na ang kamay ko ay magsusulat na muna ako ulit ng reviewer para mamaya at sa mga susunod na araw ay kakabisaduhin ko na lang ang mga iyon.
Tahimik kaming dalawa at abala sa kanya-kanyang pag-aaral. Nang maramdaman ko muli ang pagkapagod ng aking kamay ay pansamantala muna akong huminto at nagpahinga. Napatingin ako kay Kervy na abala sa pagbabasa ng libro na kinuha niya kanina.
He looked so serious while reading. Malayo sa nakasanayan kong nakangiti at mapang-asar na Kervy. Hindi ko mapigilang mapansin ang gwapo nitong mukha. His eyes is really chinky. Unang tingin at kita ang pagiging lahi nitong Chinese although I didn’t know who’s the Chinese in the family pero sa mata pa lang at sa kutis ng balat ay hindi na iyon maipagkakaila.
His nose is very pointed at ang kabuuan ng kanyang mukha ay sobrang kinis. Walang binatbat ang mukha ko sa kanya. His lips looked naturally red and all in all, napakagwapo niya nga talaga. Lalo na kapag nakangiti dahil nawawala na ang mata nito at ang mala-perpekto nitong ngipin ay talagang lumilitaw.
He really looked like a good boy next door type pero ibang-iba naman iyon sa ugali niya tuwing magkasama kami. Malakas siyang mang-asar at mahilig mangulit but either way, I liked all of his personality.
Mabilis akong napayuko at nagkunwaring abala sa pagbabasa nang umangat ang tingin niya sa akin. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko habang nakatingin sa reviewer ko. I refrain from holding my papers dahil kahit na malamig ang paligid ng library ay ramdam ko ang mabilis na pamamawis ng palad ko dahil sa matinding tension at kaba na nararamdaman ko.
I hoped he didn’t see me ogling at him! I was just appreciating his face and nothing more than that!
“Pagod ka na? Gusto mong kumain?” magaang tanong niya. Napalunok ako at pasimpleng tumango.
Kaagad niyang kinuha ang kanyang bag at kumuha ng isang bote ng tubig at isang pirasong biscuit saka inabot sa akin. Sinilip ko muna ang madre at nakita kong nagbaba pa rin ito ng Bibliya. I wonder, ilang beses na kaya nilang nabasa ang Bibliya? I’m sure, memorize na nila ang mga verses na naroon.
Uminom ako ng tubig at dahan-dahan na binuksan ang biscuit. Pigil ang hininga ko upang hindi makalikha ng tunog. Kervy chuckled and helped me.
“Huwag kang mag-alala. Okay lang kumain ng biscuit basta ay huwag lang magkakalat. Masyado kang kabado. Mababait ang tao dito kumpara mo sa librarian ng campus natin,” he said.
Napangiwi ako at tumango. Sinilip ko ang binabasa niya.
“Anong subject ba ‘yang binabasa mo?” tanong ko.
“Philippine History itong hawak kong libro ngayon. Wala naman kasi akong malay sa history ng Pilipinas. Minor subject kasi ito at dito madalas lagapak ang scores ko sa quizzes kaya kailangan kong magbasa,” wika nito.
Napatawa ako nang mahina. Kahit ako. Minor subjects din ang problema ko minsan. Sila pa kasi itong malakas ang loob na magpahirap ng mga estudyante. Mabuti nga at naipasa ko pa ang PE samantalang ilang beses kaming napahirapan sa isang unit na subject na iyon.
Sinabayan niya akong kumain. Hindi ko namalayan na nakakaisang oras na pala kami dito. Halos patapos na ako sa pagsusulat ng reviewer at talagang nakatuon talaga ang focus ko sa pag-aaral dahil walang maingay at kumportable ang paligid. Mukhang lagi ako dito mag-aaral sa mga susunod na exams.
“Pwede kaya akong pumunta dito kahit mag-isa lang ako? Kapag gusto kong mag-aral o may mga assignments lang na gagawin?” tanong ko sa kanya. Nagsalubong ang kilay niya. Pumangalumbaba ito at napanguso. Bahagya akong napatitig doon. Bakit ang cute?
“Bakit ikaw lang? Hindi mo ako isasama? Pwede naman kitang samahan palagi rito eh,” wika nito. May halong pagtatampo sa beses niya kaya hind ko napigilang mapatawa.
“Eh hindi naman sa lahat ng oras ay bakante ka. Malay mo ay may klase ka kapag gusto kong pumunta dito. O kaya baka may lakad ka kapag gusto kong mag-aral,” paliwanag ko. Sumimangot ito at umiling.
“Edi kung may klase ako ay hintayin mo ako kapag pupunta dito. Bihira lang naman ako magkaroon ng importanteng lakad kaya lagi kitang masasamahan pumunta rito,” diretsong sabi nito. Nagsalubong ang kilay ko sa kanya.
“Ang arte mo naman. Open for public naman ang library na ito ha? Sadyang hindi lang madalas na napupuntahan kaya pwede naman siguro kung solo flight ako na pupunta dito,” pilit ko pa. He shook his head. He looked at me with finality.
“Hindi. Sasabihin ko kila Tito Ethan at sa lahat ng madre dito na huwag kang papapasukin kung hindi ako kasama,” masungit na sabi nito. Aba!
“Hoy, Kervy. Umayos ka nga riyan! Para kang ewan.” Tila wala itong narinig at nagpatuloy na sa pagbabasa. Inangat pa nga nito ang libro upang matakpan ang kanyang mukha. Ang attitude ng lalaking ito!
Nagpatuloy na rin ako sa pagsusulat. Lumipas pa ang ilang oras. Tinakpan ko ang ballpen at nagpatunog ng kamay. Minasahe ko rin ang aking leeg dahil sa naramdamang pangangalay. Napatingin ako kay Kervy at nakitang nakatakip pa rin ang libro sa kanyang mukha at hindi ako pinapansin.
Sa inis ko ay inapakan ko ang sapatos niya. Bahagya niyang binaba ang libro at masamang tumingin sa akin saka bumulong.
“Ano?” attitude na sabi nito. Napaka talaga!
“Anong arte ‘yan?” Umangat ang isang kilay ko sa kanya. I crossed my arms and rested my back on the chair.
“Isama mo na kasi ako kapag pupunta ka dito. Bakit kasi ayaw mo akong isama?” My gosh! Iyon pa rin pala ang naiisip niya? Kanina pa iyon! Muntik ko nan gang makalimutan ang tungkol sa bagay na iyon. Napakamatampuhin naman pala talaga!
“Oo na nga! Ikaw na pinakamaarteng lalaki na nakilala ko. Nakakaloka ka,” iling ko sa kanya. Lumitaw ang malaking ngiti sa kanya saka sinimulan na ang pagliligpit ng kanyang gamit. Ganoon na rin ang ginawa ko.
Tumayo siya at binalik ang libro sa pinagkuhaan niya. Niligpit ko ang kalat na pinagkainan namin saka inayos ang bag ko. Maya-maya ay inaya niya na akong lumabas.
Nagpasalamat kami sa mga madre. Ang bait ng pakikitungo ni Kervy kapag kaharap ang mga madre pero kapag kaharap ako ay maarte at makulit siya. Bakit naman ganoon, Kervy? Pambihira!
Sumakay kami sa sasakyan para maihatid niya na ako pauwi. Habang nagmamaneho siya ay pinakuha niya sa akin ang bag niya upang kunin ang natirang pagkain na binili niya kanina sa 7-eleven.
Malapit na kami sa building ng unit ko nang marinig ko ang pag-ring ng phone ko. Nakita kong si Mama iyon kaya kaagad kong sinagot.
“Hello, Ma?” Nakita kong napatingin sa akin si Kervy. Unti-unting huminto ang sasakyan.
“Anak, kamusta? Kumain ka na ba?” bungad ni Mama.
“Hindi pa po, Ma. Kakauwi ko lang po kasi nag-aral ako buong araw sa library. Exam week na kasi ulit,” kalmadong sabi ko. Sinenyasan ko si Kervy na manahimik muna.
“Ay ganoon ba? Siguradong pagod ka na. Sige ibababa ko na ito. Kinamusta lang naman kita ngayong araw,” wika nito.
“Sige po, Ma. Ingat kayo riyan,” paalam ko. Papatayin ko na sana ang tawag nang humabol si Papa sa tawag. Sakto naman na nagsalita si Kervy sa tabi ko. Nanlaki ang mata ko sa kanya.
“Zetthe, nakuha mo na lahat ng pagkain sa bag ko?” inosenteng tanong nito. Naputol ang sinasabi ni Papa. Mukhang narinig niya ang boses ni Kervy sa kabilang linya.
“May kasama kang lalaki, anak? Sino iyan? May boyfriend ka na ba?”