Kabanata 6

2095 Words
“P-Po?! Wala po! Hindi po!” nabibigla kong sabi. Pakiramdam ko ay mas lalong magdududa si Papa dahil sa naging sagot ko. Masyado akong naging defensive. Nanlaki ang mata ni Kervy nang makita na may kausap pa ako sa phone. He mouthed his sorry to me at napailing lang ako sa kanya. “Suzetthe…” mahinahon ngunit may diin na sabi ni Papa. Kaagad akong huminga nang malalim upang kalmadong makasagot. “Papa, wala po akong boyfriend. Opo, may kasama akong lalaki ngayon pero kaibigan ko lang po ito. Naikwento ko naman na po sa inyo na may kaibigan ako dito ‘di ba? Siya po itong kasama ko ngayon,” paliwanag ko. Kita ko ang titig sa akin ni Kervy habang nagsasalita ako. “Bakit kasama mo pa siya ng ganitong oras? Akala ko ba nakauwi ka na? Bakit nasa apartment mo siya?” sunod-sunod na tanong ni Papa. Napangiwi ako. Hindi naman strikto si Papa sa akin sa mga ganitong bagay. Siguro ay nag-aalala lang siya dahil wala sila dito kaya hindi niya nakikilala at nakikilatis kung sino ang nakakasalamuha ko. Hindi niya alam kung dapat niya bang pagkatiwalaan ang mga nagiging malapit sa akin lalo na ngayon at lalaki pa si Kervy. Although Papa has nothing to worry about him. Alam kong hindi ko matatanggal sa kanya ang pag-aalala. “Kasama ko po kasi siyang nag-aral maghapon at nagpresinta na po siya na ihatid ako dito sa unit ko dahil may sasakyan naman siya. Wala naman po kami sa loob ng unit ko at never pa naman po siyang nakapasok doon kaya huwag na po kayong mag-alala,” wika ko. I paused for a while and looked at Kervy then smiled. “Mapagkakatiwalaan naman po si Kervy. Mabait naman ito at walang balak na masama sa akin kaya huwag po kayong mag-aalala,” dagdag ko. Kusang umangat ang isang kilay ko nang makita ang pagpipigil ng ngiti ni Kervy dahil sa sinabi ko. Maya-maya lang ay hindi niya na napigilin iyon at tumawa nang mahina. Tuwang-tuwa ang loko dahil napuri ko sa mga magulang ko! “Ganoon ba? Basta ay huwag lang masyadong magtiwala kung hindi mo pa naman siya lubusang kilala. Kapag may ginawa sa’yo ang lalaking iyan ay isumbong mo agad sa pulis ha?” Natawa ako dahil sa sinabi ni Papa. Oo na lang ako ng oo sa sinasabi ni Papa para matapos na. Pagkaraan ng ilang minuto ay nakuntento na rin ito at tinapos ang tawag. Ipinasok ko na iyon sa bag at hinarap si Kervy. Napatawa ako nang malakas nang makita ang napakalaking ngisi nito sa mukha. Hindi maka-move on! “Tama na ‘yan, Kervy. Ang creepy na,” natatawa kong sabi. Napakamot ito sa kanyang batok. “Anong sabi ni Tito sa akin? Maganda naman ang sinabi mo sa akin pero sana dinagdagan mo pa ng magandang katangian ko para mabango pangalan ko sa kanya. Sana sinabi mo rin na gwapo ako saka gentleman,” diretsong sabi nito. Awtomatikong napaangat ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya. Tibay din ng mukha nito ni Kervy! Agree naman ako sa gwapo… well, sa gentleman ay okay din pala pero kahit na. Ang yabang niya sa part na iyon! “Maka-tito ka, feeling close ka talaga. Sabi nga ni Papa kapag may ginawa ka raw sa akin na hindi maganda ay huwag daw akong mahihiyang ipapulis ka. Nako, wrong move lang talaga, Kervy…” asar ko dito. Bumungisngis ito. “Ewan ko sa’yo, Zetthe. Ang bait-bait ko eh…” Nagkibit-balikat ako sa kanya. Tuluyan na akong nagpaalam sa kanya at dumiretso sa unit ko. Habang paakyat ako sa hagdan ay may nakasalubong akong isang babae na medyo kaedaran ni Mama at isang batang babae na nakahawak sa kanya. They were talking and laughing about something habang pababa sila ng hagdan. “Mabuti naman apo at nagustuhan mo ang mga dala ko. Masanay ka na dahil lagi akong magdadala ng mga laruan at pagkain para sayo kapag umuuwi ako galing sa bakasyon,” wika ng matanda. Lumitaw ang magandang ngiti sa batang babae habang maingat na naglalakad pababa ng hagdan. “Salamat po, Lola Grace. Kahit si Ate ay tuwang-tuwa dahil po sa mga tulong ninyo…” Hindi ko na narinig ang ibang sinasabi nila dahil lumiko na ako sa palapag ng unit ko. Napailing na lang ako at napangiti. Bigla ko tuloy na-miss ang pamilya ko. Ang tagal naman kasi ng Christmas break. Next sem pa iyon samantalang nasa midterms pa lang ngayon ng unang semester. Hindi kasi ako umuuwi ng sembreak dahil dalawang linggo lang naman iyon. Sa totoo nga lang ay isang linggong pahinga lang iyon dahil ang pangalawang linggo ay para na sa pag-aasikaso ng subjects at enrollment sa susunod na sem. Paunahan pa naman iyon kaya dapat talaga ay nakaabang. Saka mas makakatipid kasi kung dalawang beses sa isang taon lang ako lilipad pabalik ng Cebu. Madalas ay umuuwi ako kapag summer vacation tapos ay kapag Christmas break. Ganoon ang naging routine namin kaya naman sa mga ganitong panahon ay hindi ko maiwasang malungkot dahil matagal pa bago ko ulit makita ang pamilya ko. Ilang araw ang dumaan hanggang sa dumating na ang unang araw ng isang bagsakan na exams ko. Dalawang araw kaming bumalik ni Kervy sa may simbahan para mag-aral. Nasanay na nga rin ang mga madre sa presensya ko habang kasama si Kervy kaya tiyak kong nakilala na nila ako at pwede na akong makapunta doon ng mag-isa. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon ay makakasama ko si Kervy kahit pa sinabi niyang hindi. Ramdam ko ang pananakit ng ulo ko pagkatapos ng huling subject para sa araw na iyon. Tumitibok-t***k pa ang isang bahagi ng ulo ko at wala akong ibang gustong gawin kundi umuwi na at matulog. Inaantok na ako at pakiramdam ko ay nahugot ang lakas ko sa araw na ito. Gusto ko sanang mag-emote dahil feeling ko hindi ako nakasagot ng maayos pero wala akong karapatan na problemahin ang mga natapos na subjects ngayon dahil mayroon pa akong exams bukas. Kapag dinibdib ko ang nangyari ngayon ay baka pati ang exams ko bukas ay lumagapak. Kailangan kong magpahinga at matulog ng maaga upang bukas ay magkaroon ng himala at masagutan ko ang mga dapat kong masagutan. Para akong sabog na naglalakad palabas ng campus. Diretso ang tingin ko sa daanan at wala akong pakialam sa paligid. Palabas na ako ng gate nang may mahinang humatak sa akin. Nakita kong si Kervy iyon. Maaliwalas siyang ngumiti sa akin. Wow, ang gwapo pa rin kahit tapos na ang exam. Nag-aalala itong napatingin sa akin. “Anong nangyari sa’yo? Ayos ka lang ba?” tanong nito. Mabagal akong tumango sa kanya. “Sigurado ka ba? Para kang lutang na ewan habang naglalakad kaya nga hinabol kita kaagad kasi parang any minute ay babagsak ka na,” nag-aalalang sabi nito. Hinawakan niya ako sa braso. Kaagad kong naramdaman ang lamig ng balat niya. Nagsalubong ang kilay niya at hinawakan ako nang maigi sa balikat para mapanatili ang pagtayo ko ng maayos saka ako kinapa sa leeg at sa noo. Napailing ito. “May sinat ka ata. Halika na nga at ihahatid na kita,” seryosong sabi nito. Hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami. Madali akong nagpatianod sa kanya dahil nanghihina na talaga ako dahil sa matinding pananakit ng ulo ko. Grabe ang pagiging college student, nakakaubos ng lakas. Kaagad akong napasandal sa upuan ng sasakyan pagkapasok namin. Napapikit ako at madiin na hinawakan ang bahagi ng ulo ko na sumasakit para kahit papaano ay mabawasan ang kirot. Bahagya akong napadilat nang maramdaman ko ang paggalaw ni Kervy palapit sa akin. He reached for my seatbelt at ito na ang nag-ayos at naglagay sa akin niyon. May kinuha siya sa kanyang compartment. Maliit na lagayan iyon ng mga gamot. Kumuha siya ng isa doon. Kinuha niya ang tubig sa kanyang bag saka binuksan ang gamot para iabot sa akin. Napatitig ako kung gaano kaseryoso ang mukha niya. He’s not talking but I can feel him worried just by his actions. Ininom ko ang gamot saka uminom ng tubig. Ibinalik ko sa kanya iyon pagkatapos at muling sumandal sa sasakyan niya. He gently reached for my neck and my forehead again. Huminga ito nang malalim saka pinaandar na ang sasakyan. Mabilis lang ang biyahe pauwi kapag hinahatid niya ako pero nagawa ko pa ring makaidlip. Naramdaman ko ang bigat ng mga mata ko nang kalabitin niya ako. Pilit kong idinilat ang mga mata ko at tumingin sa labas. Narito na kami sa building ng apartment ko. Tinanggal ko ang seatbelt ay nanghihinang inayos ang bag ko. Narinig ko ang pagpatay ni Kervy ng makina ng sasakyan. Nauna itong bumaba sa akin. Napatingin ako sa kanya nang umikot ito papunta sa pwesto ko at ito na mismo ang nagbukas ng pintuan para sa akin. Inalalayan niya akong makababa. Muli niyang dinama ang init ng katawan ko. Halos tumayo ang balahibo ko nang maramdaman kung gaano kalamig ang kamay niya. Pambihira. Mukhang nilalagnat na ako. Hindi ako pwedeng magsakasakit. May tatlong exam pa ako bukas! “Ihahatid na kita sa unit mo. Ang init mo na talaga at hindi kita pwedeng pabayaan na mag-isa,” seryosong sabi nito. Kinuha niya ang aking bag at ito na mismo ang nagdala niyon. Pinatunog niya ng dalawang beses ang kanyang sasakyan upang masigurong sarado ito bago kami naglakad papasok sa building. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking bewang habang paakyat kami sa hagdan. Bigla akong kinabahan dahil doon. Hindi ko inaasahan iyon pero masyado akong nanghihina para bigyan pa ng mga pansin ang mga ganoong bagay. May sakit lang siguro ako at kinakabahan ako sa magiging kapalaran ko bukas. Oo tama, iyon nga lang iyon. Itinuro ko sa kanya ang eksaktong unit ko. Kinuha ko ang susi sa aking wallet. Bubuksan ko na sana ang pinto nang kunin niya ang susi sa kamay ko at ito na ang nagbukas. He opened the door and the lights inside saka niya ako inalalayan na makapasok sa loob. “Sa sala na lang, Kervy. Salamat sa paghatid. Okay na ako dito,” mahinang sabi ko. “Sigurado ka ba? Mag-isa ka lang tapos nilalagnat ka,” nag-aalalang sabi nito. I smiled weakly at him. “Ayos lang ako. Hindi naman ito ang unang beses na nagkasakit ako. Remember, I was alone for the past three years at sa tuwing nagkakasakit ako ay kinakaya ko naman iyon ng mag-isa. Nakainom naman na ako ng gamot. Itutulog ko na lang ito at magiging maayos na ako bukas.” I said reassuring him. Napatitig ito sa akin. Bigla ay hindi ako naging kumportable sa bigat ng titig niya sa akin. “I understand that pero ngayon, nandito na ako, Suzetthe. Hindi ka na mag-isa at willing akong alagaan ka ngayong may sakit ka. I promise, kapag bumaba na ang lagnat mo ay uuwi rin ako. Hindi lang kasi ako mapapanatag na mag-isa ka dito at mahinang may sakit. Paano kung biglang may nanloob sa’yo o kung may masamang tao na pinasok ka dito? Paano ka makakalaban kung mahina ka?” walang prenong sabi nito. Hindi ko napigilang mapangiti. He’s worrying too much and I really appreciate it. “Oo na, sige na. Payag na akong samahan mo ako dito,” wika ko. Nakahinga ito nang maluwag. Nagpaalam ito kung pwede ba siyang mangialam ng kusina ko para makapaghanda ng makakain. Pareho kaming walang kain kaya tiyak kong nagugutom na rin siya. Tumayo ako at nagtungo sa kwarto upang kumuha ng unan at kumot saka mabilis na bumalik sa sala upang mahiga doon ng kumportable. Kasyang-kasya naman ako sa sofa ko kapag nakabaluktot ng higa. I covered myself with a blanket while the electric fan is off. Ganito ako kapag may sakit. Nagpapapawis lang hanggang sa mawala ang init sa katawan. Maya-maya ay narinig ko si Kervy palapit sa akin. Inilabas ko ang aking ulo mula sa pagkakatalukbong saka tumingin sa kanya. “Walang stock ang cabinet at ref mo, Suzetthe.” Napangiwi ako sa kanya. “Pasensya na, hindi pa ako nakapag-grocery eh,” nahihiyang sabi ko. “Ano bang gusto mong kainin? Kain ka muna kahit kaunti bago matulog para kahit papaano ay may laman ang tiyan mo,” seryosong sabi nito. Ngumiti ako at mapungay na ngumiti sa kanya. “Gusto ko ng Jolibee, Kervy. Kapag may sakit ako, lagi akong binibilhan ni Mama ng Jollibee. Burger steak sana tapos samahan mo na ng chocolate sundae para lumamig pakiramdam ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD