Kabanata 7

2312 Words
Hindi ko na namalayan kung anong oras umuwi si Kervy. Sinigurado niya muna na bumaba nang tuluyan ang lagnat ko bago ito nagpaalam sa akin. I was so thankful dahil all out talaga siya sa pag-asikaso sa akin. Imbis na umuwi ito at magpahinga para sa exams bukas ay pinili nito na samahan ako dito sa unit ko at alagaan ako. Kinabukasan ay kaagad akong naligo upang makontra ang pagkakaroon ng sakit. Kumain din ako at uminom ng gamot. Nagbaon din ako ng extra pa para kapag sumakit ang ulo ko sa kasagsagan ng exam ay maaari akong makainom kaagad ng gamot. Wala sa option ang pag-absent ngayon dahil hassle pa mag-asikaso para sa special exam. Kung babagsak ako ay pwede pa naman akong makabawi sa finals. Kaya hindi ko iyon masyadong pinoproblema. Suot ko ang aking jacket pagkapasok ng room. Malamig kasi doon at kapag nalamigan ako ay magkasakit na naman ako. My mind was calm while answering the exam. I focused myself on thinking of the answers at laking pasasalamat ko na kahit papaano ay magaan lang ang exam ng naunang subject at ganoon rin ang sumunod pang dalawa. Natapos ang huling exam para sa araw na iyon. Tanghali pa lang at sa wakas ay pwede akong umuwi at bumawi ng pahinga. Weekends naman bukas kaya mahaba ang oras ko na matulog lang nang matulog. Pagkalabas ko ng room ay nagulat ako nang makita doon si Kervy na naghihintay sa akin. His face lit up when he saw me. Kaagad siyang lumapit sa akin at dinama ang init noo at leeg ko. Napangiti ito nang maramdaman na normal naman na ang temperatura ko. “Mabuti naman, akala ko lalagnatin ka na naman eh,” magaang sabi nito. Umiling ako at malapad na ngumiti sa kanya. Hinubad ko ang aking jacket nang magsimula akong pagpawisan dahil sa init ng hallway. “Madali lang ang exams ngayon. Kapag mahirap kasi talaga ay nauubos ang lakas ko at minsan ay nagkakasakit talaga ako,” natatawa kong sabi. Sabay kaming naglakad pababa ng building. Binagalan ko ang lakad ko saka humarap sa kanya. “Salamat pala kahapon, Kervy. You didn’t really have to do it pero inalagaan mo pa talaga ako. Mabait ka naman pala talaga pa-minsan minsan,” biro ko dito. Napailing siya. “Siyempre, kaibigan mo ako. Mag-aalala ako sa’yo. Mukha kang hihimatayin kahapon kung alam mo lang. Kinakabahan talaga ako kasi first time kitang nakitang ganoon,” wika nito. “Hindi mo naman kailangan mag-alala ng sobra dahil malayo naman iyon sa bituka. Kayang-kaya ko ang sarili ko dahil ilang beses na akong nagkasakit noon bago pa kita makilala,” sagot ko. “Pero iba na nga ngayon, friends na tayo at mayroon ng taong mag-aalala sa’yo kaya huwag ka ng maging feeling independent diyan dahil hindi naman ako papayag na mag-isa ka sa mga ganoong sitwasyon,” seryosong sabi nito. Hindi ko mapigilang sumimangot. “Oo na nga.” Inulit-ulit pa na friends kami. Edi okay, friend! Tahimik na ako habang naglalakad kami palabas ng campus. Napansin niya ata iyon kaya ramdam ko ang maya’t-maya niyang paglingon sa akin. Hindi ko napigilang irapan siya. “Ano namang problema mo ngayon?” nagtatakang tanong nito. “Wala,” mabilis kong sagot. Hinawakan niya ako sa braso dahilan para mapahinto kaming dalawa sa paglalakad. “Suzetthe, ano nga?” kalmadong tanong nito. “Wala nga, Kervy.” Umangat ang isang kilay nito sa akin at nananatiling mabigat ang titig sa akin. “Suzette…” naninimbang na sabi niya. “Wala nga kasi, friend.” Binigyan ko ng diin ang salitang iyon. Hindi ko rin alam kung bakit ang OA kong maka-react sa pag-label niya sa aming dalawa bilang friends. Wala naman akong gusto sa kanya pero ang sakit lang sa tenga na marinig iyon galing sa kanya. I saw him stopping himself from smiling. Muli ko siyang inirapan. “Bakit, Suzetthe? Magkaibigan naman talaga tayo ha?” inosenteng sabi nito. “Oo nga! Alam ko! Umalis ka nga, Kervy. Uuwi na ko.” Inismiran ko siya at nilagpasan ngunit nakalimutan kong nakahawak nga pala siya sa braso ko kaya kaagad din akong napahinto. Nilingon ko siya at pilit na winawaksi ang braso mula sa kanya. “Ihahatid na kita,” magaang sabi nito. Saka niya ako marahang hinila papunta sa kanyang sasakyan. Hawak ko na ang seatbelt para ilagay sa akin ngunit hinawakan niya iyon at akmang tutulungan ako. Sinamaan ko siya ng tingin. “Ako na, wala na akong sakit. Kaya ko na,” masungit kong sabi. He chuckled. “Okay, okay. Ang init naman ng ulo mo, Zetthe. Baka nagugutom ka na kaya ka ganyan? Gusto mo ba munang kumain? Libre ko na,” suhol nito. Siyempre ay hindi naman ako tatanggi doon. Naramdaman ko rin ang tiyan kong nagwawala na sa gutom kaya bakit ako hihindi lalo na kung libre niya? “Sige, damihan mo libre mo sa akin ah. Lahat ng sasabihin ko i-order mo,” utos ko. Tumango ito at ngumiti sa akin. Dinala niya ako sa isang fast food. Gusto niya pa nga sana na sa mga mamahaling restaurant naman kami kumain ngunit ako na ang nagpumilit na sa mumurahin na lang kami. Wala namang espesyal sa araw na ito para gumastos siya ng malaki. Gutom ako at gusto kong kumain ng marami na pasok sa budget. Pilit ko ng tinanggal sa utak ko ang kairitahan sa kanya. Hindi naman dapat ako naiinis sa kanya pero ewan ko ba, ang init ng dugo ko ngayon. Baka dadatnan na naman ako nito kaya ang iritable ko sa mga simpleng bagay. Hinayaan niya akong mamili ng pagkain. Pinili ko lahat ng mga gusto kong makain kahit marami at tiyak akong hindi mauubos. I-te-take out ko na lang ang sobra at kakainin ko mamayang gabi ko bukas ng umaga. Mas mabuti iyon para makatipid. Wala namang kaso kay Kervy kahit malustay ang pera niya sa akin. Siya na ang pumila doon at umorder. Nagmamasid lang ako sa kanya mula sa kinauupuan ko. Nanliit ang mata ko nang makita ko ang nagniningning na mga mata ng cashier at ng ilang staff na halos huminto pa sa ginagawang trabaho para masulyapan si Kervy. Pambihira naman. Maya-maya ay bumalik si Kervy dala ang number na ibinigay sa kanya habang naghihintay na ma-serve ang mga pagkain. Nakangiti ito at umiiling-iling hanggang sa makaupo siya sa tapat ko. “Ang kukulit ng cashier, natagalan tuloy ako sa pag-order,” sabi nito. “Baka na-gwapuhan kasi sayo kaya ganoon,” mabilis kong sagot. Binalingan niya ako at malapad na ngumiti. “Bakit, gwapo ba ko? Do I look handsome to you?” nakangiting tanong nito. Napalunok ako at hindi makapagsalita. I felt cornered again! Bakit naman kasi nakangiti siya ng ganyan habang tinatanong kung gwapo ba siya para sa akin?! “A-Ano, oo, gwapo ka naman. Hindi ka masakit sa mata,” parang wala lang na sabi ko. Sumimangot ito. “Bakit parang hindi naman? Parang napipilitan ka lang naman?” nagtatampong sabi nito. Sasagot na sana ako nang magsalita pa siya ulit. “Ako nga, nagagandahan ako sa’yo eh. I am aware of the guys looking randomly at you. Hindi ko lang sinasabi sa’yo kasi I liked how you looked so oblivious of your surroundings. Hindi ka katulad ng ibang babae na masyadong obsessed at natutuwa sa tuwing may nakatingin sa kanila. Gandang-ganda sila sa sarili nila samantalang mas maganda ka naman sa mga iyon,” dagdag pa nito. Tuluyan akong napatahimik. I… I wasn’t expecting that from him! Tinawag ang number namin kaya tumayo ito at nagtungo muli sa harap upang kuhanin ang order namin. Nakatulala ako habang nakatingin sa likod niya. I felt that my heart just fluttered a little bit with what he just said. Dalawang beses siyang bumalik para sa tray ng pagkain namin. Nagsimula siyang kumain at hindi ako kinikibo. Para kaming aso’t-pusa na maya’t-maya nagkakatampuhan. Bakit ganoon? “Gwapo ka rin naman, Kervy. You really looked so handsome for me at wala namang duda doon,” mahinang sabi ko. Napahinto ito sa pagkain ng burger saka parang bata na nagtatampong tumingin sa akin. “Mabuti naman kung ganoon. Kumain ka na riyan,” he said lightly. We started talking. Kinamusta ko siya sa naging exams niya at sinabi nitong okay lang naman daw. Feeling niya ay papasa naman siya kahit papaano pero hindi nga lang matataas ang grades. Although, wala namang kaso sa kanya iyon. Ang mahalaga lang kasi sa kanya ay ang makapasa siya. Buti pa siya. “Gusto mo bang dumalaw sa simbahan mamaya? Birthday kasi ng isa sa mga sister doon at iniimbitahan tayong dalawa. May maliit na salo-salo ata silang hinanda. Siyempre, pasasalamat na rin dahil maayos nila tayong tinanggap nitong mga nakaraang araw sa library nila.” Pumayag ako sa alok niya. Panibagong kainan na naman. Kung alam ko lang ay sana, hindi na ako umorder ng marami ngayon. Bakit naman kasi hindi niya sinabi kaagad? “Sana sinabi mo na kanina pa para hindi na ako umorder ng marami ngayon,” wika ko. “Okay lang ‘yan. Iuwi mo na lang iyan para mamayang gabi. Kahit meryenda lang naman ang kakainin natin sa simbahan mamaya. Hindi iyon marami at tiyak na mabibitin ka tapos ay mahihiya kang magpadagdag. Naghahanda rin kasi sila para sa mga ipapamigay sa mga batang lansangan,” natatawang sabi nito. Loko talaga! Pinapalabas pa na matakaw ako para magpadagdag ng pagkain! “Pinapasa mo pa sa akin samantalang sa ating dalawa, ikaw ang mas matakaw kaya baka ikaw ang mabitin at magpadagdag ng pagkain diyan ‘no,” asar ko dito. Bumaba ang tingin niya sa order ko saka humalakhak. “Sino kaya ang maraming inorder ngayon? Punong-puno nga ‘yang tray mo ng pagkain kumpara mo sa akin tapos sasabihin mo na ako ang matakaw. Nako, Suzetthe. Napaghahalataan ka,” balik-asar niya sa akin. Walang katapusang asaran ang nangyari. Sa huli ay hindi ko nga naubos ang mga inorder ko kaya pina-take out ko ang mga iyon. Nagpasya kami ni Kervy na magtungo na sa simbahan kahit maaga pa para makatulong sa paghahanda. Binati namin si Sister Anne, ang may birthday ngayon. She looked young at tila mas matanda lang sa amin ng ilang taon. She looked beautiful and innocent especially when she gave us a warm hug as a sign of gratitude for being here. Masaya sila nang sabihin ni Kervy na tutulong kami sa pag-aasikaso. Na-assign si Kervy sa pagsalansan ng mga natapos ng balutin na pagkain. Minsan ay tumutulong siya sa pagluluto habang ako naman ay tumutulong sa pagsasandok ng mga pagkain. Marami silang hinanda at nakakatuwa na hindi lang pala mga bata ang bibigyan kundi ang kahit na sino na makikita namin mamaya sa labas. Natapos ako sa pagsasandok at napatingin kay Kervy. Nakangiti ito habang nakikipagkwentuhan sa may kaedaran na madre. Tinutulungan niya itong magbuhat para ilipat ang mga natapos ng ihanda na pagkain. I can see how soft he is with other person. Mabait talaga siya at ang laking turn on ng ganitong klaseng lalaki. Napalingon kami sa isang lalaki na pumasok sa loob ng kusina. He is wearing a polo shirt and a slacks. Nakakuha ng atensyon ko ay ang rosaryong nakasabit sa kanyang leeg habang nakangiting nagmamasid sa amin. “Tito Ethan,” tawag ni Kervy. Lumapit ito sa pari at nagmano. Nagpunas ako ng kamay para lumapit at magmano rin sa kanya. This is the first time I’m meeting him. Madalas kasi kapag pumupunta kami ay walang misa at abala ito sa kanyang office kaya ang mga madre lang ang nakakasalamuha ko. “Kaawaan kayo ng Diyos. Ikaw ba si Suzetthe, iha?” Tumango ako. I felt holy when he gently tapped my head. Iba talaga ang impact kapag may kaharap kang pare o madre. Lalo na kapag nahahawakan ka nila dahil feeling ko ay ang bait-bait ko na rin. Feeling ko ay nababawasan ang kasalanan ko sa pagkatao ko, nakakaloka. Nag-ikot siya sa at nakangiting tinitignan ang mga pagkain na ipapamahagi mamaya. “May maitutulong pa ba ako?” magaang tanong nito. Tumawa ang mga madre at umiling. “Tapos na po kami, Father. Magpapahinga lang po muna at mamaya ay lalabas na para makapagbigay ng mga pagkain sa mga tao sa labas,” sabi ni Sister Anne. “Ganoon ba. Nako, pasensya na at hindi ako nakatulong. May inasikaso pa kasi ako kanina sa opisina pero sasama ako sa pag-distribute ng mga pagkain mamaya,” kalmadong sabi nito. Bakit pati ang pagsasalita nila ay sobrang kalmado? Talagang nakakagaan sila sa pakiramdam kasama. Minsan ay feeling ko pa na hindi ako belong! Nagsimula kami sa pamimigay ng pagkain sa labas. Kasama ko ang ibang madre habang namimigay sa mga batang lansangan. Si Kervy naman ay nasa kabilang banda kasama si Father Ethan at binibigyan nila ang ibang mga taong dumadaan. My heart felt so full because of doing such act of kindness. The feeling of contentment is overflowing. Siguro, kung hindi ko nakilala si Kervy ay kanina pa ako nakatunganga sa apartment ko at walang ginagawang makabuluhang bagay. Nang matapos ay bumalik kami sa simbahan. Inalabas ni Sister Anne ang itinabi niyang pagkain para sa amin at sama-sama kaming nagsalo-salo doon. Nagpaalam si Kervy na gagamit ng banyo kaya naiwan ako kasama ng mga madre at ni Father Ethan. Nakita ko ang pagsulyap sa akin ni Father Ethan. Ngumiti ako sa kanya. “Suzetthe, alam mo bang ikaw pa lang ang babaeng dinala dito ni Kervy? Nililigawan ka ba niya?” magaang tanong nito. Nanlaki ang mata ko saka mabilis na umiling. “Nako, hindi po, magkaibigan lang po kami.” Napangiti ito saka tumango. “Friendship is a good foundation to start something beyond what you could ever imagine. Trust the Lord and He will give you more than what you expected.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD