“Are you sure, hindi na kita sasamahan?” Tanong ni Argus sa akin. Agad ko siyang inirapan. Anong tingin niya sa akin, bata? Bakit naman kailangan pa niya akong samahan sa Sta. Ana University? Kayang-kaya ko naman pumunta roon mag-isa. “Baliw! Hindi na ako bata para samahan pa, isa pa mas matanda pa ako sa’yo no?!” Sagot ko sa kan’ya. Tumawa lang siya sa naging sagot ko. “Alam ko naman, wala lang talaga akong gagawin kaya nagbabakasakali ako na isasama mo!” Ako naman ang natawa sa kan’ya. Mga palusot niya, gusto lang pala sumama ayaw pang sabihin nang deretso. Ayos lang naman sa akin kung sasama siya, ngunit sa huli ay hindi rin naman siya sumama dahil tumawag sa kan’ya si Tito Lyndon. Tito Lyndon is asking him to check on something. “Thank you for coming, Ms. Alcaraz,” masayang bung

