Rosaleen’s POV Honestly, hindi ko naman inaasahan na magiging ganoon ang pagbibiro ko sa kanya. Balak ko naman talagang sabihin kaagad na nagbibiro ako pero ang dami niyang sinabi na nagpalambot ng puso ko kaya hindi kaagad ako nakapagsalita kaya bumalik na lang din ako sa sasakyan. Malay ko bang iiyak siya! Naramdaman ko na mas lalong lumalalim ang halik na ibinibigay niya sa akin kaya lumayo ako. “Bawi na siguro ako ’no?” Paulit-ulit akong humihingi ng tawad sa kanya habang pinupunasan ang natitirang luha sa mukha niya. I can’t believe I made him cry! Naramdaman ko naman na niyakap niya ako nang mahigpit kaya niyakap ko rin siya. Pabiro ko pa nga siyang kinagat sa balikat at kaagad naman siyang lumayo sa akin at binalaan pa niya ako na huwag ko siyang akitin. Hindi ko naman siya ina

