Euan’s POV Naging maayos ang selebrasiyon sa birthday ni Tovee. Hanggang sa pag-uwi namin sa bahay na dumadaldal pa rin siya habang paulit-ulit na nagku-kuwento na para bang hindi niya kami kasama sa La Union trip. We also visited interesting places that are worth visiting. I must say that we all enjoyed every experience and moment we shared together. Ito na yata ang pinakamasayang travel naming magkakapatid simula noong nawala sina Nanay at Tatay. Hindi ko na matandaan ang huling hagalpak ng tawa ko na nagawa ko ngayon nang sunod-sunod na parang wala nang bukas. We even watched glorious sunset with the whole family! Totoo na kapag may nawala sa iyo ay may kapalit din naman at totoo rin na mas pahahalagahan mo ang bawat segundo na kasama mo ang mga mahal mo kapag naranasan mo na kung g

