Euan’s POV Nakita ko pa ang pagpasok ni Rosaleen sa bahay nila noong dumating ako roon. Ipinarada ko ang sasakyan at kaagad na bumaba para kausapin siya. Mabuti na lang at wala rito si Tovee dahil nagpunta sa bahay ni Oswald para makalaro si Kyle, ayaw ko naman na makita niya na umiiyak ang Mommy niya dahil sa kagagawan ng Daddy niya. Nasa trabaho naman sina Dad at Lance kaya kaming dalawa lang ang tao rito bukod sa mga taga-bantay at taga-pangasiwa sa bahay nila. Alam pa naman ni Dad na umalis ako sa trabaho para kuhanin ang singsing. Kumatok ako sa pinto ng kuwarto ni Rosaleen. Hindi niya nakalimutang i-lock iyon dahil alam niyang susundan ko siya. “Rosaleen, mag-usap tayo. Please. Alam kong iniisip mo na niloloko kita para makipagkita kay Sharinna pero maniwala ka sa akin, hindi gano

