Euan’s POV Just like what I’ve expected from her, she didn’t give me a call. Hindi niya ako kinakausap o hinaharap kapag nakikipagkita ako sa anak namin. Parang bumalik kami sa set-up namin noong una na si Tovee lang ang dahilan ang pagkikita namin. Ang hirap dahil gustong-gusto ko siyang makausap pero palagi naman niya akong iniiwasan. Ayaw niyang lumalapit ako sa kanya. Binibigyan ko siya ng oras na gusto niya pero . . . hanggang kailan niya ako iiwasan? Naisip ko lang din na paano na kaming dalawa kung palaging ganito? Wala ba talaga siyang tiwala sa akin? Hindi ito nakabubuti sa relasyon naming dalawa, palagi kaming mag-aaway kung palagi siyang nagseselos sa iba kahit sabihin kong wala naman akong ginagawang masama. Ganoon ba kahirap magtiwala sa akin? Nagdududa na rin ako sa sarili

