Euan’s POV I went to Michiko’s workplace and I immediately regretted it because she is over-reacting again. Ang reaksiyon niya ay parang mamamatay na ako. Of course, I didn’t say it out loud. Magiging insensitive ako kung sasabihin ko iyon lalo na at nakita ko kung paano siya nahirapan noong namatay ang dating nobyo niya na si Vonn. “Michiko, I’m okay. Huwag ka na masyadong maingay.” Hindi ako umuwi sa bahay dahil nandoon si Rosaleen at hindi niya ako puwedeng makita na may dugo pa sa mukha at namimilipit sa sakit ng katawan ko. Ibang klase ring manuntok si Mr. Anthony Lacanillao, parang walang bukas at todo bigay. Nakita ko si Celestine, ang may-ari ng flower shop na ito at pinsan ni Charlotte kaya binati ko siya at parehas sila ng naging reaksiyon ni Michiko. Napa-iling na lang ako.

