Rosaleen’s POV Hindi ako makatulog kaya sinilip ko sina Tovee at Euan na mahimbing na natutulog. Sobrang sakit na makita kong takot na takot si Tovee kanina. Nasira ang mga gamit namin na pinaghirapan ko para mabili pero ang mahalaga ay hindi kami sinaktan. Masakit ang nangyari sa amin kanina pero mas masakit na naranasan iyon ni Tovee. Ang sakit na sa murang edad ay naranasan niya ang kalupitan ni Dad. Si Dad lang naman ang naisip ko na puwedeng gumawa ng ganoon sa amin. Maging ako ay hindi makapaniwala na kahit umalis na ako sa bahay nila ay ginugulo pa rin niya ako. Gustong-gusto niya na hindi ako nakikita at malayo sa buhay nila pero bigla na lang siyang manggugulo ngayon at sasabihin na bumalik na ako sa bahay? Paano naman ako maniniwala sa kanya? Itinuring niya akong patay sa mahab

