Euan’s POV
Kagaya ng napag-usapan namin ni Michiko, nag-ayos siya ng bouquet of flowers na ibibigay ko kay Rose. Hindi ako sigurado kung dapat ko pa iyon ituloy dahil mukhang sumama na naman ang loob niya sa akin. Alam kong nagseselos lang ako pero hindi tama ang mga sinabi ko sa kanya.
Lumapit sa akin Michiko para sabihin na ihatid ko siya sa trabaho para kuhanin ko na rin ang bulaklak na inihanda niya kay Rose. Napa-iling nalang ako, sinabi na nga pala sa kanya ni Oswald. Kapag talaga nabanggit ko kay Oswald, hindi niya nakalilimutang sabihin sa iba.
Mabuti nalang at hindi niya sinasabi sa iba ang tungkol sa reason ng break up namin ni Sharinna. He knew the reason but I never told anyone about the details and that will be my untold secret for the rest of my life. I still want to protect them from the judgment that they might hear from others when they knew how some people betrayed someone for love. Magiging sikreto lang iyon kung hindi malalaman ng iba dahil sa kadaldalan ng kaibigan ko.
“Nagkaroon ako ng chance na kausapin si Ate Rosaleen noong nagpunta ako sa opisina mo, Kuya. Iisa lang palang tao si Rose at Rosaleen, pa-special ka naman sa pagbabago sa pangalan niya,” kumento pa niya noong nakasakay na sa sasakyan.
“Nasaan na si Jiro?” pagtatanong ko kay Michiko. Ihahatid ko rin si Jiro dahil dadaan naman kami sa campus niya bago dumaan sa flower shop.
Sumigaw si Michiko para tawagin si Jiro. Nagreklamo pa siya na sobrang bagal ni Jiro na parang babae sa sobrang bagal. Parehas lang naman silang mabagal, nagkataon lang na nauna siyang matapos kay Jiro ngayon pero ganito ang eksena namin kapag umaga at kapag isinasabay ko silang dalawa.
Pagsakay naman ni Jiro ay amoy na amoy ang pabango niya kaya nag-asaran na naman silang dalawa tungkol sa nililigawan ni Jiro. Alam naming may nililigawan siya pero hindi namin alam kung sino dahil ayaw sabihin ng kapatid ko hangga’t hindi pa niya napasasagot ang babae.
“Ate Michiko, huwag ka nang makulit. Hindi ko sasabihin sa iyo,” sagot naman ni Jiro.
“Okay, I have connections kaya malalaman ko kung sino ang babaeng nililigawan mo.”
“Si Kuya Euan nalang ang guluhin mo tutal ay kilala mo naman kung sino ang nililigawan niya.” Napa-iling nalang ako. Siguradong idinaldal na ni Michiko kay Jiro ang tungkol kay Rose.
“Kids, quiet na,” pagbibiro ko naman sa kanilang dalawa. Para talaga akong may mga batang inaalagaan kapag nagkasama ang dalawang ito at kapag nagsimula na ang pag-aasaran nila.
NANG MAKARATING NA AKO sa opisina ay kaagad kong inilagay ang bulaklak sa table ni Rose. May letter iyon para malaman niya na galing iyon sa akin. Baka isipin niyang may nagpadala ulit sa kanya ng bulaklak. Binati nila ako at ang iba ay ngumiti sa akin noong nakita nila ang paglalagay ko ng bulaklak sa table ni Rose.
May meeting ulit kami kasama si Mr. Lacanillao. Mukhang good news dahil maraming tanong si Lance sa akin noong tumawag siya kaya kailangan namin iyon ipaliwanag sa kanila. This time, hindi kami tutuloy sa project site dahil ang meeting namin ay sa office mismo ng company nila.
I tried to message and call Rose to apologize but she is rejecting my messages and calls.
Nang dumating naman siya ay nakita kong binasa niya ang sulat sa bulaklak na ibinigay ko sa kanya. Expressionless niya iyong binasa pagkatapos ay iginilid lang niya ang bulaklak at inayos na ang mga papel sa table niya.
She is also avoiding me. She talks to me about the meeting with Mr. Lacanillao but she is not talking to me if I ask about anything else. Hindi ako sanay na hindi niya ako kinakausap tungkol sa ibang bagay at halata na iniiwasan niya talaga ako.
“Bro, bad mood si Rosaleen? Ano ang ginawa mo?” pagtatanong pa niya sa akin.
“Nagalit sa akin, eh,” sagot ko naman habang pababa kami sa building. Nauunang maglakad sa amin si Rose.
“Bakit nga?” tanong niya.
“Bakit mo itinatanong? Para idaldal na naman sa mga kapatid ko?”
“Hindi ako madaldal, ah.”
Napailing nalang ako sa kanya. Tahimik kami sa buong biyahe dahil nagsasalita lang si Rose kapag nagtatanong kami tungkol sa trabaho. Ganito naman siya noong hindi pa kami close pero nasanay na ako sa kakulitan niya na parang hindi na kumpleto ang araw ko kapag hindi siya nangungulit sa akin. Kahit na ipinararamdam ko na naiinis ako sa kanya noon, ginagawa ko lang iyon para hindi ko maramdaman ang admiration ko sa kanya.
Did I go overboard?
Kahit kausapin ko siya at itanong kung galit pa ba siya sa akin o kung hindi niya nagustuhan ang bulaklak na ibinigay ko sa kanya ay titingnan lang niya ako pero hindi niya ako papansinin. Grabe, hindi ako mapakali na ganito niya ako iwasan ngayon. Sinabi ni Oswald na hayaan ko nalang muna siya at mag-focus kami sa trabaho. Kulitin ko nalang daw ulit si Rose mamaya kapag nasa opisina na kami.
I was amazed with the structure of Mr. Lacanillao’s company pero mas humanga ako sa personality ng mga empleyado niya. The quietness is disturbing pero somehow ay napahahanga ako na kaya nilang i-control ang behavior ng mga empleyado nila. Doon ko nakita ang pagiging strict na boss ni Mr. Lacanillao.
Habang naglalakad kami, walang tumitingin o sumisilip sa amin kahit na nag-uusap kami habang naglalakad. Siguro ay ayaw ni Mr. Lacanillao ng ganoon kaya employee stayed focus on their work.
Alam ko na masama ang loob ni Rose sa akin pero kahit ako ay napapansin ang pagiging distracted niya, nakita ko rin na napatitingin sa kanya si Mr. Lacanillao at napapansin ko pa na napa-iiling siya kaya kinausap ko si Rose noong lumabas si Mr. Lacanillao.
“Rose, I know you are mad at me pero . . . puwede ba na hindi maapektuhan ang trabaho natin? Nakikita ko na napapansin iyon ni Mr. Lacanillao at ayaw niya na ganoon ang kausap o kaharap niya. Can you at least focus on this?” I politely asked. Ayaw ko naman na magmukhang galit kaagad ako. Ayaw ko lang na kausapin na naman kami ni Mr. Lacanillao at parang iinsultuhin na naman niya si Rose.
“Sorry,” she whispered and looked down. Damn, I immediately felt guilty.
She tries her best pero ngayon ko lang siya nakita na hindi komportable sa ginagawa naming trabaho. Am I the reason?
Maya maya ay pumasok si Lance para tawagin si Oswald dahil may ipakikita lang daw siya, nakita ko rin na kinausap siya ni Mr. Lacanillao. He is obviously mad and he even looked to our direction. Pakiramdam ko nga ay si Rose ang tinuturo niya. Maya maya ay tinawag na ako ni Oswald, wala na roon si Mr. Lacanillao pero nandoon pa si Lance kaya kinausap nila akong dalawa.
“Euan, can you talk to Rose? Kinausap ako ni Mr. Lacanillao pero mukhang aayawan niya ang company natin dahil sa ginagawa ni Rose. He is very strict at napapansin niya ang bawat kilos natin. Ayaw niya na papalpak ang project na ito.” Hindi naman ako nagulat sa sinabi niya dahil mukha naman talagang ayaw ni Mr. Lacanillao kay Rose. In fact, mukhang ayaw niya sa babaeng empleyado dahil wala pa akong nakikitang babae na nagtatrabaho rito.
Lumapit sa amin si Lance. “I’m sorry about my Dad’s attitude but he really don’t’ like someone who get distracted easily. I will talk to him about this and sorry if he demands whatever he wants.” Kumpara kay Mr. Lacanillao, mas mukhang professional at mabait ang anak niya. It’s based on my observation.
Kahit na mainit ang ulo ni Mr. Lacanillao ay itinuloy namin ang meeting at presentation sa kanya. Nagbago na rin kahit kaunti si Rose dahil hindi na halata ang pagkalutang niya.
Bago kami lumabas ay muli kaming kinausap ni Mr. Lacanillao tungkol kay Rose. Mas malinaw na niyang sinabi na hindi niya sa amin ibibigay ang project kung palaging ganoon si Rose. He also suggested to change our staff, huwag na raw namin isama si Rose dahil nga napansin nito ang pagiging lutang ni Rose.
Naiinis ako sa mga sinabi ni Mr. Lacanillao pero mas naiinis ako sa ipinakikita ni Rose kaya naman noong nakapasok kami sa kotse ay pinagsabihan ko siya. Noong una ay kalmado pa ako pero kailangan namin maging propesiyonal dahil hindi biro na mabigyan ng chance na maka-usap si Mr. Lacanillao. Malaking sayang sa company namin kung hindi kami ang makukuha nila.
Nakasakay na kaming lahat sa kotse noong tinanong ko si Rose.
“Ayaw mo ba sa ginagawa mo ngayon? Ayaw mo ba sa ibinigay naming trabaho? Alam kong naiinis ka sa akin at naiintindihan ko kung bakit pero nasa trabaho tayo ngayon. Hindi puwedeng mawala ang project kay Mr. Lacanillao dahil sa ginagawa mo. Alam mo bang hindi niya nagugustuhan ang nakikita sa iyo? Kahit nga ako ay nahahalata ko na parang ayaw mong magtrabaho nang maayos. Bakit naman ngayon mo pa naisipan mawalan ng gana?” Hindi maiiwasan na maging aggressive ako sa ganitong usapin dahil matagal na naming kinukuhang kliyente si Mr. Lacanillao at ngayon lang kami nagkaroon ng chance.
Nakayuko lang si Rose.
“Maraming beses na siyang nagrereklamo dahil sa iyo, Rose. Mabuti nga na sa amin lang niya iyon sinasabi at hindi siya dumidiretso sa CEO dahil kung hindi, baka pare-parehas pa tayong matanggal sa project na ito. Kung may problema ka, huwag mo naman idamay ang trabaho mo.”
“Sorry,” bulong ulit niya.
“Sabihin mo lang kung ayaw mong sumama sa project na ito dahil alam mo naman na maraming nagrerequest at gustong pumalit sa posisyon mo. Ngayon pa lang ay sabihin mo na kung hindi mo kaya para makahanap kami ng ipapalit sa iyo.”
Pumagitna sa amin si Oswald. “Bro, chill ka lang. Bumalik na tayo sa office at doon nalang natin pag-usapan,” paki-usap pa niya kaya bumalik na kami kaagad sa opisina.
MAINIT ANG ULO KO dahil sa nangyari pero mas uminit yata ang ulo ko na nakita ko si Sharinna sa loob ng opisina ko. She is good at bad timing, I guess? Naaawa pa rin ako sa kanya na nawalan sila ng anak ni . . . forget it!
“What are you doing here?” I asked.
“I’m waiting for you,” she answered. Nakita kong nakaupo lang siya. Noong huli ko siyang nakita ay nilito lang niya ako. Sa tuwing nakikita ko siya ay nalilito at parang nagbabago ang laman ng isip ko.
She’s been messaging and calling me pero I’m not answering all of it. I just want to have a peaceful life. Alam na nina Michiko at Jiro na nandito sa Pilipinas si Sharinna pero hindi nila binabanggit sa akin ang paglabas-labas nila lalo na noong sinabi ni Oswald kay Michiko na may liligawan ako.
Ayaw ko man na mas mapalapit sina Michiko kay Sharinna ay hindi ko naman mapagsabihan dahil siguradong hihingi ng explanation at magtatanong si Michiko kaya hinahayaan ko nalang sila.
Wala naman akong balak sabihin sa kanila na naghiwalay kami ni Sharinna dahil niloko niya ako. Masasaktan lang si Michiko dahil malaki ang paghanga niya kay Sharinna. Alam ko rin na Ate na talaga ang turing niya kay Sharinna kaya alam ko rin na kapag nalaman niya ang totoo ay magbabago ang tingin niya kay Sharinna at baka malungkot pa siya para sa akin.
Just like what I’ve said before, kay Sharinna ko pa lang naipakikita ang ganoong side ko. Hindi alam ng mga kapatid ko na mahina ako, ipinakikita ko lang sa kanila na malakas at parang bato na ako pero aaminin ko na mahina ako . . . at alam na alam ni Sharinna ang bagay na iyon pero nagawa pa rin niya akong lokohin. How painful is that?
Michiko is cheering me to bring Sharinna back but when Oswald told about my plans to court Rosaleen, she stopped teasing and respect what I wanted to do. That’s how I get support with my sister.
“You didn’t tell them?” she asked.
“Should I tell it to my siblings? For what? So you can also hurt them? Sharinna, Michiko respects you a lot. Ayaw ko na masira ang tingin nila sa iyo at hindi mo naman ginawa sa kanila ang ginawa mo sa akin that is why what happened between us should not affect your relationship with them. They respect you and I want it to stay that way. You may leave,” sagot ko sa kanya.
She looked at me. “I want you back, Euan. I love you, you know that. Alam kong makapal ang mukha ko na kinakaya ko pang humarap sa iyo pero mahal kita. Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa iyo, nagkamali ako pero hindi ka nawala sa isip ko, Euan. Please, give me a chance. Nagbago na ako, Euan. Bigyan mo naman ako ng pagkakataon ngayon na patunayan iyon sa iyo.”
Damn. She is saying all of it while looking straight into my eyes.