Chapter 8

2242 Words
Euan’s POV Nagkakagulo sa office noong dumating ako, hindi pa naman oras ng trabaho kaya puwede pa silang mag-usap. Napansin ko na nasa table sila ni Rose at nagtatawanan sila. Binati naman nila ako habang todo ang ngiti nila, tumango lang ako sa kanila at itinuloy nila ang pag-uusap. Nakasalubong ko si Oswald na nakangiti rin sa akin kaya nagtanong na ako sa kanya. Mukhang alam niya ang nangyayari. “Mukhang maganda ang mood ng mga tao, ah? Ano ba ang mayroon?” pagtatanong ko pa. “Lover boy na talaga ang kaibigan ko. May nalalaman ka pang flowers ngayon, ah? Hindi mo ba iyon kayang ibigay kay Rosaleen at kailangan mo pang ipadala sa table niya?” sagot niya pagkatapos ay pinagtawanan lang ako. “What are you saying?” I asked. “Nagkakagulo sila dahil sa bulaklak na ipinadala mo kay Rosaleen. Is it arranged by Michiko?” Wait . . . flowers? May nagbigay ng bulaklak kay Rose? “Wala akong ibinibigay na bulaklak kay Rose.” “Gago, seryoso?” “Kailan ba ako nagbiro?” Sino naman ang nagpadala ng bulaklak kay Rose? Ang lakas ng loob niya, ah? Kaya naman pala maganda ang ngiti niya kanina, maganda nga pero hindi naman pala dahil sa akin. Tumango pa si Oswald. “It makes sense. Akala pa naman namin ay ikaw ang nagbigay ng bulaklak kay Rosaleen kaya kinikilig ang lahat sa style na ginagawa mo. Kung hindi ikaw ang nagbigay ng bulaklak kay Rosaleen, ibig bang sabihin ay may iba siyang manliligaw?” Napa-isip din ako. Hindi ko naisip na posibleng may magkagusto rin sa kanya. “Ang bagal mo kaya mauunahan ka pa ng iba. Pag-isipan mo pa para may kasabay ka sa panliligaw sa kanya.” He taps my shoulder before walking towards his office. Napa-isip naman ako. Sa ganda at bait ni Rose, hindi imposibleng may manligaw na iba sa kanya. Isa-isa ko tuloy tinitingnan ang mga lalaki sa office at sinusubukan ko kung nakatitingin pa sila sa mga mata ko. Sino kaya sa kanila ang nagpapadala ng bulaklak kay Rose? Hindi na naman yata ako matatahimik ngayong araw. MAYA MAYA AY NAKANGITING pumasok si Rose sa opisina ko na may dalang kape at miryenda. Inilapag niya iyon sa table ko at nagsalita siya. “Thank you,” sabi pa niya sa akin na halatang nahihiya pa. “For what?” I asked with a serious tone. Iniisip ba niya na ako ang nagbigay ng bulaklak sa kanya? Ibig bang sabihin ay ako ang naiisip niyang nagpadala noon? “Thank you for the flowers. It was my first time to receive flowers that did not came from any member of my family.” I saw her smile but I was irritated to the guy who gave her flowers. “Hindi ako ang nagbigay ng bulaklak na iyan,” sagot ko naman pagkatapos ay tumayo ako para may kuhanin na dokumento sa lagayan ko. Natahimik si Rose kaya nilingon ko siya. Mukhang iniisip niya kung sino ang posibleng magbigay ng bulaklak sa kanya. “Isipin mong mabuti, baka galing sa ex-boyfriends o manliligaw mo. Nakuha mo pang magnakaw ng halik sa akin pagkatapos ay makikita kong may ibang nagbibigay ng bulaklak sa iyo.” Damn. I clearly sounded like a jealous boyfriend. But if I was her boyfriend, hindi lang ganiyan ang magiging reaksiyon ko sa lalaking magpapadala ng bulaklak kay Rose. Tangina, nagseselos nga yata ako. Bulaklak lang naman iyon! “Imposible naman. Hindi pa ako nagkaka-boyfriend,” sagot naman niya habang nag-iisip pa rin. “Sa ganda mong iyan ay hindi ka pa nagkaka-boyfriend? Pinagti-tripan mo ba ako ngayon?” Sa halip na sumagot siya sa seryosong tanong ko ay nakita ko pang ngumiti na naman siya. Baka naka-isip na siya ng taong puwedeng magpadala ng bulaklak sa kanya. “You just admitted that I’m attractive.” “Yes, you are,” direktang pagsang-ayon ko naman. “Are you attracted to me, Euan?” I like her calling me Euan when the two of us are talking inside my office. I feel special. Halata naman na nang-aasar siya sa akin but I’m the type of guy who never have jokes when we are actually talking about serious matter. “Yes,” I answered while looking at her eyes. Nakita ko pa na nagulat siya sa pagsagot ko. “You didn’t expect that answer, huh?” She smiled. “Kinikilig naman ako. Ang seryoso ng itsura mo pero kinikilig ako. I feel like I want to hug you right now.” “I won’t argue if you do that, Rose.” Tumingin pa siya sa paligid. Akala ko naman ay yayakapin talaga niya ako. “Why do you keep calling me Rose?” she asked. “I like calling you Rose. Ayaw mo bang tinatawag kitang Rose?” pagtatanong ko pa habang inaayos ang mga papel na hawak ko. Nakalimutan ba niya na iyon ang pakilala niya sa akin noon? “Akala ko naman ay I like you na ang sasabihin mo. Parang pinapaasa mo naman ako sa ginagawa mo, eh.” Napahinto ako sa sinabi niya kaya lumapit ako. Bahagya akong sumandal sa table ko para maging magka-level ang mukha namin at para makita ko ang mga mata niya. Humalukipkip ako at ngumiti sa kanya. Awtomatiko naman na napangiti rin siya. Hindi ako madalas na nakikitang nakangiti sa opisina dahil most of the time ay seryoso at busy sa trabaho. “I like you,” I said while still looking at her eyes. Nagulat ako at napatawa pa niya noong tumalikod siya sa akin at sinabing, “Parang tanga naman!” Pagkatapos niya iyon sabihin ay lumabas siya ng opisina ko. Naiwan ako habang umiiling at natatawa sa sinabi niya. Hindi niya alam kung ilang beses ko iyon sinabi sa harap ng salamin pagkatapos ay sasagutin niya ako ng “parang tanga”? Crap, she is too cute. Kung sino man ang lalaking nagpapadala ng bulaklak kay Rose, hindi ako magpapatalo sa iyo. I like her! LUNCH TIME NA NOONG may pumasok na naman sa opisina ko na hindi manlang kumakatok. Kilala ko naman ang mga hindi sanay kumatok kaya tiningnan ko nalang para malaman kung sino iyon sa kanila. Si Michiko pala at may dala siyang pagkain. “Kuya,” pagtawag pa niya sa akin habang inaayos ang mga dalang pagkain. “Hindi ka busy sa flower shop ngayon? Nag-commute ka para manggulo na naman sa akin.” Umupo ako sa tabi niya habang inaayos niya ang mga kakainin namin. Mukhang naamoy naman ni Oswald ang pagkain kaya pumunta siya sa office ko para makikain. “Kuya Oswald, tara po kumain ka na rin.” Hindi naman marunong tumanggi si Oswald sa pagkain kaya nauna pa siyang kumain sa amin ni Michiko. Maya maya ay kumain na rin kami ni Michiko. Kapag hindi siya ginugulo ng kaibigan niya sa flower shop ay siya ang nanggugulo sa opisina ko. Hinahayaan ko nalang na tumambay sa opisina ko kapag wala siyang ginawa. “Oo nga pala, ano ang sinasabi mong flowers? Sino ba ang pagbibigyan mo, Kuya Euan? Ano ba ang style na gusto mo?” pagtatanong ni Michiko kaya tumawa naman kaagad si Oswald. Tingnan mo itong kaibigan ko. Siya ang nagpapakilala ng mga babae sa akin pero ngayon na may gusto akong ligawan ay pinagtatawanan naman ako. “Huwag mo sabihing nag-re-request si Euan ng flower arrangement sa iyo, Michiko?” pagtatanong pa niya kay Michiko habang tumatawa pa rin. Napapa-iling nalang ako sa kaibigan ko. Sobrang nahihiya na ako sa ginagawa niya. Sa halip na walang alam si Michiko ay malalaman pa niya kaagad. “Ganoon na nga. May nililigawan ka na ba, Kuya Euan?” “Wala pa,” sagot ko naman. Tiningnan niya si Oswald. “Wala pa? Sino ang balak niyang ligawan, Kuya Oswald?” Lumapit naman si Oswald at ibinulong kay Michiko at halatang nagulat at natuwa siya at the same time. “OMG! Ako ang bahala sa flowers mo, Kuya!” Napakamot nalang ako sa ulo at sinabi sa kanilang dalawa na tigilan ang pang-aasar sa akin. Binanggit ko rin kay Michiko na bilisan niyang kumain para ihatid ko na siya sa flower shop pero sinabi niya na may susundo raw sa kanya rito sa office kaya naman naging alerto kaagad ang pagiging Kuya ko sa kanya. “Sino naman? Bakit ka susunduin? Manliligaw?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya. “Bakit ganiyan ka magtanong? Puwede na akong magpaligaw ’no!” sagot pa niya sa akin. “Sino naman iyan, Michiko? Saan mo nakilala? Bakit hindi ko nakikita?” Tumayo siya at sinabing huwag ako maging OA sa usapin na ganoon dahil baka si Jiro pa raw ang unang mag-asawa dahil sa ginagawa ko sa kanya. Wala naman akong ginagawa. Gusto ko lang na makilala kung sino man ang magmamahal ulit sa kanya. Ang hirap kapag nasasaktan siya at ayaw kong nakikita ang kapatid ko na ganoon. “Michiko, sino ang susundo sa iyo?” pag-ulit ko pa. “Si Mommy! Mommy ni Vonn, Kuya! Magkikita lang kami kaya huwag kang praning!” sigaw naman niya sabay labas ng opisina ko. Ginawang kainan ang opisina ko. Iniwan na niya ang dala niyang lagayan dahil ako naman ang mag-uuwi ng mga iyon mamaya. Nag-message naman si Jiro na late ang uwi niya mamaya dahil marami raw silang gagawin. Pumayag naman ako dahil alam naman niya ang tama at mali. Kung magkamali man ang kapatid ko kagaya ng mga pagkakamali ko noon, sana ay may matutunan din siya kagaya ko na marami ang natutunan mula sa mga pagkakamali na nagawa ko noon. PAGOD NA PAGOD AKO sa trabaho kaya noong natapos ang mga ginagawa ko pati na rin ang mga dapat kong kausapin sa telepono ay bumaba ako ng building para bumili ng maiinom at miryenda. Hindi naman ako nagtagal kaya umakyat kaagad ako. Dumaan ako sa opisina ni Oswald at nagulat naman siya na dinalhan ko siya ng miryenda. Nang-aasar pa nga na galante ako kapag in love. Parang sinabi niya na kuripot ako kapag broken hearted ’no? Hindi naman ako nagtagal dahil lumabas ako para dumaan sa tabi ni Rose. Wala siya sa table niya pero nakita ko ang bulaklak na ibinigay sa kanya ng kung sinumang lalaki na hindi namin kilala. Nasa table din ang cell phone niya na tumunog naman at nakita ko ang pangalan sa screen na “Baby”. Nagulat pa ako na kaagad niya iyong kinuha at sinagot. Lumayo pa sa akin noong sinagot niya ang tawag. Ibinaba ko nalang sa table niya ang binili ko para sa kanya at bumalik na sa opisina ko. Bakit ganoon ang nakalagay sa cell phone niya? Pagkatapos ay may nagpapadala pa ng bulaklak sa kanya. Ano ba ang gusto niyang isipin ko? Halata rin na itinatago niya sa akin kung sino ang tumawag sa kanya. Alam ko naman na hindi kami pero siguro naman ay may karapatan akong malaman kung may boyfriend na siya, hindi ba? Pumasok siya sa opisina ko. “Sorry, urgent call lang po. Salamat pala sa miryenda,” sabi niya habang malawak ang ngiti. “Welcome,” sagot ko naman na parang walang kabuhay-buhay. Nababadtrip ako. Kasasabi ko lang sa kanya na gusto ko siya pagkatapos ay may ganito na. “Galit ka ba? Promise, hindi ko alam kung sino ang nagpadala sa akin ng bulaklak.” Hindi naman iyon ang ikinaiinit ng ulo ko. “May anak ka na ba?” pagtatanong ko pa sa kanya na halatang ikinagulat niya. “Tumatawag ang Baby mo kanina. Sabihin mo lang kung may boyfriend ka na.” “Kakaiba rin talaga ang tingin mo sa akin, ah? Sa tingin mo ba ay sasama ako sa iyo kung may boyfriend ako? Ganoong klase ng babae ba talaga ang tingin mo sa akin?” Damn it. Mukhang mali na naman ang sinabi ko. “At kung may anak ba ako ay magbabago na ang tingin mo sa akin? Ganiyan ka bang klase ng lalaki?” Umalis siya sa opisina ko pero maya maya ay bumalik na dala ang ibinigay ko sa kanyang mga pagkain. “Ibinabalik ko na sa iyo ang pagkain na binili mo para sa akin. Feeling mo yata ay nagkaroon ka ng karapatan na husgahan ako dahil binigyan mo ako ng ganiyan. Hindi ko kailangan ng lalaki na masyadong mababa ang tingin sa akin.” “Wait lang, Rose,” sabi ko pa sa kanya noong pinigilan ko siyang lumabas. “Hindi ganoon ang gusto kong sabihin sa iyo. Ayaw ko lang na makasakit ako ng iba kaya nagtatanong ako sa iyo.” “Rosaleen. You can start calling me Rosaleen. Hindi ako si Rose. Ayaw mong makasakit ng iba pero kapag ako ang sasaktan at pagsasalitaan mo ng ganiyan ay ayos lang?” Tangina. Nakita kong may tumulong luha sa mga mata niya. Pinigilan ko pa ulit siya pero hinawi niya ang kamay niya pagkatapos ay sinabing, “Tigilan mo na nga ako. Pinipilit mo lang yata na magustuhan ako pero ang totoo niyan ay iniisip mo pa rin si Sharinna kasi kung hindi mo na siya iniisip, bakit pati ako ay pinag-iisipan mo na magtataksil sa iyo? You are being unfair. Iniisip mo na gagawin ko sa iyo ang ginagawa niya sa iyo.” How the hell she knew that Sharinna cheated on me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD