Chapter 7

2409 Words
Euan’s POV Ngayon lang ulit nangyari na ako ang pumasok sa office ni Oswald. Sobrang nagtataka nga siya kaya napatayo pa noong pumasok ako at umupo naman kaagad ako sa upuan niya na parang pagod na pagod sa buhay. Maya maya pa kami aalis papunta sa project site at meeting pero kanina pa ako hindi mapakali. Lumapit sa akin si Oswald habang nakangisi. Mang-aasar na naman siya dahil ngayon lang ulit niya ako nakitang ganito. “Ano ba ang problema mo? Hindi maipinta ang mukha mo, ah? Imposible naman na babae ang problema mo dahil wala ka namang babae.” Ang bastos din talaga ng bibig ng kaibigan ko. Hindi ko tuloy alam kung tama ang desisyon kong pumasok sa opisina niya. “Huwag mong sabihin na kinakabahan kang makipag-meeting kay Mr. Lacanillao? Hindi ka naman madalas kabahan sa meeting na ganito kaya nakapagtataka.” Nakatitig lang ako sa kanya habang nakikinig. “Ano nga?” tanong ulit niya. “In love yata ako, Bro,” I whispered and he laughed so hard. Mukha bang biro ang sinabi ko sa kanya? Wala sa oras na mahinang nasuntok ko siya sa braso kaya tumigil sa pagtawa. “Matagal ka namang in love kay Sharinna. Ano ba ang bago roon? Bakit mukha kang problemado?” “Kay Rosaleen, Bro,” I admitted. Nakita kong ngumiti siya at tumango pa na parang ine-expect niya. “Ano nga ang problema mo? Pareho naman kayong single, hindi ba?” pagtatanong ulit niya. “Oo nga. Paano si Sharinna?” I asked. “What the hell? Why are you thinking about her? Do you still love her despite what she did? I thought you moved on? Bakit mo naman siya iisipin? Bumalik lang naman siya rito to heal herself and not to be with you, right? Ano ang gusto mong gawin? Hintayin na naman ang go signal mula sa kanya? Paano kapag hindi dumating ang signal na iyon? You are just torturing yourself for waiting to someone who never choose you in the first place.” f**k! That hurts so bad. Oswald is a happy go lucky guy but when he needs to be serious, his words can cut your heart into million pieces by saying a fact without blinking. He will just say it, he didn’t care if it will hurt you or not. If you ask for his opinion, he will say whatever is on his mind. “Bakit kailangan mo siyang isipin ngayong masaya ka na? I just don’t get it. Hindi ka nga niya inisip noong sinaktan ka niya, right? Mas sinaktan ka pa niya at paulit-ulit niya iyong ginawa, Euan.” Napailing pa siya sa akin pagkatapos ay tumayo para kuhanin ang gamit niya at lumabas na kami sa opisina niya. May pahabol pa siyang advice noong naglalakad kami. “If you are not sure with the happiness that you felt, don’t bother to involve Rosaleen because you are just going to hurt her. If you can’t even fight for that happiness, how can you fight for her when the time comes that you need to choose?” Umiling ulit siya at minura ako bago puntahan si Rose at sabihan na aalis na kami. Saglit akong bumalik sa opisina ko at pinagmasdan ang paglalakad nilang dalawa. Tama na naman yata si Oswald. Bakit ko ba iniisip si Sharinna? Am I guilty that I’m now happy and she’s not? Bakit ako ang kailangang makaramdam ng guilt? Hindi ko dapat kinakausap na madalas si Michiko dahil mukhang nahahawa na ako sa kanya sa pag-iisip ng kung ano-anong bagay. NAKARATING NA KAMI SA project site. Tahimik lang kaming lahat sa biyahe dahil nakatulog si Rose at hinayaan naman namin na magpahinga siya samantalang si Oswald naman ay umiiling pa rin sa akin kapag mahuhuli niya akong tumitingin kay Rose. Naunang bumaba si Oswald at sinabi na gisingin ko na si Rose na parang may pagbabanta pa. As far as I know, I’m his friend, right? Why it feels like he is protecting Rose from me? Kulang sa tiwala ang kaibigan ko. Saglit na pinagmasdan ko si Rose habang tulog na tulog sa tabi ko. Sanay ako sa mahabang pagda-drive kaya ako na ang nag-drive para sa amin. Hindi maiwasan na mapangiti ako habang pinagmamasdan ko siya dahil naalala ko ang ginawa niya kagabi. Ang halik na iyon ang gumugulo sa isipan ko ngayon. Nagulat kami noong kumatok si Oswald sa bintana ng kotse dahilan para magising din si Rose. Nagulat pa siya noong nakita ako at humingi pa ng tawad sa pagtulog na nagawa niya pero kaagad naman siyang nag-ayos at bumaba. She didn’t even say hi to me. Am I now invisible? Nag-uusap kami ni Oswald habang naglalakad at nasa likuran lang namin si Rose na abala sa cell phone niya. Kanina pa siya hindi mapakali habang hawak ang cell phone niya. Sino kaya ang kausap niya? Hindi naman siya madalas humawak ng cell phone noon, ah? Bakit ko naman iyon gustong malaman? “Tangina nito, mag-focus ka nga. Kanina pa ako nagsasalita,” sabi pa ni Oswald na halatang naiinis na. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya akong minura ngayong araw. Nagsisimula palang ang araw namin pero nakarami na siya na mura sa akin, ah? Ipinakilala ko si Oswald kay Mr. Lacanillao at si Rose pagkatapos ay umikot na kami sa lugar habang ipinaliliwanag niya ang mga gusto niya at hindi gustong mangyari. Mukhang tama nga ang nababasa namin na sobrang mahigpit siya sa mga nagta-trabaho sa kanya and he’s also straight forward. Sinasabi nga niya sa amin kapag ayaw niya ang mga biro ni Oswald kaya hindi na ulit ito nagbiro at nagseryoso na sa pagkausap sa kanya. Napahinto lang kami sa pag-uusap noong dumating ang anak nitong lalaki na si Lance at ipinakilala kami ni Mr. Lacanillao sa kanya. Isa-isa niya kaming binati at nagulat kami na kaagad siyang humalik sa pisngi kay Rose na halatang nagulat din sa ginawa ng lalaki. “I’m sorry, nasanay ako sa ganoong pagbati. Sorry,” paghingi niya ng tawad kay Rose at ngumiti naman ito na parang napipilitan lang. Sorry? Nakahalik ka kaagad, ah! Naramdaman ko naman na inakbayan kaagad ako ni Oswald at bumulong pa ng, “Gago, type yata niya si Rosaleen. Mag-isip ka na kung iisipin mo pa sa ganitong sitwasyon ang ex-girlfriend mong mas piniling makasama ang iba.” Palihim ko siyang siniko. “Rose, come here,” pagtawag ko sa kanya at napansin ko ang paglingon ni Mr. Lacanillao at Lance sa amin. “What did you just call her?” pagtatanong ni Mr. Lacanillao. Ipinakilala ko siya bilang Rosaleen kanina at baka nalito siya sa pagtawag ko ng Rose ngayon. “Rose po. I’m calling her Rose but her name is Rosaleen.” Tiningnan ni Mr. Lacanillao si Rose at tumango. Weird naman. Ipinagpatuloy namin pag-uusap. Pumasok pa kami sa isang room pero hiniling ni Mr. Lacanillao na maiwan sa labas si Rose dahil gusto niya na kaming dalawa lang ni Oswald ang kasama nila ng anak niya. “I’ll be honest with you, I don’t like the staff you brought here with you. I’m not sure if she can do all the works here and she seems intimidated with my presence. I don’t want to be surrounded by that kind of person. Is she part of your department? Did she know about this field?” Mr. Lacanillao asked. “Dad, you are not here to question how they chose their colleague. We just started and your complains are not even related to the project.” Lance look at me and Oswald. “I’m sorry, don’t mind him. His hobby is to judge people he just met. Don’t mind him.” Sa pagkakataong iyon ay gusto kong sumang-ayon sa sinabi niya pero tumahimik nalang kaming dalawa ni Oswald para matapos na ang meeting na ito. Hindi ko rin gusto na wala pa ngang chance na naibibigay sa amin para ipakita ang galing ng team namin ay nakuha na kaagad nitong husgahan si Rose. Wala ngang kibo si Rose dahil busy ito sa pakikinig pero napansin pa niya iyon. Nang matapos ang pag-uusap namin tungkol sa trabaho ay hinayaan na nila na umupo kasama namin si Rose. Hindi ako sigurado kung narinig niya ang pag-uusap namin but she is avoiding an eye contact with them. Parang gusto ko siyang i-comfort sa pagkakataon na iyon. She seems weak right now and out of focus. Panay ang tingin din niya sa cell phone niya kaya hindi ko maintindihan kung nagbago ang mood niya dahil sa pagiging intimidating ni Mr. Lacanillao o dahil sa kausap niya kanina. Naging maayos na rin ang pag-uusap namin noong hindi na tungkol sa trabaho. Tahimik lang si Mr. Lacanillao pero hindi na siya kasing sungit kanina. Mas nakikipagbiruan pa nga ang anak nito na si Lance na hindi naman nagkakalayo ang edad sa amin. Nabanggit ni Oswald ang tungkol sa anak na babae ni Mr. Lacanillao kaya natahimik kami. Babawiin at hihingi na sana ng tawad si Oswald sa pag-o-open ng topic na iyon pero sumagot ito. “She’s gone,” pahayag pa nito. Hindi ko naman iyon masyadong pinansin dahil nakikita ko na nagnanakaw ng tingin si Lance kay Rose. Ano ang trip ng isang ito? Nakababadtrip ang mga pagtingin niya kay Rose na busy at tahimik pa rin. “Oh, I’m sorry for asking. I’m just curious.” Noong dumating na ang pagkain namin ay nagsimula na kaming kumain pero ang problema ay hindi nila isinama sa bilang si Rose. Magpapabili pa sana ng pagkain si Lance pero sinabi ko na busog pa ako kaya ibinigay ko kay Rose ang pagkain ko. Ayaw pa nga niya iyon tanggapin noong una pero pinilit ko lang siya kaya pumayag na rin siya noong nakuha niya ang atensyon naming lahat. Napansin ko na ayaw niyang nasa kanya ang sentro ng atensyon. MAYA MAYA AY NAGPAALAM na rin kami para umalis. Tatawagan nalang kami ni Lance kung kailan ang susunod na meeting. Mukhang good news naman iyon dahil hindi lahat ay nabibigyan ng isa pang meeting sa mga Lacanillao. Sana lang talaga ay tumawag sila sa amin. Babalik pa kami sa office para magtrabaho kaya nag-uusap kami ni Oswald tungkol sa mga napag-usapan namin nina Mr. Lacanillao. Hanggang ngayon ay nakatingin pa rin si Rose sa cell phone niya at halatang may hinihintay. “Rose,” I called but she is obviously not paying attention to us kaya hindi na niya ako naririnig. “Rosaleen,” pagtawag naman ni Oswald. Sinusubukan namin kung talagang may problema siya. Hanggang sa sabay namin siyang sinigawan kaya nakuha namin ang atensyon niya. “Ano po iyon?” “Kanina pa namin napapansin na parang may problema ka, is everything okay?” pagtatanong ko naman. Hindi pa siya nakasasagot sa tanong ko ay tumunog na ang cell phone niya. Hindi nga niya iyon kaagad sinagot. Kinailangan pa niyang magpaalam sa amin na sasagutin niya ang tawag kaya nagkatinginan naman kami ni Oswald. Hindi naman namin siya pinipigilan na sagutin ang tawag. Baka ayaw niyang marinig namin ang pag-uusap nila ng taong tumatawag kaya dahan-dahan pa niya iyong sinagot. “Hello. Ano na ang balita riyan?” Parang nakaririnig ako ng kaba sa boses niya. “Kumusta siya?” pagtatanong ulit niya. I wonder kung sino ang kausap niya. “Is he crying or in pain? Bakit hindi ako ang tinawagan nila? Sorry kung naabala ka pa.” Parang ito ang naging dahilan kung bakit siya hindi mapakali ngayong araw. “Puwede bang mag-stay ka sa tabi niya hangga’t wala pa ako sa ospital? Oo, pupunta na ako riyan ngayon. Sabihin mo sa kanya pupunta na ako. Thank you.” Tahimik lang ulit kami. Hindi pa rin siya mapakali. Hinihintay ko nga na sabihin niyang hindi na siya babalik sa opisina ngayon para puntahan ang kausap niya na nasa ospital. Malapit na rin naman mag-uwian kaya wala naman iyon problema. “Sorry, Sir. Pero . . . puwede po ba akong hindi muna bumalik sa opisina ngayon? M-may e-emergency lang po,” nahihiyang pagpapaalam pa niya. “Is everything okay?” I asked. “Okay lang naman daw po pero kailangan ko pong pumunta sa ospital.” “Sige, saang ospital ba? Ihahatid ka na namin.” “Hindi na. Pakibaba nalang ako sa tabi tapos mag-re-report nalang po ako sa trabaho bukas.” “Saan ang ospital? Ihahatid na kita,” I insisted. “Sa Hope Land Hospital po,” sagot naman niya. NANG MAKARATING KAMI SA ospital ay dali-dali siyang bumaba kaya bumaba rin ako at hindi ko alam kung bakit ginawa ko iyon. Nakita niyang bumaba ako kaya napahinto siya at naglakad para makalapit sa akin. “Ay, salamat pala, Sir Euan. Bukas po mag-re-report po ako sa office. Sorry po talaga, emergency lang po talaga.” Wala akong sinabi pero niyakap ko siya dahil mukhang kailangan niya iyon ngayon. Naramdaman ko naman na niyakap din niya ako. “Thank you,” she said. Kumalas siya sa pagkakayakap, tumingin sa akin at muling nagpasalamat. Hindi ko naman alam kung bakit siya nagpapasalamat samantalang hinatid ko lang naman siya at malapit lang naman ito sa dinaanan namin kanina. “I hope everything is fine. Can you at least message me if everything is okay? I just want to know,” I requested. “Your concern is enough, Euan. Everything will be okay. Thank you.” She gave me a reassuring smile before leaving to go inside the hospital. Sino kaya ang nasa ospital? Bakit siya nagmamadali? Habang nag-iisip ako ay bumaba naman si Oswald para lumipat sa harapan. “Lover boy! Tara na, may trabaho pa tayo!” Tinatawanan pa niya ako. “Siraulo ka!” “In love ka lang, ganiyan ka na sa akin!” muling pagbibiro ng kaibigan ko. Bumalik na ako sa sasakyan pero nag-message muna ako kay Rose. Narinig kong tumawa ang kaibigan ko at sinabing, “Siguro naman ay nasagot mo na ang mga tanong mo kanina? Isipin mo nga kung kailan ka huling naging ganiyan dahil sa babae. Huwag mong sabihin na hindi mo manlang susubukan maging masaya ulit?” Yup. I had an answer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD