Chapter 6

2620 Words
Euan’s POV Pumasok si Oswald sa opisina ko para manggulo. Iyon lang naman ang ginagawa niya kaya alam ko na manggugulo lang ulit siya. Malawak ang ngiti niya sa akin kaya itinanong ko sa kanya kung ano ang mayroon dahil mukhang nasa mood siya. “Bro, mas maganda ang mga ngiti mo for the past few days. Bakit masaya ka ulit? Tell me, nagkabalikan ka ba kayo ni Sharinna?” he asked, still wearing his playful smile. I told him not to wear his smile like that, it’s creepy for me. “Hindi. Gago ka talaga. Gustong-gusto mong sinisira ang araw ko ‘no?” “Parang ganoon na rin naman iyon. Single na ulit kayong dalawa pagkatapos ay nagkikita na rin kayo na madalas and she often visits you here. Ano naman ang masama kung magkabalikan kayong dalawa?” Wala naman akong sinabi na may masama sa ganoon. In fact, I like the idea of what he said. Naisip ko na baka hindi ako pinagbigyan sa panghahabol ko sa kanya noon dahil hindi pa panahon para magkabalikan kaming dalawa. “Nasa tabi niya ako ngayon bilang kaibigan niya. I don’t want to take advantage of what she felt right now. She’s vulnerable at gusto kong ipaalam sa kanya na hindi naman ako mawawala sa tabi niya. Umuwi lang naman siya rito dahil mayroon siyang mga kaibigan na napupuntahan habang nagluluksa siya sa pagkawala ng anak niya.” “What if bumalik siya na kasama ang anak niya? Magiging masaya ka pa rin ba kahit na makita mo ang anak nila? Paano kung makipagbalikan siya pagkatapos ay may anak na siya, matatanggap mo pa rin ba?” Napatingin ako sa kanya. Maraming beses ko naman pinatunayan na wala akong pakialam kung may anak si Sharinna sa ibang lalaki dahil kaya ko naman iyong tanggapin. “Alam mo naman na kaya kong tanggapin at mahalin ang anak niya. Ipinaglaban ko naman sila noon, hindi ba?” “Umaasa ka na magkakabalikan kayong dalawa? Paano si Rosaleen? Akala ko ba ay gusto mo siyang makilala? Hindi mo naman iyon babalakin kung wala kang kahit kaunting pagkagusto sa kanya. Balak mo na nga rin siyang ligawan, hindi ba?” Muli na naman niyang guguluhin ang isip ko. “Hindi ko naman naitanong sa kanya kung puwede iyon dahil dumating si Sharinna. Maybe, isa iyon sa dapat kong ipagpasalamat dahil kung naitanong ko na iyon kay Rose ay mamo-mroblema pa ako ngayon. I like her but I love Sharinna, alam mo naman iyon, hindi ba? Kaya nga hindi ko gustong umasa si Rose sa akin kasi alam ko sa sarili ko na mahal ko pa si Sharinna.” “Kung mahal mo, bakit hindi ka pa nakikipagbalikan?” I looked at him. “Ang tanong naman diyan ay kung mahal pa niya ako. Hindi ko rin talaga alam, Oswald. Ang laki yata ng kasalanan ko sa past life ko para magkaganito ang sitwasyon ko.” “s**t, may nalalaman ka pang past life ngayon!” pagbibiro naman niya. Pinag-usapan namin ang pinag-uusapan namin ni Sharinna. Sinabi ko rin sa kanya na kahit napatawad ko na siya, hindi pa rin maiiwasan na itanong sa sarili ko kung dapat na ba talaga akong maniwala kay Sharinna ngayon. Paano kung nandito lang siya dahil kailangan niya ulit ako? Paano kung umalis ulit siya kapag hindi na niya ako kailangan sa buhay niya? Kaya ko na ba talagang kalimutan ang lahat ng nangyari sa nakaraan? Pagkatapos niyang guluhin ang utak ko sa pagtatanong niya ng kung ano-ano ay pinag-usapan na namin ang tungkol sa project ni Mr. Lacanillao. Bukas na ang schedule ng visiting namin sa project site at pagkatapos noon ay magkakaroon din kami ng meeting kaya ipinaalala ko kay Rose ang pag-research niya sa background ni Mr. Lacanillao para kahit papaano ay may alam kami sa kanya. Hindi namin alam kung paano niya natuklasan ang company na ito sa Baguio City. Napag-alaman namin na sa Baguio City siya nagkaroon ng pamilya. Nag-stay sila rito pero palipat-lipat ng bahay dahil sa iba’t-ibang business. Bumabalik lang sila rito sa Baguio kapag may occasion at kapag may mga ganitong project silang aayusin. Mayaman ang pamilya niya at ngayon at dito sila nananatili sa Baguio. Tinawag ni Oswald si Rose para humingi ng impormasyon kay Mr. Lacanillao. Ibinigay iyon ni Rose kay Oswald at binasa. “Bro, may anak palang babae si Mr. Lacanillao! Baka single pa siya at ka-edad mo, irereto ko iyon sa iyo kapag nakuha ko ang loob niya,” pagbibiro pa ni Oswald. Napatingin ako kay Rose. “Rose, your surname is the same. Are you related to him?” I asked. “If we are related, I’m sure I won’t be working for this company, Sir,” she answered. Tumawa naman si Oswald dahil sang-ayon siya sa sagot ni Rose. Mukha namang seryoso si Rose kaya hindi ako nakitawa kay Oswald. Nagtanong lang naman ako pero mukhang nagsusungit pa rin siya sa akin. Sa sobrang yaman nila, maging ang apo niya ay puwedeng hindi na mag-trabaho dahil siguradong secure na ang future. Maraming company ang pinagpipilian nila sa project na ito kaya sana ay kami ang mapili nila dahil malaki ang project na ito kapag nagkataon. “Grabe naman sa yaman itong pamilya nila. Thirty two years old lang ang panganay niyang lalaki at ang babae naman ay walang nakalagay. Bakit ganoon? Walang information about his daughter?” Oswald asked as he read the documents. Mukhang mas interesado talaga siya sa babae. “You can ask him, Sir. According sa source, ipinatanggal nila ang information ng anak niyang babae na makikita sa internet dahil gusto niyang itinatanong iyon sa kanya. Sabi rin po nila, he wants to protect her daughter by not giving any information.” “Oh, kahit isang information ay wala talaga?” pangungulit ni Oswald. “Wala po,” mabilis na sagot naman ni Rose. “Interesting.” Hindi naman ako nakikinig sa kanila pero interesting ang personality ni Mr. Lacanillao. Ang alam ko lang ay sobrang strict niya sa trabaho. Ang sabi pa ng iba ay malupit siya sa trabaho kaya kahit isang mali mo lang ay siguradong matatanggal na. There’s no room for mistakes ika nga ng mga empleyado nila. Hindi naman daw siya ganoon noon pero bigla nalang nagbago. “Bakit naging interesting? Ayaw niyang ipinakikilala ang anak niyang babae pero ang panganay niya ay kilala ng lahat dahil kasama niya sa trabaho at todo training pa siya,” kumento naman ni Oswald at napatingin din si Rose sa akin na para bang hinihintay niya ang sagot sa tanong ni Oswald. “Interesting kasi kahit hindi maganda ang reputation niya as businessman dahil sa pagiging strict nito at ayaw na nagkakamali, he can still manage to protect his family. Iyon ay kung tama ang source na nakausap ni Rose at kung tama ang pagka-intindi ko. Mayaman sila at maraming masamang tao na kayang manakit para sa pera.” “Ang baduy naman. Akala ko naman, ang sinasabi mong interesting ay ang anak niya. Paano kung kilala pala natin? Paano kung si Rosaleen iyon?” pagtatanong naman ni Oswald. Nilingon ko naman si Rose na alanganing ngumiti dahil sa mga sinasabi ni Oswald. “Kung si Rose man iyon, siguradong hindi tayo makukuha kahit choices manlang nila dahil sasabihin ni Rose na sobrang tsismosa at daldal mo kaya walang nagagawang trabaho!” pagbibiro ko pa kahit na seryoso pa rin ang mukha ko. Tiningnan ni Oswald si Rose. “Bakit hindi ka umuupo, Rosaleen?” tanong pa nito. Naalala ko ang nangyari noong isang araw kaya nagtanong ako sa kanya. “By the way, are you okay, Rose?” “Bakit?” nalilitong tanong naman niya. “Last time nasugatan ka rito, hindi ba? Namutla ka pa nga. Okay ka na ba?” pag-ulit ko sa tanong. “Okay na. Sorry about that.” Hindi siya tumingin sa akin at napansin naman iyon ni Oswald kaya sinabi niya na may kukuhanin siyang document sa office niya at babalik nalang siya sa office ko kahit ang totoo ay gusto lang niya kaming maiwan ni Rose na kaming dalawa lang. Pinaupo ko siya sa harap ko para ibigay ang mga documents na dadalhin namin bukas para sa presentation kay Mr. Lacanillao. Napansin ko na titig na titig siya sa mga dokumento na ibinibigay ko sa kanya, sa tingin ko ay ginagawa lang niya iyon para maiwasan ako. “You sure, you’re okay?” I asked again. “I’m okay,” sagot naman niya. “Galit ka pa ba sa akin? Sorry sa mga nasabi ko sa iyo. Hindi ko dapat sinabi iyon sa iyo.” She exhaled, still avoiding an eye contact with me. “Okay lang naman po kung ganoon ang tingin mo sa akin, Sir Euan. Sanay naman po ako sa ganoon kaya hindi na po iyon big deal sa akin,” sagot pa niya. “Marami ka pa bang ginagawa?” pagtatanong ko pa. “Wala naman na po, Sir Euan. Aayusin ko lang po lahat ng documents na ito pagkatapos ay uuwi na po. May ipagagawa pa po ba kayo?” “No. Are you free tonight? Let’s have a dinner together.” I can’t believe I said it! Ang balak ko lang naman talagang sabihin ay ihahatid ko siya sa bahay nila dahil marami kaming ipinagawa ni Oswald kaya gusto ko lang magpasalamat. Bakit dinner ang lumabas sa bibig ko? I hope she did not misunderstood this as a date. “Hindi na po. Paniguaradong magkakaroon po tayo ng panibagong issue kapag nakita nila tayo sabay na uuwi, Sir Euan,” she joked pero halatang hindi siya komportable sa pagsasabi niya na ganoon. Mukhang sumama talaga ang loob niya sa akin. Madalas naman kaming kumakain sa labas pero kasama namin ang ibang ka-department namin. Ngayon ko lang siya inaya na kaming dalawa lang. I don’t care about the issue anymore. I’m f*****g confused if I like her because I like her or I like her because Sharinna is not around. Why do I need to be so confused? Sa ganitong paraan ba ay binibigyan ko siya ng false hope? “Don’t think about the issue, Rose. Let’s have a dinner later. Dadaanan kita sa table mo.” “Para saan po ba? Baka isipin mong patay na patay ako sa iyo kaya ka ganiyan. Alam ko naman po ang limitasyon ko, Sir Euan.” “Patay na patay? Hindi ka ba ganoon sa akin?” I joked. Balak ko na ngang bawiin ang sinabi ko pero sumagot siya ng, “Kahit na gustong-gusto kita, ayaw ko naman na isipin mo na mababang klase ako ng babae. Hindi po ako ganoon, Sir Euan.” “Rosaleen, dinner lang! What are you thinking? Hindi ko naman iyon iisipin! Hindi na ako ganoon!” It was like I’m defending myself. Alam naman sa company na ito ang dati kong kalokohan kaya sanay na rin akong nakikipagbiruan sa kanila tungkol sa nakaraan paminsan-minsan. Sadyang kakaiba lang ang charm ni Rose kapag ganoon ang ginagawa niya. “Bakit ka nagba-blush? Nagbibiro lang naman ako,” sabi pa niya sabay tawa at nagpaalam na sa akin na lalabas siya. Ibig bang sabihin ay payag na siya? Hindi na masama ang loob niya sa akin kagaya ng sama ng loob niya noong isang araw? Mali bang timbangin ko ang nararamdaman ko? It was clear that I like her before Sharinna came back to the picture. I started to be confused when Sharinna came back and told me that she’s sorry for what happened in our relationship and basically wants us to be together again. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit pinag-iisipan ko pa kung gusto kong makipagbalikan kay Sharinna kahit iyon naman ang inaabangan kong sasabihin niya sa muling pagkikita namin. Iniisip ko na baka si Rose ang dahilan ng pagkalito ko. NAKASAKAY PA RIN KAMI sa sasakyan habang naghahanap ng puwesto sa parking lot sa napili namin kainan. Tinanong ko naman si Rose kung saan niya gustong kumain pero ibinalik lang niya sa akin ang pagpili ng kakainan dahil ako naman daw ang magbabayad. “Are you . . . are you hiding that smile from me?” I asked. Napansin ko na parang pinipigilan talaga niya na ipakita sa akin ang ngiti niya. Tumingin siya sa akin. “What smile, Sir?” Umiling ako. “Come on, don’t call me Sir when we’re not in the office. I saw your smile but you’re hiding it from me,” sagot ko pa sa kanya. Kahit medyo matagal kami sa paghahanap ng parking ay hindi ako nainip dahil sadyang madaldal talaga siya. A while ago, I was worrying that she might think of this as a date. Pero parang wala na akong pakialam kung date man ang tingin niya sa ginagawa namin. Gusto ko na nga yatang iyon ang maramdaman niya. There’s part of me na gustong-gustong nakikita ang ngiti niya. Mas napatunayan ko lang na espesyal siya sa puso ko. Damn, ang corny ko pero ang ganda niya talaga. Makulit din siya sa office pero hindi ako magsasawa sa kakulitan niya. “Hindi ako nakangiti, Euan, ah. Huwag kang feeling,” pagbibiro pa niya. Hindi naman first time na tawagin niya ako sa pangalan ko pero kinilig yata ako. Crap, ang tagal kong hindi nakaramdam ng kilig. Ang bilis din magbago ng isip ko pagdating sa kanya. Concern pa ako na baka magkaroon siya ng false hope at magkaroon kami ng issue sa office pero mukhang ang gusto ko naman talaga ay hindi lang issue dahil gusto ko na maging totoo iyong tungkol sa amin. Nang makapag-park na ako ng sasakyan ay kaagad akong bumaba para pagbuksan siya ng pinto. With that, I clearly saw her smile. “See? You’re smiling. Why are you hiding that smile from me?” “Hindi ko po alam kung ano ang mayroon at bakit mo ito ginagawa pero if I’m dreaming, sana hindi pa ako magising kaagad.” Nakangiti pa rin siya habang sinasagot ang tanong ko. Napansin ko na hinahaplos niya ang braso niya dahil sa lamig ng simoy ng hangin sa Baguio lalo na at magpapasko na rin pala kaya mas lumamig ang simoy ng hangin. “Do you want me to hug you?” I unconsciously asked. Parang nahiya pa ako sa pagtatanong ko. Hindi naman ako nahihiya sa ganito pero . . . para akong tanga ngayon. Nakakagago, hindi naman ako ganito sa babae. Hindi ako nahihiya sa babae, ganoon ang pagkakaalam ko. Gaano na ba ako katagal na hindi lumabas para makipag-date? She smiles but didn’t answer my playful question. She hugged me instead of answering my question. Napangiti naman ako noong narinig ko ang nahihiyang pagtawa niya habang nakayakap sa akin. Itinaas ko ang kamay ko para yakapin din si Rose at yumuko ako para tingnan ang reaksiyon niya. Nakita kong nakatingin lang siya sa akin habang nakangiti. Maya maya ay naramdaman ko nalang na umangat siya at hinalikan ako. Hindi pa man napo-proseso sa isip ko ang ginawa niya ay humiwalay na siya mula sa pagkakayakap at naglakad na. “Euan, hindi ako ganoong klase ng babae, ah. Ipaaalala ko lang sa iyo. Iba ka lang talaga sa kanila kasi gusong-gusto kita,” sabi pa niya habang naglalakad pa rin papalayo sa akin. Naririnig ko pa ang tawa niya na halatang kinikilig. Napahawak ako sa dibdib ko. Ngayon ko lang ulit naramdaman na nagwawala ang puso ko, ah? Buhay pa pala ang emosyon ko dahil masayang-masaya rin ako. “Hoy, Euan! Ang tagal mo naman kiligin! Nagalit ka ba? Puwede ka naman gumanti sa akin, ibabalik ko ang ninakaw ko sa iyo,” dagdag pa niya sabay tawa nang malakas kaya naglakad na ako papunta sa kanya at binilisan naman niya ang paglalakad para hindi ko siya maabutan. Damn. First date palang ito, ah? Kakaibang saya na kaagad ang naramdaman ko. First time kong manakawan ng halik dahil madalas naman na ako ang gumagawa ng ganoon dati. Sabi na nga ba, iba talaga ang charm ni Rosaleen. But . . . her kiss . . . is weird. It reminds me of someone . . . someone I knew long time ago. Bakit ko ba siya naalala sa halik ni Rosaleen? Imposible naman na si Rosaleen iyon. I need to see something to confirm what I’m thinking.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD