Euan’s POV
Habang abala ako sa pagta-trabaho ay nakita ko sa labas si Rosaleen na pabalik-balik sa table niya at sa ibang puwesto kaya naman tinawag ko siya para papasukin sa opisina ko. Sumilip nga siya at sinabi na saglit lang dahil may inuutos din sa kanya ang isang supervisor sa department namin. Ang trabaho ng office staff sa bawat department ay hindi madali dahil sila ang puwedeng pakisuyuan at sumalo sa trabaho ng iba. Uunahin nila ang utos ng mga nauna bago gawin ang utos ng iba. Hindi naman mabibigat pero kapag nagkasabay-sabay ang urgent ay mahirap talaga.
Sinabi ko naman sa kanya na hindi naman ako nagmamadali kaya puwedeng mamaya nalang siya pumasok kapag tapos na ang mga utos sa kanya. Bilang department head, puwede ko siyang i-excuse sa trabaho kung kinakailangan ko siyang isama sa project site kagaya ng ginagawa namin ni Oswald. Kahit nasa department pa siya ng kaibigan ko ay isinasama na rin ito ni Oswald dahil bukod sa maaasahan ay magaling siyang mag-adjust sa trabaho.
Sinabi ko naman sa department namin na huwag na ipasa kay Rosaleen ang mga madadaling gawain lalo na kung hindi naman sila busy. Kumbaga ay hihingi lang kami ng tulong kay Rosaleen kapag loaded na rin kami o kapag may mga kailangang tawagan habang may ginagawa o nasa meeting kami.
Napahinto ako sa pag-iisp. Bakit ko nga pala kailangang ipaliwanag sa sarili ko na busy si Rosaleen ka hindi kaagad ako mapuntahan sa opisina? Napa-iling nalang din ako sa mga pumapasok sa isip ko.
Kahit na marami akong ginagawa ay hindi ko maiwasan na tumingin sa pintuan dahil sa paghihintay kay Rose. Kahit Rosaleen ang tawag ng lahat sa kanya, hindi maiiwasan na Rose pa rin ang maitawag ko sa kanya dahil nasanay pa rin ako sa ganoong tawag. Hindi naman niya ako itinama noon kaya ganoon ang pagtawag ko sa kanya. Noong nalipat lang siya sa department ko ay tsaka siya nagrereklamo na mali ang pagtawag ko sa kanya.
Muli akong napa-iling sa pag-iisip kay Rose.
Bakit ba napadadalas ang pag-iisip ko sa babaeng iyon? Am I guilty? Gusto kong humingi ng tawad sa kanya dahil mukhang nasobrahan ako sa mga salitang binitiwan ko sa kanya. Sadyang wala ako sa mood noong araw na iyon dahil sa mga naririnig na issue at dahil na rin sa biglaang pagpapakita ng ex-girlfriend kong si Sharinna.
Gusto kong itanong kung kumusta na siya pati na rin ang anak niya. Kung kasama ba niya o kung mag-isa lang siyang bumalik. Marami akong gustong itanong sa kanya pero mas magiging magulo lang ang isip ko kapag kinausap ko pa siya.
Napasabunot ako sa sarili ko.
Mukhang mas stress ako sa naiisip ko kaysa sa trabaho ko. Why am I still thinking about the possibility that she might still like me even if it was clear for both of us that she didn’t choose me? Oh, f**k, it hurts!
May kaunting puwang sa puso ko na umaasa ako na puwede na ulit kaming dalawa.
I missed her. That’s what I wanted to say when I laid my eyes on her again. Ayaw ko naman na guluhin ko rin siya. Mukhang masaya naman siya sa buhay na pinili niya kaya pipilitin at pipilitin ko pa rin na maging masaya para sa kanya.
Crap! Sumasakit ang ulo ko sa mga maiisip ko. Kanina lang ay si Rose ang iniisip ko na napunta naman kay Sharinna.
Maya maya ay tinatawagan ko si Rose para may ipahanap na files sa kanya. Mukhang nakalimutan niya na kailangan ko siya kanina pa. Sa sobrang dami na rin siguro ng ginagawa niya ay nawala na sa isip niya.
Makalipas ang ilang minuto ay kumatok siya sa opisina ko at ibinigay ang mga files na ipinahanap ko sa kanya. May hawak din siyang tasa ng kape pero hindi niya iyon ibinigay sa akin. Hinihintay ko pa naman na ilapag niya sa table ko. Hindi naman ako humingi ng kape pero madalas naman siyang nagdadala ng kape at miryenda kahit hindi ako nag-request sa kanya.
Hindi siya nakatingin sa akin pero hindi niya maitago ang gulat noong sinabi kong, “Thank you.”
Noong napansin niya na tumingin ako sa kanya ay muli niya akong iniwasan ng tingin.
“Iyon lang po ba, Sir Euan? Lalabas na po ako,” pagpapaalam pa niya.
“Wait lang,” pagpigil ko naman sa kanya para sana itanong kung para kanino ang kape na hawak niya.
Lumingon siya para itanong kung bakit at kung ano pa ang iuutos ko sa kanya. Nag-alinlangan ako kaya hindi ko nalang itinanong sa kanya.
“Nothing. Thank you,” sagot ko nalang.
Lalabas na sana siya pero naalala niya na may hawak siyang tasa kaya napalingon sa akin at naglalakad papalapit.
“Ay, sorry, Sir Euan. Muntik ko na pong makalimutan ang kape mo. Tumawag po sa akin si Sir Oswald at sinabing magdala po ako ng kape sa iyo.”
Pagkatapos niyang ilapag sa table ko ang kape ay kaagad din siyang umalis. Akala ko pa naman ay naalala niya akong ipagtimpla ng kape. Si Oswald na naman pala. Bugok talaga ang isang iyon. Lahat yata ng babaeng single ay ipapares sa akin.
Busy pa rin ako sa pagta-trabaho pero kahit maraming ginagawa, hindi nawawala sa isip ko ang pag-iwas na ginagawa ni Rose. Para akong tanga na nagdadabog sa sarili kong opisina kahit na mag-isa lang naman ako dahil pilit kong sinasabi sa sarili ko na wala naman akong dapat ika-guilty sa nasabi ko kay Rose but obviously, I felt guilty kaya muli ko siyang ipinatawag sa opisina ko.
Nang pumasok naman siya ay nahalata ko kaagad na mukhang wala siya sa mood. Hindi ko talaga naiintindihan ang mood swings ng mga babae. Maging ang kapatid kong si Michiko ay mahirap maintindihin dahil minsan ay sobrang kulit pero kapag biniro mo naman ay bigla nalang iritable sa lahat ng bagay at taong nakapaligid sa kanya.
“Sit down,” I demanded.
“Okay lang po na nakatayo ako, Sir Euan. Mas gusto niyo po na malayo ako sa inyo para hindi po tayo nagkakaroon ng issue, hindi po ba? Ayaw ko naman po na mapagbintangan niyo na naman ako sa kung anuman ang posible mong marinig sa iba na tungkol sa atin. Kung closeness po natin ang problema mo sa akin, kaya ko naman pong iwasan ang pangungulit sa iyo. Sorry po na naging issue po tayong dalawa sa opisina.” Kahit hindi siya nakatingin sa akin, ramdam na ramdam ko na nasaktan ko siya mga sinabi ko sa kanya kaya tandang-tanda niya ang mga iyon.
“Sino nga ba ako para pangarapin ang tulad mo? Isang successful na Engineer at mataas ang posisyon sa malaking company. Sorry po, Sir. Isa rin po siguro sa dahilan ng pagkakaroon natin ng issue ay dahil sa pagkaka-alam nila na . . . na may gusto ako sa iyo. Sorry po,” dagdag pa niya. Putcha! Ito ang sinasabi ni Oswald sa akin na malaking kasalanan kasi magsisimulang bumaba ang tingin niya sa sarili niya at magsisimula rin niyang ikumapara sa sarili sa iba.
By just hearing it from her, I felt really guilty. Nakuha pa nga niyang isipin na imposible na magkaroon ako ng gusto sa kanya dahil iniisip niyang mataas ang posisyon ko at successful Engineer ako. Iyon siguro ang naisip niya dahil sa mga sinabi ko. Oh, crap. That’s very wrong. I’m wrong and guilty. f**k.
“Rose,” I called but she didn’t bother to look at me. She looks at my direction but she is avoiding an eye contact which I completely understand. “I-I’m sorry. It’s my fault and I understand if you hate me for—”
Hindi niya ako pinatapos. “You know I can’t hate you,” she said.
Tumayo ako pero napansin kong bahagya siyang lumayo sa akin.
“I’m sorry sa mga nasabi ko. Sorry for comparing you to someone.”
Nagtaka ako na tumingin siya sa akin noong binanggit ko ang pagkumpara ko sa kanya sa iba. It was not my intention to compare her but I said what I’ve said for her to understand my point. I just used inappropriate and impolite words because of my stubbornness.
“Honestly, I hate being compared. Ikaw kaya ang ikumpara ko sa iba? Sa ex-boyfriend ko kaya?” Natawa pa siya noong sinabi niya iyon. “Of course, wala ka naman pakialam kaya hindi ka magiging affected. Hindi mo lang ako maiintindihan.”
“I’m sorry,” I sad again.
She exhaled. Sinabi niya na kukuhanin na niya ang tasa ng kape ko at itinanong rin niya kung ano pa ang utos ko sa kanya. Dahil naalala ko ang tungkol sa project namin with Mr. Lacanillao ay binanggit ko na rin iyon sa kanya. Hindi ko na ipinilit na pag-usapan namin ang tungkol sa sama mg loob niya dahil obvious naman na may sama pa siya ng loob at ayaw niya iyong pag-usapan.
“By the way, please do a background check for Mr. Lacanillao. I just—” Napahinto ako sa pagsasalita dahil napansin kong nakatulala si Rose. “Hey, are you okay?” I asked. Hindi niya ako pinansin kaya lumapit ako sa kanya para kalabitin at itanong kung okay lang siya pero nagulat siya dahilan para mabagsak ang hawak niyang tasa at mabasag. Sa gulat niya ay kaagad siyang humingi ng tawad at isa-isang pinulot ang piraso ng nabasag na tasa.
Yumuko ako para pigilan siya.
To my surprised, I saw tears on her cheeks but she wipe off the tears and repeatedly saying sorry for being careless. I asked if she is okay and she nodded.
“Ano ang problema, Rose? Masama ba ang pakiramdam mo? Bakit bigla kang namutla?” I asked and automatically touched her forehead to check her temperature. Bigla nalang siyang namutla kaya nakapagtataka.
“Sorry, Sir Euan. Hindi ko po sinasadya. Ako na po ang maglilinis nito.” Muli na naman niyang pinulot ang basag na tasa kaya nasugatan pa siya. Dumugo pa ang mga daliri niya kaya hinila ko siya para tumayo.
Pinaupo ko na siya, nagpatawag ako sa iba ng maglilinis ng nabasag na tasa at nagpakuha ng gamot para sa kanya. Napagalitan ko pa siya habang hinihintay namin ang mga ipinatawag ko.
“Sinabi ko naman sa iyo na huwag mong pulutin. Bakit ka ba namumutla? Wala ka namang lagnat. Masyado ka bang napagod ngayong araw? Sinabi ko naman sa inyo na huwag isasagad sa pagod ang katawan.”
“Ginawa ko lang naman iyon to distract myself and forget what you said.” Straight forward siyang sumagot. Mukha na nga siyang independent woman, mukha rin siyang palaban. Kaya niyang sabihin nang harapan sa akin na gusto niya ako at kaya niyang iparamdam sa akin kapag masama ang loob niya. Kagaya ng sagot niya sa akin ngayon, kaya niyang sabihin kung ano ang totoo. Napa-isip ako kung ano ang hindi niya kayang sabihin nang diretso, iyon ay kung mayroon man.
“Sorry about that, Rose. Alam ko naman na nasaktan ka. Let me make it up to you, are you—” I was about to ask her to have a dinner with me. In that way, gusto kong maramdaman niyang sincere ako sa paghingi ng tawad at alam ko ang naging pagkakamali ko. I was actually want to ask if she will agree if I ask her to have a date with me. Sa company na ito, hindi issue sa kanila kung magkaroon ng karelasyon sa isang department, as long as hindi maaapektuhan ang trabaho ay wala naman silang restrictions sa personal na buhay.
Naisip ko na hindi naman ako ganito sa lahat ng babae o empleyado sa company na ito. Hindi na ako nag-o-over think kapag may ganitong pagkakataon. Minsan nga ay hindi naman ako nakararamdam ng guilty sa iba kapag napagsasalitaan ko sila. Naisip ko na baka iba na itong nararamdaman ko kay Rose so I want to know her.
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil kasabay ng pagpasok ng mga ipinatawag ko ay ang siya ring pagpasok ni Sharinna. Nakangiti nga itong pumasok at hinalikan ako sa pisngi bilang pagbati. Nabigla ako sa ginawa niya pero hindi ko alam kung bakit kailangan kong tingnan si Rose. Hindi nga ito nakatingin sa amin ni Sharinna.
“Sharinna, we talked, right? What do you want?” I asked. I tried to whisper but I’m not sure if people inside my office didn’t hear the irritation on my voice.
“Yes, Euan. We talked, right? Let’s have a dinner tonight. You can’t say no! Ikaw lang ang pinuntahan ko rito kaya sana pumayag ka. Kung busy ka, hihintayin kong matapos ang trabaho mo o we can have our dinner in your office just like before.” She smiled at me.
We excuse ourselves. Hinawakan ko siya para sabay kaming lumabas sa opisina ko. She is acting so weird.
Habang naglalakad kami, sinasabi ko kay Sharinna na huwag siyang basta-bastang nagpupunta sa office ko dahil ayaw ko na magkaroon sila ng problema ng nobyo niya. Napahinto ako noong sinabi niyang, “We broke up.”
Humarap ako sa kanya. I clearly saw sadness on her eyes that she’s hiding with her smile. I didn’t know what to feel. She is sad because they broke up . . . and it f*****g hurts my ego.
“How’s your . . . b-baby?” I asked. Nag-hesitate pa ako pero ipinagpatuloy ko dahil gusto kong malaman kung bakit sila naghiwalay. She chose the f*****g guy over me and he just let her go like that? Such a f*****g asshole! Hindi maiiwasan na mapamura ako sa tuwing naaalala ang lalaking iyon. Isa lang ang hiniling ko sa kanya, na huwag niyang sasaktan si Sharinna, pero hindi pa niya nagawa. Sumuko ako sa paghahabol dahil makapal ang mukha niyang mangako na hindi sasaktan ang babaeng mahal ko.
“Our . . . our . . . baby . . . died.” It was hard for her to say it but she managed to finish her sentence. After that, she hugged me and cried. She said what she felt and cried in my arms.
You know what I realized while she hugged me and cried in my arms?
I forgot that I was about to ask someone to go out with me.
I totally forgot about Rosaleen.
Fuck. I am so f*****g confused.