Chapter 4

2042 Words
Euan’s POV Akala ko ay magbabago ang pakikitungo ni Rosaleen sa akin kapag lumipas na ang mga araw na hindi namin pag-uusap. Akala ko ay babalik din ang pagiging makulit niya pero halos napansin ng lahat na hindi na siya madaldal at talagang hindi na rin gumagala sa ibang table para makipag-usap. Madalas ay nakaupo lang siya sa table niya at tatayo lang kapag kinakailangan at kapag ipinatatawag ko. Hindi na rin niya ako kinakausap tungkol sa ibang bagay, palaging trabaho ang pinag-uusapan namin. Hindi na rin niya ako binibigyan ng kape kapag hindi ako nanghihingi. Wala na rin ang pagpapaalala niya na lunch o break time dahil hindi ko iyon napapansin kapag maraming trabaho. Why am I thinking too much? This is what I wanted, right? Bakit parang naninibago naman ako ngayon sa kanya? Bakit pakiramdaman ko ay hinahanap-hanap ko ang ginagawa niya noon? Nagrereklamo sa akin si Oswald dahil ayaw sumama sa amin ni Rosaleen sa isang site na pupuntahan namin. Maging ako ay nagtataka dahil noon ay sasama siya kahit na wala siya sa list ng mga dapat naming isama. Flexible naman siya sa trabaho at kayang-kaya niya ang mga ipinagagawa namin sa kanya. Magkasama kami ni Oswald sa isang project dahil malaking kumpaniya ang kliyente na kinakailangan pang dalawang department ang magsama sa project na ito, ganoon iyon kalaki. Ang idinadahilan ni Rosaleen ngayon ay marami kaming tambak na paper works, totoo naman iyon kaya naiintindihan ko kung ayaw niyang sumama ngayon dahil may iba naman kami na puwedeng isama pero makulit si Oswald. Alam niyang mas mapadadali ang pakikipag-usap namin sa kliyente kung kasama ang charm ni Rosaleen. Magaling siyang makisama at napapansin iyon ng mga kliyente namin, kumbaga ay lucky charm nga talaga siya. Kaya ngayon ay ako ang kinukulit ni Oswald dahil kasalanan ko raw ang pag-iwas ni Rosaleen. Puwede naman talagang tumanggi kung ayaw niyang sumama. Kumbaga ay extra na kita ito pagkatapos ay may allowance pa kaya marami naman ang gustong pumalit kay Rosaleen, ayaw lang ni Oswald na iba ang isama namin ngayon. Ang kulit din talaga ’no? “Bro, ano na naman ba ang ginawa mo kay Rosaleen? Dati ay namimilit pa sa akin na isama siya kapag kasama ka sa project site samantalang ngayon ay ayaw niyang sumama at sigurado ako na ayaw niyang sumama ngayon dahil kasama ka. LQ ba kayo?” I looked at him. “What’s with the LQ? It’s only for lovers.” “Napakasama mo talaga,” kumento pa niya. What? Hindi naman kami lovers para magkaroon ng quarrel. May mali ba sa sinabi ko at nasabihan pa niya akong masama? May nalalaman pa siyang LQ, hindi naman apektado ang trabaho namin. “Hindi ko maintindihan kung bakit ganiyan ang pakikitungo mo kay Rosaleen kahit gusto mo naman siya. Akala ko nga ay liligawan mo na siya dahil iyon naman ang plano mo, hindi ba? Dahil ba sa pagbabalik ni Sharinna kaya nagbago na rin ang isip mo?” “Sharinna has nothing to do with this. Nakapaninibago ang pagiging tahimik niya pero ganito naman katahimik ang buhay ko sa trabaho noong hindi pa siya nililipat sa department namin.” Tumawa si Oswald. “Ang sabihin mo ganiyan ka-boring sa work place at department mo.” May mga pagkakataon na isinasama ako ng iba kapag lalabas sila pero mas madalas ang pagtanggi ko sa kanila kaysa sa pagsama. Inaalala ko rin ang mga kapatid ko, kahit malalaki na iyon ay sakit pa rin sa ulo dahil pasaway at hindi naman puwede na madalas ang paglabas ko. “Pero seryoso, hindi mo manlang ba namimiss ang pangungulit niya sa iyo? Baka bigla kang magselos kapag ibang lalaki na ang kinukulit niya. Ikaw rin, Euan. Hindi mo alam na baka ang babaeng mapapangasawa mo na pala ang ginaganiyan mo,” dagdag pa niya. Panandalian kaming natahimk na dalawa habang hinihintay niya ang sagot ko. Lumapit pa siya sa akin para ipaalam na naghihintay pa rin siya ng sagot ko. “Namimiss ko din naman,” sagot ko naman. Napamura pa siya sabay hampas sa table ko dahil alam naman daw niya na iyon ang isasagot ko. Mukhang agree ako ngayon na boring akong tao at mas naramdaman ko ang pagiging boring ko dahil wala na ang nangungulit at nag-iingay. Kahit naman maingay si Rosaleen, napatatawa naman niya ako. Mas ipinamukha pa ni Oswald sa akin na boring ang ginagawa ko ngayon dahil nakuha pa niyang ikumpara iyon sa buhay namin noon. Dati pa naman iyon noong wala pa kaming responsibilidad na mabigat kung hindi mag-aral at maka-graduate. Boring bang maituturing ang pagiging responsable ngayon? Pinag-iisip na naman niya ako samantalang ayaw lang naman sumama ni Rosaleen sa isang project na ito dahil valid naman ang reason niya na tambak pa siya ng trabaho. “Sinasabi ko na nga ba! Bro, you like her. Bakit ang harsh mo sa kanya? Bakit ka nagpipigil? Ano ba ang problema mo? Torpe ka na ba ngayon?” Sunod-sunod ang mga tanong ni Oswald. Napa-iling nalang ako sa mga sinasabi niya. “Bumalik ka na sa opisina mo, Oswald. Magtrabaho na tayo.” Ginaya niya ako dahil nakita ko na umiling din siya imbes na tumayo ay bumalik sa opisina niya. Mukhang napamahal na siya sa opisina ko ’no? “Kaya ka hindi magkaka-asawa dahil ganiyan pala ang ginagawa mo. Gusto mo naman siya at lumalapit na siya sa iyo pero itinataboy mo pa. Grabe ka, Bro. Magpakalalaki ka nga. Kung alam mo naman na nasaktan mo si Rosaleen, alam mo naman siguro kung paano humingi ng tawad, hindi ba?” Hindi ko matandaan kung kailan pa naging matino si Oswald. Kung pagsabihan ako, akala mo ay hindi nagpa-iyak ng mga babae dahil sa kagaguhan niya. “Bakit ko siya masasaktan? Hindi ko naman siya pinapaasa, ah?” “I was not talking about that, Euan. Hindi ka naman nakalilimot na iparamdam sa kanya na wala kang gusto sa kanya kahit alam naman nating dalawa na siya ang tipo mong babae. Hindi nga rin kita maintindihan, bakit parang natotorpe ka sa kanya? Huwag mo sabihin na nadala ka na dahil sa nangyari sa inyo ni Sharinna? Si Sharinna na naman ba, Bro?” “Bumalik ka na sa opisina mo,” pag-ulit ko sa kanya. Ayaw ko naman na pag-usapan pa namin ang nakaraan namin ni Sharinna. “Kahit ganoon ang pag-trato mo kay Rosaleen, hindi naman siya tumitigil sa pagpaparamdam sa iyo na gusto ka niya. Bro, Rosaleen is basically courting you. Alam ko na ayaw mo ng ganoon. Iyon ba ang dahilan kung bakit ayaw mo na sa kanya? Ang babaw mo naman kung ganoon. Bro, babae si Rosaleen pero kung kausapin at sigawan mo kapag pagod ka sa trabaho ay hindi katanggap-tanggap. Isipin mo nga kung si Michiko ang makaranas ng ganiyan? Sa tingin mo ba ay matutuwa ka? Bakit ba sa kanya ka nagagalit kapag marami kang trabaho? Bakit maging ang pagbabalik ni Sharinna at sama ng loob mo sa iba ay kay Rosaleen mo ibinabaling?” Tumayo si Oswald bago ipagpatuloy ang sinasabi niya sa akin. “Bukod sa paninigaw mo sa kanya, nakuha mo pa siyang ikumpara kay Sharinna. Hindi naman actually comparison ang naging problema but the way you told her about that comparing issue, sa tingin ko ay ipinamukha mo sa kanya na wala siyang laban kay Sharinna. Hindi man ganoon ang gusto mong iparatinh sa kanya, iyon ang iisipin niya dahil sa mga sinabi mo.” Magsasalita pa sana si Oswald pero narinig kong kumatok si Rosaleen. Isa pa sa ipinagbago niya ay hindi niya binubuksan ang pinto ng opisina ko kapag hindi ako tumango o sumagot sa pagkatok niya. Samantalang noon ay ginagawa pa niyang biro sa akin ang biglaang pagbubukas niya ng pinto. “Nakikita mo ba ang mga mata niya? Nawala kaagad ang sigla. Salamat sa iyo, ah? Sana hindi nalang siya nalipat sa department mo. Ihahanap ko siya ng lalaki na karapat-dapat sa kanya kaysa sa iyo na sobra na nga kung magsalita ay grabe pa magtaboy. Hindi naman tayo ganiyan kasama sa mga babae noon, ah? Bakit parang mas lumala ka ngayon? Hindi ko alam kung natatakot kang magmahal ulit o sadyang ganiyan ka talaga sa iba,” pahabol pa niya pero dineadma ko lang dahil tiningnan ko si Rosaleen at sinabihan na pumasok na siya. May ipinatong lang siyang documents sa table ko pagkatapos ay magpapaalam na sana pero kinausap ni Oswald. “Rosaleen.” “Yes, Sir?” “Ayaw mo ba talagang sumama sa amin bukas?” Kaagad naman siyang umiling. “Sorry talaga, Sir Oswald. Alam mo naman po na sasama ako kung kaunti lang ang ginagawa ko. Baka pumalpak pa po ako kapag pinagsabay-sabay ko ang mga trabaho.” “Kailan ka ba pumalpak? Parang hindi ko naman alam kung paano ka magtrabaho. Siguro ay subsob ka palagi sa trabaho kaya hanggang ngayon ay wala ka pang boyfriend.” Nakuha pang biruin ng kaibigan ko si Rosaleen. Mukhang ipinaririnig lang niya sa akin ang ganitong usapan. “Sir Oswald naman, idinamay mo pa po ang pagiging single ko.” Natawa siya nang bahagya noong sinabi iyon. Halatang pilit ang tawa niya. Teka . . . paano ko naman nalaman ang totoong tawa at pilit na tawa niya? “Parehas pa kayo ng sinasabi ni Euan. Hindi ka ba talaga sasama?” Nangungulit na siya kay Rosaleen. Ano kaya kung ano ang magsabi na sumama na siya? Kung tutuusin ay puwede ko naman siyang tulungan sa mga dokumento na nakatambak sa kanya. “Hindi po muna, Sir. Pasensiya na po,” sagot ulit ni Rosaleen. “Kahit si Euan pa ang mag-invite sa iyo?” Nilingon niya ako kaya tiningan ko siya nang masama sa pagbanggit niya sa pangalan ko. Idinadamay na naman niya ako. Lumingon si Rosaleen sa akin kaya nagkaroon ng chance si Oswald na panlakihan ako ng mata at sabihin na ayain ko si Rosaleen. “Sumama ka sa amin bukas,” sabi ko sa kanya. Nagmukhang command ang sinabi ko kaya sumagot siya ng, “Ah, sige po.” Halata naman na nagdadalawang-isip pa niya. “Ang bilis mo naman pumayag kay Euan! Noong isang araw pa kita sinasabihan pero palagi mo akong tinatanggihan, ah?” pagbibirong muli ni Oswald. “Sorry, Sir. Malapit na po ang evaluation. Baka ibagsak naman niya ako, mahirap na po kung mababawasan ang bonus ko.” Tumawa nang malakas si Oswald. Saglit na nag-usap pa ang dalawa dahil parehas naman silang madaldal. Lumapit ulit sa akin si Oswald noong nakalabas na si Rosaleen sa opisina ko. Siniguro pa niya na nakalayo na ito sa amin bago ulit ako kausapin. “Isang sabi mo lang sa kanya, napasama mo na. Ang galing mo talaga, Euan,” pagbibiro pa niya sa akin. Naalala niya na may pinag-uusapan kami kanina bago pumasok si Rosaleen kaya ipinapatuloy pa niya ang sinasabi niya kanina. Akala ko pa naman ay tapos na siya sa sinasabi niya. Sobrang dami niyang sinabi pero hindi pa pala tapos ang naging pag-uusap namin. Malaki ang ipinagbago niya noong nagkaroon siya ng anak. Tatay na tatay na talaga ang mga payo niya sa akin at para mapa-isip ako ay palagi niyang isasama ang mga kapatid ko sa usapan. “Hindi pa pala tayo tapos sa usapan na ito? Ano ba ang ipinupunto mo, Oswald? Bakit apektado ka masyado sa ginagawa ko kay Rosaleen?” pagsisimula ko. “Tama ka naman na gusto ko siya pero hindi ko rin maintindihan kung bakit nagbago iyon noong dumating si Sharinna. Isang sampal sa akin ang pagbabalik ni Sharinna na parang wala kaming pinagdaanan noon at hindi maalis sa isip ko na posible iyong gawin ng ibang babae sa akin . . . posible iyong gawin ni Rosaleen sa akin. Duwag kung duwag pero tangina hindi biro ang pinagdaanan ko makalimutan ko lang ang sakit na ipinaramdaman niya sa akin.” “Maniwala ka, naiintindihan kita. Tingnan mo nga, nakuha mo pa siyang husgahan at pagdudahan dahil sa mali ng ibang tao sa iyo. Tama ba iyon, Euan?” Naiintindihan ko rin naman siya. Sumobra nga ako sa mga sinabi ko kay Rosaleen. “Isang malaking kasalanan sa mga babae ang ikumpara sila sa iba. Kahit naman siguro ikaw ang ikumpara sa ibang lalaki at negative comments pa ang maririnig mo ay hindi ka matutuwa. I mean, she has her own style and confidence but it became different when you start comparing her with others. She might think that there’s always someone who is better than her. She might start comparing herself to others too . . . and that’s a bad thing. No one deserves to question someone’s worth.” I realized that Oswald is actually right.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD