Euan’s POV Maaga kong sinundo ang mag-ina ko para mas marami kaming oras na magkasama buong araw. Pagkatapos ng dinner ay umuwi rin naman kami kaagad pero kausap ko pa rin sila dahil hindi raw makatulog si Tovee sa pagkasabik sa mga pupuntahan namin bukas. Wala pa naman akong ipinangakong pupuntahan namin pero paulit-ulit niyang sinasabi na excited na siya hanggang sa nakatulog na rin naman siya at si Rosaleen naman ang kinausap ko. Binibiro pa nga niya ako na masyado akong nagpapahalata na nag-aalala sa isasagot niya. Nagtatanong pa nga kung wala ba akong tiwala sa kanya. Kaya kagabi rin ang tuluyan naming napag-usapan ang tungkol sa kasal namin. Hindi lang basta kasal ang pinag-usapan namin dahil kasal namin iyon. Nagtatanong ako sa kanya kung ano ang klase ng kasal na gusto niya. Sin

