Euan’s POV Hindi na bumalik si Rosaleen sa bahay dahil gusto niya na mas maging maayos sila ng Dad niya at hindi ko naman tututulan ang ganoong bagay. Nagkakaroon pa rin naman kami ng family day at kung minsan nga ay kasama namin ang pamilya niya kaya ramdam ang pagiging isang pamilya namin nina Lance, Mr. Lacanillao, Michiko at Jiro kaya sobrang kumulit lalo ang anak ko. Solo pa niya ang atensyon naming lahat dahil hindi pa naman nanganganak ang asawa ni Lance. Ngayon nga ay naghahanap pa rin ako ng trabaho pero tumawag sa akin si Mr. Lacanillao. Kailangan daw ulit naming mag-usap dahil sa pinag-usapan namin noong mga nakaraang araw. Sa dalas naming nag-uusap ni Mr. Lacanillao, ngayon lang ako kinabahan dahil gusto niyang puntahan ko siya sa kanyang opisina. Kinakabahan man ako ay wala

