Euan’s POV “Gusto mo bang maghiwalay na lang tayo?” Ganiyan ang salubong sa akin ni Rosaleen noong nagising ako ng gabi mula sa pagkakatulog ko. Hindi kaagad kami nakapag-usap kanina dahil hindi pa maayos ang pakiramdam ko at hindi pa ako makabangon. Nakatayo lang ako ngayon dahil medyo maayos na ang pakiramdam ko. Hindi nila ako hinayaan na umuwi dahil nga sa lagay ko kaya ipinaalam na lang nila sa mga kapatid ko na ipagagamot nila ako. Ngayon ko nga lang naranasan na magpa-doktor kahit nasa bahay ay nakahiga sa kama. May nagbibigay sa akin ng pagkain at pinupuntahan ako ni Tovee. But most of my time was spent on sleeping. Gusto kong gumaling para makausap ko na si Rosaleen. “Rosaleen, pag-usapan natin ang problema. Hindi solusiyon ang pakikipaghiwalay.” Tumabi ako sa kanya. Nakaupo

