Euan’s POV Nagising ako na sobrang bigat ng pakiramdam ko, halos hindi ako makahinga at makagalaw sa puwesto ko. Bahagya kong idinilat ang mga mata ko noong naramdaman kong may gumagalaw sa kama. Nanlaki ang mata ko noong nakita kong nakahiga sa braso ko si Rosaleen at medyo nakayakap siya. Mas lalo akong hindi nakagalaw. Nandito pa pala ako sa bahay nila at hindi nakauwi! Ang naaalala ko ay usapan lang namin kagabi na patutulugin si Tovee pagkatapos ay uuwi na ako. Gusto ni Tovee na katabi kami ni Rosaleen kaya pinagbigyan namin at pinagitnaan namin siya. Nag-uusap pa nga kami ni Rosaleen noon dahil dumadaldal pa rin si Tovee pero hindi ko namalayan na nakatulog na rin ako at hindi nakauwi. Gusto ko sana siyang gisingin pero mahimbing na mahimbing ang tulog niya kaya pinagmasdan ko na

