Euan’s POV Simula noong araw na iyon ay palagi ko na pinupuntahan si Tovee. Hindi naman sumasama sa amin si Rosaleen kapag lumalabas kami dahil naghahanap siya ng bagong trabaho. Sinabi ko sa kanya na itatanong ko kay Michiko kung mayroong vacant sa flower shop na pinagta-trabahuhan niya pero hindi pa rin tumitigil sa pag-alis kaya hindi pa rin namin siya nakasasama sa paglabas. Maingat ako sa trabaho dahil napapansin ko na pinag-iinitan ako ni Mr. Lacanillao o baka pakiramdam ko lang iyon. Kapag may pumapalpak sa trabaho ay palaging ako ang pinatatawag ng boss namin. Sa ngayon ay nabibigyan ko pa ng solusyon ang mga bagay-bagay pero alam kong dadating ang araw na kakailanganin kong umalis sa trabaho ko. Kung ano man ang mangyari ay pinaghahandaan ko naman iyon. Bahala na lang, ang mahal

