Euan’s POV Naging mas malaking issue ang pagpapasa ni Rose ng resignation letter pati na rin ang pagtatago ng matataas na tao sa kumpaniya ang tungkol sa identity niya. Pumapasok pa rin naman siya at naghihintay ng sagot sa mga nakatataas kung tatanggapin nila ang resignation ni Rose o kung pag-uusapan pa nila iyong mabuti. Wala namang maituturing na matalik na kaibigan si Rose sa opisina at ang ilang tao na maitituring na kaibigan ay walang alam tungkol sa pamilya niya. Sinasabi lang daw ni Rose na malayo siya sa pamilya niya pagkatapos ay umiiwas na sa ganoong usapin. Kung totoo na anak siya ni Mr. Lacanillao, ibig sabihin ay hindi maayos ang samahan nila at ganoon nalang talikuran ni Mr. Lacanillao ang pagiging ama kay Rose para ituring siyang patay nito. Rose is aware about the fus

