Euan’s POV Hindi ko inaasahan na pagkatapos ng nangyari kanina ay pupuntahan niya ako sa opisina. Hindi ko rin inaasahan ang pag-iwas ni Rose sa akin. Nakalipat na siya sa department ni Oswald at parang hindi na niya ulit ako kilala, gusto ko sana siyang kausapin pero nag-message siya sa akin at sinabi niya na wala naman akong dapat ika-guilty sa mga nangyari dahil alam naman niya na iba pa rin ang mahal ko. I apologized again and she accepted it. Mas lalo lang akong na-guilty sa nagawa ko sa kanya. Sinabihan ko si Sharinna na busy ako kaya sinabi naman niya na maghihintay siya at naupo. Halos magdadalawang oras na pero wala akong nakikitang pagrereklamo o pagka-inip sa kanya samantalang noon ay napaghihintay ko lang siya ng ilang minuto ay pinagtatalunan na namin. Hindi ko naman hinilin

