Euan’s POV It’s our family day today! Nakabalik na sina Rosaleen sa bahay ni Dad noong umuwi na rin ito mula sa pagkaka-ospital. Kahit na naka-wheel chair si Dad ay gusto niyang dumalaw kay Tata Carding at siya mismo ang nanghingi ng tawad sa pamilya nito. Noong nakita kong ginawa iyon ni Dad ay alam kong tuluyang bumalik ang Dad na hinahanap ni Rosaleen. Nakilala man siya sa pagiging istrikto ay hindi maitatanggi na mahal niya ang mga empleyado niya kaya lahat ng nadamay at nawalan ng trabaho noong kailangan nila iyong gawin para mahuli ang taong nagnanakaw ng pera sa kumpaniya niya ay ibinalik niya ang mga ito at ang iba naman ay binigyan ng tulong. Hindi siya nakalimot na humingi ng tawad at araw-araw na ipaalala na ang mga masasakit na sinabi niya ay parte ng pag-arte upang hindi mak

