Euan’s POV Hindi ko inaasahan na ganoon ang magiging reaksiyon ni Tovee pero masaya ako na gusto niya na maging presentable sa paningin ko, kahit hindi naman siya maligo ay guwapo at mabango naman siya. Nasa lahi naman namin iyon. Ang yabang ko ’no? Totoong guwapo ang anak ko, manang-mana sa pagiging guwapo ko. Sobrang higpit nga ng yakap niya sa akin at paulit-ulit niya akong tinatawag na Daddy na masarap naman pala sa pandinig. Totoo pala ang lukso ng dugo, mahilig ako sa bata pero kakaiba ang naramdaman ko kay Tovee dahil naging concern kaagad ako sa kanya kahit hindi naman talaga kami magkakilala. Napag-usapan din namin ni Rose na pag-uusapan namin ang nangyari noon dahil hindi ko naman maalala kung paano namin nabuo si Tovee, hindi naman detalye na iyon ang pag-uusapan namin. Kung s

