Chapter 3

1131 Words
TUMINGIN si Helena sa basurahan upang hanapin ang kanyang resume na piniritas. Oo, masakit ang nangyari, ngunit wala siyang oras para magmukmok. Ang kailangan niyang isipin ngayon ay kung saan siya makakatulog sa gabing iyon. Nang bigla, may isang kamay na nakalahad sa kanyang harapan. Hindi niya ito tinanggap agad. Tumayo siya at tumingin sa lalaking nakangiti sa kanya, na maputi at may pulang labi. "Sorry sa inasal ng pinsan kong si Harley Montenegro. Badtrip lang siguro siya kaya gano’n. I’m Vincenciuz," sabi ng lalaki habang iniaabot ang kamay niya. Tiningnan ni Helena ang kamay ni Vincenciuz at mabilis itong tinanggap. "Helena po," sagot niya. "Salamat, pero kailangan ko nang umalis." Luminga-linga si Helena sa paligid at nakita niyang bumalik na sa dati ang eksena sa likod. Nawala na si Mix at ang babaeng tumawag sa kanya kanina. Nakita niya si Mr. Harley Montenegro na umiigting ang panga habang kausap ang mga security guard at isang mukhang importanteng tao. Nakapamaywang siya at tumatango sa kanila. "Huwag ka munang umalis," pigil ni Vincenciuz na may mahabang buhok. Pamilyar si Helena sa lalaki. Hindi niya lang alam kung saan niya ito nakita, pero namumukhaan niya ito. Nang humalukipkip, napagtanto niyang isa itong modelo. Nakita na niya ito sa isang billboard sa EDSA noon. Tumitig siya sa mga matang may dayuhang kulay—blue o green, hindi siya makapagdesisyon. Kumunot ang noo ni Helena sa lalaki. "Kailangan ko pong maghanap ng matutuluyan at trabaho. Kung wala po dito, kung gano’n, kailangan ko nang umalis," sabi niya bago siya mapigilan ng sarili. Ngumiti ang lalaki na may mahabang buhok. "Tanggap ka na dito. What do you want? Be a janitress or a clerk?" "May options po ako?" medyo nagulat si Helena sa sinabi ng lalaki. Tinikom ng lalaki ang kanyang bibig at tumingin sa relo bago nagsalita ulit. "Janitress then. We need some janitresses." Huminga si Helena nang malalim. Legit ba ito? Totoo bang tanggap na siya? Bakit parang hindi? Napatingin siya kay Mr. Montenegro. Hindi siya sigurado, pero pakiramdam niya siya ang amo dito. Montenegro Group of Companies nga naman ang kompanyang ito. Kung hindi siya ang amo, siya siguro ang may-ari? Hindi niya alam. "May pipirmahan po ba akong... uh, kontrata?" tanong niya, dahil pakiramdam niyang mas totoong natanggap siya sa trabaho kapag gano’n. Alam niyang mukhang tinanggap lang siya dahil sa awa at sa nangyari sa kanya kanina. Ganunpaman, wala na siyang pakialam kung paano siya natanggap. Ang importante ay natanggap siya, may trabaho na siya, at mag-aadvance kung pwede para may ihulog sa one-month advance na madalas ay patakaran sa mga apartment, dormitoryo, o kahit anong pwede niyang matuluyan sa mga susunod na buwan. "Meron," ngiti ni Vincenciuz. "Actually, you may start now. We need more janitresses." Siniko ni Vincenciuz ang lalaki at medyo ngumiwi ang lalaki sa kanya. Kumunot ang noo ni Helena sa mga inaasta ng dalawa. "Mawalang galang na po, pero pwedeng bukas na lang ako magsimula?" nahihiya niyang tanong. Nahihiya si Helena, kaso sa sitwasyon niya ngayon, wala na siyang magagawa. "Bakit?" kunot ang noo ng lalaki sa kanya. "Kailangan ko kasing maghanap ng matitirhan," sagot niya. Nagkatinginan ang lalaki na may mahabang buhok at si Vincenciuz. Ngayon hindi na sigurado si Helena kung totoo ang pinagsasabi nila. Mapagkakatiwalaan ba ang mga ito? Pinasadahan niya ng tingin ang lalaki na may mahabang buhok. Pareho sila ni Vincenciuz na naka-long sleeve na nakatupi hanggang siko. Ano ba sila dito sa kompanya at bakit imbes na ang mga HR ang kumakausap sa kanya, sila ang kumakausap? "I’ll talk to Harley. You can probably stay in his apartment na pinauulahan niya," sabi ni Vincenciuz. "S-salamat po, S-sir." PAGSAPIT NG UMAGA, ang kanyang unang araw sa Montenegro Group of Companies, nagising si Helena ng maaga, ramdam niya ang halo-halong kaba at pag-asa. Nagbihis siya ng maayos at naglakad patungo sa opisina, puno ng determinasyon na magsimula ng bago. Pagdating niya sa building, tinanong siya ng security guard kung anong kailangan niya. Nang ibigay niya ang kanyang pangalan, tinuro siya sa reception area kung saan siya ay inabutan ng isang pass at mga basic instructions. Ang lobby ng opisina ay abala sa mga taong nagmamadali, at agad na natunton ni Helena ang reception area kung saan sinalubong siya ni Ms. Angela Reyes, ang kanyang supervisor. "Good morning, Helena. Welcome sa Montenegro Group. Ipapakita ko sa iyo ang mga lugar na dapat mong linisin at ang mga gagawin mo sa bawat isa," sabi ni Ms. Reyes habang naglakad sila patungo sa maintenance area. Ipinakita ni Ms. Reyes kay Helena ang mga lugar na dapat niyang linisin—mula sa mga cubicle ng mga empleyado, conference rooms, hanggang sa executive offices. Ang bawat lugar ay may kanya-kanyang estilo at pangangailangan. Habang nag-iikot sila, napansin ni Helena ang mga empleyado na abala sa kanilang mga gawain—ang mga nagmamadali sa mga meeting, ang mga nagtatrabaho sa kanilang mga desk, at ang mga abala sa telepono. Sa tanghalian, nagkaroon ng pagkakataon si Helena na makipag-chat sa iba pang mga empleyado sa staff lounge. Napansin niyang may mga tingin at bulung-bulungan na nagpatuloy sa bawat galaw niya. Kahit na nagpakilala siya ng maayos at tinanggap ng ilan, may ilan ding tila hindi siya gusto. Pagdating ng hapon, pumasok si Helena sa isang executive office para maglinis. Tila naging paborito niya ang opisina ni Mr. Harley Montenegro, ang mataas na opisyal na ang presensya ay tila nagbigay ng tensyon sa paligid. Sa kanyang pag-aayos, narinig niyang nagkakaroon ng matinding pag-uusap si Mr. Montenegro sa isang conference room. Ang pag-uusap ay nagiging masigla at tila may kasamang argumento. Nang matapos siya sa paglinis ng opisina, pumasok siya sa conference room upang kunin ang ilang kalat. Nakasalubong niya si Mr. Montenegro na tila nagmamadali at napansin niyang hindi ito mukhang masaya. Nagsimula siyang maglinis ng mga mesa nang bigla siyang tinanong ni Mr. Montenegro na tila may pagkairita. "Helena, anong oras ka ba natapos dito? Hindi mo ba alam na may schedule tayo sa conference room na 'to?" tanong ni Mr. Montenegro, ang kanyang boses ay puno ng poot at pagkairita. Nagulat si Helena sa biglaang tanong. "Pasensya na po, Mr. Montenegro. Hindi ko po alam ang schedule. Inaasikaso ko lang po ang mga kalat." "Well, you should've known better. Ang mga ganitong bagay ay dapat alam mo na bago pa mangyari ang mga ganito," sagot ni Mr. Montenegro na may halong pang-iinsulto sa tono. Napalunok si Helena, ngunit pinilit niyang manatiling kalmado. "I’m sorry po kung nagkaroon ng abala. Susubukan ko pong maging mas maingat sa susunod." Nakita ni Helena ang pagsimangot ni Mr. Montenegro at ang hindi magandang tingin nito sa kanya. Ang mga empleyado sa paligid ay tila nagmamasid sa nangyayari, ang ilan sa kanila ay tila hindi na rin nagugustuhan ang tensyon sa pagitan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD