Kabanata 89

1805 Words

Tatlong araw na simula noong natapos ang competition at tatlong araw na rin na nananatili si Saraya sa bahay ng Ninong Dwight niya sa Maynila. Ang usapan nila ay mamamasyal sila pagkatapos ng competition pero dahil nagkasakit siya at ilang araw na nilagnat ay hindi pa rin siya pinapasyal ng Ninong niya. Ang sabi nito ay ‘wag na muna silang mamasyal dahil hindi pa siya tuluyang magaling. Pero ramdam na ramdam na niya na maayos na ang pakiramdam niya. Siguro ay napagod lang siya dahil sa sunod-sunod na araw na paglangoy dahil sa competition. Hindi naman talaga siya sakitin. Sadyang nanibago lang ang katawan niya dahil sa sunod-sunod na paglangoy at sa gabi ay may practice pa kaya hindi kinaya ng katawan niya at nagkasakit siya. Mabuti na lang at tapos na ang competition at champion na siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD