Halos walang tulog si Dwight nang lumuwas sila ni Saraya sa Maynila para sa swimming competition na sasalihan nito. Sa sasakyan naman ay hindi pa rin siya nagkaroon ng pagkakataon na makabawi ng tulog dahil maingay ang mga estudyante na kasama nila sa bus. Kahit si Saraya ay hindi matapos-tapos ang pakikipag-usap sa mga co-players na kasama nila sa bus. Pagdating tuloy sa hotel kung saan sila tutuloy ay gustong-gusto ni Dwight na matulog at ‘wag na lang um-attend sa opening program. Dahil madaling araw pa lang ay bumiyahe na sila paluwas sa Maynila ay maagang-maaga rin silang nakarating sa hotel. Napatingin siya sa oras at nakitang may ilang oras pa silang natitira para magpahinga at maghanda sa opening ceremony. Nagsabi siya kay Saraya na matutulog na muna pero gutom na daw ito kaya hi

